Nakatulala pa din ako sa kuwarto namin nang maalala ko na hindi pa ako nakapagluto ng hapunan. Dali dali akong nagbihis. Nagsuot ako ng manipis na tshirt at half leggings. Pagkatapos, agad akong bumaba para pumunta ng kusina. Pero nagulat ako nang maabutan ko si Judd doon sa kusina. Suot pa din ang damit niya habang nakapatong ang pink na Hello Kitty kong apron. "Anong ginagawa mo diyan? Marunong ka bang magluto?" wala sa loob na tanong ko. Humarap sa akin si Judd. "Excuse me? Ako? Kung marunong akong magluto? Sa palagay mo, namuhay ako sa Canada ng sampung taon na hindi ako marunong magluto?" exaggerated na sagot nito. Inirapan ko ito. "Okay, fine! Anong niluluto mo? Ako na." sabi ko sa kanya. "Ininit ko lang tong ni

