Chapter Ten "Ilang araw ka ng hindi lumalabas. Anak, nagpadala na ako ng mensahe sa grupong gumawa no'n. Hindi na raw nila uulitin. Warning lang daw iyon dahil akala nila ay nakalimutan na namin ang pangako namin sa kanila." Masuyong ani ng aking ina. She talks as if wala lang iyong pagpapaulan ng bala in our gate. I almost died. They still don't get my point. They still want na i-save namin ang company, ayusin ang problema sa paraang I need to marry someone's son. "Yunako, gusto mo bang mag-shopping? Remember iyong bigay na money no'ng matandang Gladiero? We can use it, anak." She wants to go shopping pa, while one of our kasambahay left na kasi wala na raw pambayad si mama? Nasa tamang pag-iisip pa ba ang aking ina? "Yunako, napapagod na si mama na magsalita. Araw-araw mo na lang hin