Chapter Nine Tahimik kaming kumakain habang si p***y ay nilala ng tindera. Nakasimangot pa rin ako dahil talagang tinawag nito si gov. "Kung nakasimangot ka'y parang katapusan na ng mundo. Stop it." Saway nito sa akin. "I'll remember that babae's face! Hindi ko siya bati." "Ang arte-arte mo kasi, Yunako. Napapala ng mga maaarte." Dinampot ko itong caramelized fried banana. "Wow! This caramelized fried banana is masarap." Tumango-tango pa ako habang kumakagat sa banana. Medyo gumanda ang mood because of the sweetness of this saging. "Banana cue lang iyan, Yunako. Kaartehan mo talaga." Ah, banana cue pala ito. It's good. I like it. "Can we make uwi this banana cue?" "We'll buy again." Tugon ng lalaki na sige pa rin ang kain. Para itong nagmamadali. "You're so nagmamadali. Why