Chapter Eight
"Mrs. Gladiero, kinidnap ako ng anak mo." Agad kong sumbong pagdating namin ng beach house. Buhat ko ang pusa nito na kahit kinukuha na nito ay hindi ko pa rin binigay sa kanya.
"Bakit mo naman kasi itinakas ang pusa niya, Yunako? Halos masiraan na iyan ng bait kahahanap sa alaga niya." Natatawang ani nito saka ako iginiya patungo sa loob.
"p***y likes me."
"Fussy likes everyone, Yunako. Hindi ka espesyal para ikaw lang ang magustuhan ng pusa ko. Akin na iyan. Baka hindi pa kumain iyan."
Pinilit na talaga nito, pati tuloy ang pusa ay nagalit.
Muntik kalmutin ang sarili niyang amo.
"Oh my gosh, Yunako! Tignan mo ang ginawa mo sa pusa ko."
And it's my kasalanan? OMG this guy!
Wala na tuloy akong nagawa kung 'di pakawalan ang pusa nito. Nang makuha niya ay agad siyang nag-walkout.
Kahit pa naroon si Mrs. Gladiero, I followed her anak.
Pumunta si Governor Lucca sa kitchen. Saka ito dumeretso sa exit.
Paglabas ay bumungad ang magandang cat house. Inilapag muna ni Governor Lucca ang pusa at sinimulang asikasuhin ang pagkain.
Nang ilapag nito iyon sa tapat ng alaga niya... agad kumain ang pusa. She's so gutom na gutom. Ang fast niya mag-eat.
"Tsk. Tignan mo. Ginutom mo ang pusa ko." Inirapan pa ako nito.
"Prepare mo mga need niya. Iuuwi ko rin siya sa new house niya---"
"The audacity to tell that to me, Yunako. Fussy is my cat! I'm not going to share her with you."
"You're so madamot pala, governor! Can't you share?"
"No. I'm not going to share her with you."
"But why?" napapadyak na tanong ko rito. "Is it hard not to be a madamot?" himutok ko pa rito.
"If it's about Fussy... I can be a madamot in your eyes." Napabuntonghininga ako.
"p***y is cute pa naman. Nakaka-relax i-touch ang p***y na iyan---"
"Yunako, it's Fussy. Hindi pussy." While tinitignan ko siya... feeling ko mababatukan na niya ako sa inis.
"Hindi mo siya igi-give sa akin?"
"No."
"Ihahatid mo ako sa house?"
"No."
"Ha? Paano na ako n'yan?"
"Ang layo, Yunako. Dito ka na matulog."
"W-hat? Paano naman ang p***y ko?"
"W-hat? Hindi ko nga sabi ibibigay sa 'yo."
"No! No! I mean... my p***y. Wala akong dalang panty. Baka mamaho ito." Tinitigan niya ako as if nasisiraan ako ng bait. I'm serious kaya. I'm so concerned sa akin p***y.
"Girl, you maybe forgot that... you shouldn't say that to me."
"Why not? I'm just being totoo. How about my p***y?"
"Oh God! Mommyyy!" gabing-gabi na pero ang ingay pa rin niya. Dumating naman ang mommy nito.
"Grayson, ang ingay mo. Natutulog na ang mga oldies!" sermon ng ginang dito.
"Kailangan daw niya ng panty. Problema ko na nga ang problema ng San Pedro... idadagdag pa ba naman natin ito?" sabay turo sa akin. Sabay pa silang tumingin sa akin na agad nagpa-cute sa kanila.
Natawa ang ginang.
"Ako na ang bahala, anak." Tugon naman ni Mrs. Gladiero. "Halika na, Yunako. For sure stress na stress ka na sa anak ko---"
"The heck, mom? Ako pa ang nakaka-stress sa babaeng iyan? Look at me!" turo pa nito sa stress.
"We're looking na... and what? We can see how old are you---" hinila na ako ng ginang na tatawa-tawa.
"Mrs. Gladiero, ang damot ng anak mo." Komento ko. Hindi ko kailangan i-filter ang mouth ko para lang i-please silang lahat. "Para pusa lang ayaw i-share." Napabungisngis ang ginang habang nakikinig sa rant ko. "Iyan po ba ang gusto ninyong i-arranged marriage sa akin? Omg! Stop na. Maawa kayo sa akin."
"Ang cute mo talaga, hija. Kaya nakatitiyak ako na ikaw ang magbibigay ng kulay sa buhay ng anak ko."
"Ano po ba ako? Crayons?" ani ko na nakaangat pa ang kilay rito. Ngumiti lang ang ginang. Hindi ba niya knows kung how ma-offend?
"May mga damit iyong mga pinsan ni Grayson na pwede mong hiramin. Dito ka lang at hihiram ako sa kanila."
"Thanks, Mrs. Gladiero."
"Pwede bang mommy na lang ang itawag mo sa akin?"
"No po." Deretso kong tanggi. "May anak po kayong pangit... sa kanya lang po kayo magpatawag ng mommy. I have my own mama po." Umugong ang malakas na tawa ng ginang. Hindi talaga siya marunong ma-offend.
Nang iwan niya ako sa kwarto ay bored na humiga ako sa bed.
Kahit phone ko ay hindi ko man lang nadala. Dapat nag-call na si mother ng police.
After 5 minutes... may kumakatok na. Bahagya ko lang sinulyapan ang door. When the door opened... I saw the old man. He's holding his p***y.
"You're going to make balik na ba si p***y?" tanong ko rito habang ang tingin ay nasa pusa.
"No, Yunako. Inutusan lang ako ni mommy na ibigay sa 'yo ito." Pumasok ito at inilapag sa bed ang damit na dala niya. "Pamalit mo raw."
"Pwede you iwan the cat?"
"No." Tumalikod na ito at dali-daling umalis. Nakasimangot tuloy ako.
--
UMAGA. I woke up na may cat sa tabi ko. Nakatitig sa akin as if hinuhusgahan ako.
"p***y, you're here." Galak na ani ko. Agad kong niyakap ito't pinanggigilan. "You sleep here?"
Nag-meow lang ito. What is the ibig sabihin of her meow? I need a translator. "What time is it na ba?"
I don't even have a relo. No phone, no watch. Hays. "Stay here, p***y. I'll just take a shower." Paalam ko pa sa pusa, as if naiintindihan niya ako.
Iniwan ko ito sa bed and I went to the bathroom.
Naligo ako roon. Ngayon ko pa lang gagamitin iyong damit na opinahiram sa akin. Nang matapos ay dali-daling nagbihis na ako.
When I came out ay buhat ko si p***y.
Si Governor Lucca na mukhang kagigising ay nasa mukha ang pagkataranta. Pero nang makita nito ang cat in my arms... mukha siyang nakahinga nang maluwag.
"Hinahanap mo?" painosenteng tanong ko rito. Mukhang wala pa itong time magsungit kaya tumango lang siya. "Okay. She's fine naman sa akin. So, ako na muna ang bahala sa kanya. Bye." Dali-dali akong palayo rito. I thought hahabol siya, but no. He didn't make habol to me.
"Ma'am, pakainin po natin si Fussy." Tawag ng kasambahay sa akin. Agad naman akong humabol dito. May nakahanda ng food doon. Kumain naman agad ang pusa.
"Hala! Is that tae?" maarteng tanong ko sa biglang lumabas na bilog sa pwet ng cat.
"Opo, ma'am." Natatawang ani ng kasambahay. Sabay abot niya sa akin ng wipes.
"What is it for?" salubong ang kilay dahil sa pagtatama.
"Punasan mo po ang pwet n'ya."
"Ha? Why me? It's so kadiri---"
"Ganyan po talaga, ma'am. Kailangan linisan ang alaga." Pinunasan nito. Ipinakita pa niya sa akin how to wipe p***y's butt.
Dinakot din nito ang poop ni p***y na busy pa rin sa pagkain.
Sa sobrang abala ko sa pusa ay hindi ko na napansin ang oras.
"Yunako!" tawag ni Governor Lucca. Dali-daling binuhat ko si p***y at tinungo ang pwesto ng lalaki. "Let's go." Hindi pa ako nag-breakfast. Wala silang food dito? No one makes alok ng breakfast. Pero kaysa naiwan ay sumunod na agad ako rito.
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Thanks." Tugon ko rito. Pagkalulan ko sa passenger seat ay nagsuot muna ako ng seatbelt. Nang makasakay si Governor Lucca... he even tried to get his pusa but failed.
The cat loves me na. Ayaw na niya akong iwan.
"Governor Lucca, convince your mother na hindi tayo bagay. I don't like you. You don't like me."
"That's what I'm doing, Yunako. Alangan naman kasing pakasalan ko ang nakaka-stress na babae, 'di ba? Daig ko pa ang kumuha ng bagong ipupukpok ko sa ulo ako---"
"You think I'm a pokpok?" gulat na ani ko rito. I'm offended ha!
"Pokpok? No! Ipupukpok."
"That's the same!" sigaw ko rito. Pinalo ko pa ang braso nito.
"It's not! Oh gosh! Maaga pa, stress na naman agad ako."
"You're masama." Napasimangot pa at nangilid ang luha sa sobrang offend dito.
"Ewan ko sa 'yo, Yunako. Ang sakit mo talaga sa ulo." Inirapan pa ako nito.
Niyakap ko na lang si p***y at may luha pa talagang pumapatak sa mata ko. "Stop crying... wala akong ginagawang masama sa 'yong babae ka."
Pero hindi ko siya pinansin. Nag-cry lang ako habang bumibiyahe kami. "Tsk. Ako pa ngayon ang mukhang masama." Inis na ani nito. Bubulong-bulong pa talaga.
"Stop it! Para kang bulolong d'yan." Masungit na ani ko.
"Bulolong? Ano na namang salita iyan, Yunako?" napahilot pa ito sa kanyang batok.
"Bulolong... bee. You don't know? Am I the slight bobo here?"
"Tanga." Bulalas ng lalaki na tawang-tawa. Pinalo-palo pa nito ang manibela sa sobrang laugh niya.
"p***y, your amo is so bobo. Ganyan ba kapag old na?" pagkausap ko pa sa pusa niya.
"Ako pa raw iyong bobo? Come on, Yunako. Bulolong?" muli itong tumawa.
"Why? You talk while whispering. Para kang bee sa tenga ko, Governor Lucca."
"Woman, bubuyog iyon hindi bulolong."
Bubuyog? Bee? Isn't bulolong?
"It's sounds the same, Governor Lucca." Giit ko.
"Woman, hindi porke katunog ay tama. Keep that in mind... may mind ka ba?"
"Alam mo... hindi talaga tayo dapat ikasal. For sure araw-araw lang tayong mag-aaway. I don't like that. You're so kawawa because you're old na to fight---"
"Stop." Napahinto naman ako sa pagsasalita. Inangatan ko ito ng kilay. "Kumain ka na ba?"
Kisapmata lang ay nakalimutan naming we're fighting.
Agad akong umiling.
"I wanna try ilog, Governor Lucca."
"Tinatanong ko kung kumain ka na. Bakit may usapang ilog? Hindi tayo mag-iilog."
"Ha? You're so bobo talaga, Governor Lucca. You don't understand?"
"Ilog... Ilog?" ani ng lalaki na wari'y nag-iisip siya.
"Hindi." Tugon nito.
"Aha! Bobo talaga. I want ilog for my breakfast. Like egg... a typical breakfast."
"Ilog... ilog... silog ba iyong ibig mong sabihin? Like... Tapsilog? Longsilog? Tocilog?"
"Yes. Thank God ginamit mo na ang brain mo, gov!" pumalakpak pa ako.
"Ilog? The f**k, Yunako. Ako pa talaga ang bobo? Pagod na pagod na nga ang utak ko kaiisip ng mga ibig sabihin ng salita mo."
"Tsk." Masungit na ani ko.
Nang may madaanan kaming kainan ay huminto na si governor. Agad itong bumaba kaya naman sumunod kami ni p***y sa kanya.
"Om-order ka na." Utos nito sa akin. Parang hinahamon niya ako. He thinks I can't make order? Watch and wait!
Lumapit ako sa isang babae. Nakatayo ito sa harap ng counter.
"Hi, ate? Can I make pili na our order?" tanong ko rito.
"Mukha ba akong tindera rito? Pakialam ko?" masungit na ani ng babae.
"Oh, hindi ba?" inosenteng tanong ko. Her ulo is so mainit yata to the point she wants to hurt me. Hinila naman ako ni Governor.
Umalis ang babae na nagdadabog. Why she's so galit?
"Pasensya na roon, ma'am. May problema sa pag-iisip iyon. Nanghihingi sa amin ng lechon manok... gusto buo. Lugi naman kami kapag gano'n. Dito na po kayo mag-order.
"You upo na muna. I can handle this." Confident na ani ko. Tumango naman ito saka akmang aalis na pero but I pigil him.
"Your wallet?"
"Why?" he's takang-taka. I don't have money kaya. "Oh! Here." Iniabot naman agad nito ang wallet na kinuha nito sa kanyang bulsa. Nang matanggap ko iyon ay ibinigay ko sa kanya si p***y.
"Take care of my p***y, Governor Lucca." Ang ginang na nasa counter ay napasinghap. As if she's so gulat na gulat. Why kaya?
"Fussy, Yunako. Please! Itama mo iyang pagtawag mo sa alaga ko."
Nagkibitbalikat lang ako with irap.
"Ano pong order mo, Ma'am Ganda?"
"Hello, ate." Todo ngiti pa ako rito. "2 orders of tosilog." Dali-dali naman nitong isinulat iyon. Iginila ko sa mga display na food ang tingin ko. "Can I also have 1 order of string beans cooked in a soy sauce?" turo ko sa display.
"String beans cooked in a soy sauce?" kamot ulo ang babae. "Adobong sitaw lang iyan, ma'am eh." Natatawa pa ito.
"Oh, yeah! 1 order of abobong sitaw."
"Adobo po---"
"Cancel na lang iyon, ate." Walang pasensyang ani ko. Napabungisngis ang babae. "Ito na lang pong bloody pork."
"Bloody pork?" nag-iisip pa yata ito. "Ah, dinuguan. Ma'am, pwede bang si sir na lang mag-order?"
Napasimangot ako.