Early in the morning, Zyren done fixing all her things and ready to go. Nagpaalam na rin siya sa kapatid niya. “Sorry talaga bunso,” malungkot na saad ng dalaga habang mahigpit niya itong yakap. Nakanguso itong tumango sa kanya. “ Okay lang, Ate… Trabaho mo naman iyan, eh. Wala naman po akong magagawa sa ngayon dahil kasalukuyang nag-aaral palang ako. Pasensya ka na, ah? Dahil sa akin, kailangan mong sumama sa boss mo sa ibang bansa ng ilang araw,” malungkot nitong sabi. “Huwag ka na ngang magdrama bunso. Alam mo namang mahal na mahal kita kaya ako nagsisipag ng ganito,” aniya na tinapik pa ang balikat. Totoo naman ang sinabi niya rito. Para sa kapatid ang ginagawa niyang itong. Kaunting tiis na lang at matatapos na rin naman nito ang kursong kinuha ng kapatid at kapag may trabaho na it