Nagising si Zyren mga bandang hapon. Nakatulog pala siya na hindi niya namamalayan. Sandali niyang kinurap-kurap ang mga mata, nasa loob pa rin siya ng tent habang nakatagilid na nakahiga. Agad siyang nag-unat ng kamay, bumangon, naupo at napangiti nang makita ang kulay asul na kalangitan at dagat. Kay sarap sa mata ng paligid. Tila musika sa kanyang pandinig ang pagaspas ng alon sa dalampasigan na tila sumasayaw kasabay ng pag-ihip ng preskong simoy ng hangin. Nananatili siyang gano’n ang ayos habang pinagmamasdan ang dagat. Gustong-gusto na niyang magtampisaw pero nainisip niya mamaya na lang. Mayamaya ay naisipan niyang lumabas sa tent at wala siyang nakita na tao. Saan naman kaya sila? Iniwan nila ako? Nagpalinga-linga siya ng tingin. At hindi naiwasang kabahan dahil sila lang kasi a