“Babalik na ba tayo ng Pampanga bukas, Sir?” tanong ni George. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan ng mga oras na iyon. Sabay-sabay na kasi silang kumain dahil iyon ang gusto ni Lorrenze. “Not yet. May pupuntahan pa tayo bukas,” tugon ng binata na hindi nag-aangat nang tingin. Napaangat nang tingin si Zyren. Akala niya ay babalik na sila ng Pampanga bukas dahil nakausap na rin naman nito si Mr. Alfonso. Saan naman kaya kami pupunta? “Saan at anong oras ho?” muling tanong ni George. “After breakfast tomorrow. Gusto ko kasing puntahan iyong lugar na sinabi sa akin ni Mr. Alfonso. Yung tinatawag nilang Five Fingers Cove. He said that place was so nice, that’s why I’m curious if what’s in there,” sagot ng binata. Marami rin kasi silang napag-usapan ng ka-business meeting niya kanina at