“I bought you this, how’s your feeling?” tanong ni Lorrenze pagkaabot niya ng mga pinamili niya kay Zyren. Napatingin si Zyren sa hawak nito. Hindi agad nakasagot dahil sa pagtataka. Kanina lang kasi ay sinungitan siya nito tapos ngayon ang bait na ng tono ng boses. “Masakit pa rin ba ang puson mo?” muling tanong ng binata. Doon pa lang tila natauhan ang dalaga. “Ahh… O-Okay na ho. M-Medyo nabawasan na ang p-pananakit ng puson ko dahil sa hot compress.” Buti na lang talaga naibsan na ang sakit. Ito talaga ang pinaka ayaw niya kapag nagkakaroon siya dahil parang hinahati ang katawan niya sa sobrang sakit ng puson niya. Dati maghapon lang siya nakahiga at halos ilang beses pa siyang umiinom ng gamot bago mawala ang sakit ng puson niya. “Good to hear that. Anyway, yung laman ng plastic b