“May masakit pa ba sa iyo?” halatang nag-aalala ang boses ni Lorrenze sa pagtatanong. Nag-angat ng tingin si Zyren. “Huh?” naguguluhang sabi niya. Imbes na sumagot ito ay nilapat nito ang palad sa kanyang noo tapos bumaba sa kanyang pinsgi. “May masakit pa ba sa iyo bukod sa puson ko? Ang pula ng mukha mo, oh,” sabi nito na mabakas mo sa kanyang boses ang pag-aalala habang hawak pa rin nito ang mukha niya. Nag-iwas naman nang tingin ang dalaga nung tiningnan siya nito ng diretso sa mata. Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ito sa kanya. “W-Wala…” nauutal na sabi ng dalaga. s**t! Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. “Bakit ang pula ng mukha mo?” Hindi kumbinsidong tanong nito. “Wala iyan… d-dahil lang iyan sa sakit ng puson ko,” ani Zyren na naka