“Good afternoon, my love…” bati ni Lorrenze kay Zyren pagkamulat na pagkamulat ng mga mata nito. “Anong oras na ba?” aniya na halatang antok pa. “It’s already 3 pm. Bumangon ka na’t may pupuntahan tayo,” wika ng binata. “Saan naman tayo pupunta? Kung kakain lang din naman, puwede bang dito na lang tayo?” “No! And you’ll find out later… Common, get up.” “Saan nga kasi, sabihin mo na…” tinatamad pang sabi ng dalaga. “Basta mamaya, malalaman mo rin. Sige na, bumangon ka na or gusto mo ibaon ko ulit ‘tong alaga ko sa ‘yo,” biro nitong sabi. “Hmmm, mas gusto ko iyan…” mabilis na sabi ni Zyren. Talaga hindi na siya nahihiya sa nobyo dahil nasasabi na niya ang mga gusto niyang sabihin. “Ikaw talaga! Mamaya ibabaon ko ulit ‘to pag-uwi natin. Bumango ka na at maligo saka magbihis na rin.”