“Hi, Zy! Kumusta ka na? Pauwi ka na ba?” napalingon si Zyren sa may-ari ng boses. It’s Samuel. Nakasakay ito sa pulang kotse. Pauwi na siya ng mga oras na iyon dahil biglang sumama ang pakiramdam niya. May nilakad rin si Lorrenze kaya nag-text na lang siya rito. “Okay naman ako. Bakit ka pala narito?” tanong niya. Nagtataka siya kung bakit naroon ito sa labas ng building ng Glory Sky Hotel. At wala naman siyang naalala na dapat nilang pag-usapan dahil isang buwan na silang hindi nakatira sa apartment nito at wala naman siyang kulang na bayarin sa binata. “Napadaan lang. May kinausap lang akong tao malapit dito.” “Gano’n ba?” “Oo. Ah, Zy, yaman din lang na nakita na kita, puwede ba kitang embitahin magkape?” aya nito sa kanya. “Ha? Puwede naman kung diyan lang sa malapit.” Huminga ito