Kabanata 5

1237 Words
Kinabukasan, maagang dumating si Zyren sa opisina. First day niya sa trabaho kaya gusto niya na maganda ang simula ng kanyang araw para na rin sa magandang performance. "Good morning po, ate Rita," bungad na bati ni Zyren kay Rita. "Ang aga mo naman yata," wika nito. "Sanay ho talaga ako na maaga pumasok sa trabaho," nakangiting tugon niya. "O siya, halika rito at ituturo ko sa iyo ang mga gagawin mo," aya nito sa kanya. Agad naman lumapit si Zyren. Nilatag ni Rita ang mga files at mga envelope sa mesa at isa-isang itinuro kay Zyren. "Zyren, doon pala ang table mo. Nakaayos na rin sa computer mo ang lahat ng mga schedule ni Sir Lorrenze. At kung may mga kailangan ka pa malaman huwag ka mahihiyang magtanong sa akin," turo nito sa isang table malapit sa opisina ni Lorrenze. "Salamat po, ate Rita," wika ni Zyren at tinungo na ang sinasabi ni Rita na magiging table niya, agad siya naupo at inayos ang mga gamit niya sa table. Inilagay rin niya ang picture ng magulang niya roon. Dala-dala niya iyon saan man siya naroon. Tila iyon rin ang lucky charm niya sa tuwing naghahanap siya ng trabaho. "Nay, Tay, ito na ho ang simula ng mga pangarap natin. Ipinapangako ko ho na makakapagtapos ng pag-aaral–“ "Miss Rivera?" Biglang napaangat nang tingin si Zyren ng marinig ang malamig na boses. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita kung sino ang tumawag. "S-Sir g-good morning ho." "Sino ang kausap mo?" nakakunot noong tanong nito. "W-Wala ho... M-May binabasa lang ho ako," kinakabahang sagot niya. "Prepare all the documents, aalis tayo ng alas nuwebe," wika nito sabay talikod at diretsong pumasok sa pinaka opisina. Documents? Anong documents? Patay ano na ang gagawin ko? Kumalma ka nga Zyren! Nataranta na si Zyren, binuksan niya ang computer at tiningnan ang mga schedules. "January 15 2019 1:30 pm, Business Meeting with Mr. Ong at Free Port Area of Bataan." Basa ni Zyren sa schedule na nakasulat sa computer niya. "Bataan? Ang layo naman," bulong ni Zyren. Hinanap niya ang file na may nakalagay na business meeting with Mr. Ong. Agad niya iyon inilagay sa lagayan ng mga files na dadalhin niya. Pagkatapos niya maiayos lahat, tumayo siya at tinungo ang opisina ni Lorrenze. Marahan siyang kumatok bago binuksan ang pinto. "Sir, ready na ho." Napaangat nang tingin si Lorrenze at napatingin kay Zyren. Yumuko itong muli at ibinalik ang tingin sa binabasang mga papeles. "Tatawagin na lang kita kung aalis na," malamig na wika nito. "O-Okay ho Sir," tugon ni Zyren at muling isinara ang pinto. "Anong nangyari sa kanya? Mukha ata siyang broken hearted?" bulong niya habang pabalik sa table niya. Hndi niya alam kung bakit nag-iba ang mood ng boss niya. Kahapon lang ay okay naman ito. O baka naman gano’n lang ito kapag oras ng trabaho. Gayunpaman, hindi na niya iyon inintindi pa. Muli na lang niya inayos ang mga importanteng files na dadalhin at sinigurado na wala siyang nakakalimutan. Tunog ng telepono ang pumukaw sa malalim na iniisip ni Lorrenze. Nagkunwari lang naman siyang nagbabasa nang marinig na may kumatok sa pinto. Ang totoo hanggang sa opisina hindi pa rin mawala sa isip niya ang lalaking sumalubong kay Zyren nang ihatid niya ito. Dinampot niya ang telepono. "Hello?" "Mr. Fernandez, it's me Ralph San Diego," tugon ng nasa kabilang linya. "Mr. San Diego, nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?" "Actually nai-send ko na sa email mo." "Okay, I'll check it now," wika niya sabay bukas ng laptop at binuksan ang email. "Tawagan mo ako kung may ipapadagdag ka pa." "Sige. Thank you. Bye!" Agad na ibinaba ni Lorrenze ang telepono at binasa ang s-in-end sa email niya. Zyren Marie Rivera 26 years old from Angeles City Pampanga. Graduated from Angeles Pampanga University. Iyon ang mga nilalaman ng file na ipinasa sa kanya. Lahat ng iyon ay mga ipormasyon tungkol kay Zyren. Kasama sa nakalagay na ipormasyon ay ulilang lubos na sa magulang at may isang lalaking kapatid na pinapaaral ng college. Biglang may pumasok sa isip ni Lorrenze. "Hindi kaya ang lalaking sumalubong sa kanya ay kapatid niya?" napahimas sa baba si Lorrenze sa isiping iyon. Isinara na niya ang laptop at tumayo. Tinungo niya ang pintuan at bahagyang binuksan. Bahagya niyang inilabas ang ulo at sinabi. "Miss Rivera, mag-ready ka na aalis na tayo." "Okay po Sir," magalang na tugon ni Zyren. Tiningnan lang siya nito at muling isinara ang pinto. Halos wala pang dalawang minuto, lumabas na ito ng opisina niya. "Let's go!" wika nito na hindi tumitingin kay Zyren. Nang marinig ang boses ng boss, agad naiInayos ni Zyren ang sarili, kinuha ang lagayan ng files at sumunod na rito. Binilisan din ni Zyren ang hakbang para maabutan ito. Bakit kasi ang lalaki nang hakbang niya? Akala mo naman sobrang late na sa pupuntahan namin. Naabutan lang ito ni Zyren sa elevator, mabilis siyang pumasok nang makitang nakakunot ang noo ng boss niya. Kahit hirap sa mga bitbit niya siya na rin ang pumindot ng button ng elevator. Wala silang imikan dalawa, hindi rin naglakas-loob na magsalita si Zyren at baka masinghalan pa siya. Pagkalabas ng elevator, halos patakbo na ang lakad ni Zyren para lang makasabay. Laking pasasalamat na lang niya dahil sa walang takong ang suot niyang black shoes dahil hindi naman talaga siya sanay sa may takong. Pagdating sa parking area, nag-hihintay na roon ang driver nito. Agad itong pumasok sa sasakyan at naupo. Medyo nag-alangan si Zyren pumasok. Hindi niya alam kung saan siya pupuwesto. "Miss Garcia, ano pa ang tinatayu-tayo mo riyan?" Napapitlag si Zyren nang marinig ang naiiritang boses ng boss niya. Napabuntong-hininga na lang siya. Wala na siya nagawa, mabilis na pumasok sa saksakyan at umupo sa tabi nito. Pagkaupo, pilit isiniksik ni Zyren ang sarili sa gilid ng bintana. At para maiwasan ang mga tingin ni Lorrenze, halos sa labas ng bintanan nakatuon ang kanyang paningin. Nabusog ang mga mata ni Zyren sa mga magagandang tanawin na nakikita niya sa dinadaanan nila. Ngayon lang niya napagtanto na mas may maganda pa pala sa lugar na kinalakhan niya. Halos tatlong oras ang biyahe simula Pampanga hanggang Bataan. At ang pupuntahan pala nila ay sa pibakadulo pa na parte ng probinsya sa Bataan. Iyon ay ang municipality ng Mariveles kung saan matatagpuan ang Free Port Area or economic zone. Habang tumatakbo ang sasakyan, napatingin si Lorrenze sa katabi niyang si Zyren, nakita niyang tila may dinaramdam ito na para bang pinipigilan lang nito na masuka. First time lang ba niya maka-experience sa ganitong lugar? Ang weak niya! Habang si Zyren naman ay hindi na maintindihan ang nararamdaman, nahihilo na siya at anumang oras ay susuka na rin, tila bumabaliktad na kasi ang sikmura niya sa panay ikot ng sasakyan. Tila bituka ng manok ang dinaanan nila. Gusto na niyang sabihin sa driver na huminto muna, ngunit pinilit niya manahimik at tiniis ang nararamdaman. Halos bente minutos din bago naging normal ang daan. Nakahinga nang maluwag si Zyren, akala niya wala ng katapusan iyon. Huminto sa isang villa ang sasakyan, agad na bumaba ang driver at binukasan ang pinto ng kotse sa gilid ni Lorrenze. "George, pumunta ka ng bayan at bumili ng mga kailangan natin dito sa villa. Narinig iyon ni Zyren, napakunot ang noo niya. Bakit kailangan bumili ng mga kailangan? Meeting lang naman ang pinunta namin rito. Aniya sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD