"Sir, tumawag ho kanina si sir Nathaniel, may sasabihin daw po sa inyo,” anang Rita pagkapasok ni Lorrenze sa opisina.
"Okay, I'll call him," wika nito at pumasok sa kanyang opisina.
Agad kinuha ni Lorrenze ang cell phone at tinawagan ang kapatid. Lorrenze stood up in front of a tall window that overlooked the entire skyscraper. His office was located on the tallest floor in the entire city, and one could see the view of the entire city from here.
"Renze," sagot ng nasa kabilang linya.
"May sasabihin ka raw?" tanong ni Lorrenze.
"Itatanong ko lang ko kung nakausap mo na si Mr. Alfonso para sa bagong building na ipapatayo natin sa Bataan?"
"Yes kuya... Bukas makikipagkita ako sa kanya ulit para pag-usapan ang presyo ng lupa niya."
"Okay. Siya nga pala, makakapunta ka ba mamaya? Ang tagal mo ng hindi nakakadalaw sa bahay at amimiss ka na ng pamangkin mo," tanong ng kuya niya.
"Yes! Actually kagagaling ko lang ng mall, bumili ako ng regalo. Plano ko talaga pumunta, naalala ko kasi birthday ni James ngayon."
"I'm sure matutuwa iyon mamaya. Alam mo naman na idol ka ng bata na iyon."
"Don’t mention on him na lang na pupunta ako. I want to surprise him,” ani Lorrenze. “Anyway, pupunta rin ba sina kuya Daryl at ate Lhianne?"
"Ang sabi ay hahabol na lang daw, nasa Cebu kasi siya ngayon. O Sige na, may meeting pa ako, balitaan mo na lang ako bukas, bye!"
"Bye."
After putting down the phone, a layer of dark cloud appeared in Lorrenze's eyes. Naalala na naman niya ang eksenang nakita niya kanina. Naiinis siyang isipin na may boyfriend na si Zyren.
Kinuha niya ang cell phone at tiningnan ang picture nito na kuha niya noong nasa resort siya. Doon niya unang nakita si Zyren. Nakaupo ito sa buhangin habang nakatanaw sa malawak na dagat.
Para itong anghel na bumaba sa lupa sa suot nitong puting damit. Napakaamo at napakaaliwalas ng mukha niya.
Katok sa pinto ang nagpaggising sa kamalayan ni Lorrenze. "Come in."
"Sir nag-aantay na ho ang board member sa conference room."
"Okay...Thank you..." Agad siyang tumayo at lumabas na ng kanyang opisina.
"Rita, paki tawagan nga si Ralph San Diego. Tell him to check the family background of Miss Zyren Marie Garcia."
"Noted, Sir," magalang na tugon ni Rita.
Pagkatapos sabihin iyon, agad ng dumiretso si Lorrenze sa conference room.
******
"Ate, naalala ko pala ,birthday mo na sa isang linggo. Ano ang gusto mong regalo?" tanong ni Eric kay Zyren.
"Naku Eric, hindi mo na kailangan mag-abala pa. Pinaka the best gift na sa akin ang matanggap ako sa trabaho," tugon ni Zyren habang pinaplantsa ang mga damit na susuutin niya pagpasok sa opisina bukas.
"Si ate naman, minsan ka lang naman mag-birthday at saka may pera naman ako. Pinag-ipunan ko talaga ang birthday mo."
"Gamitin mo na lang ang pera mo sa mga project mo bunso, huwag mo na ako intindihin. Saka ka na lang bumawi kapag nakapagtapos at nakakuha ka na ng magandang trabaho."
"Basta bibilhan pa rin kita sa ayaw at sa gusto mo..." wika nito sabay pindot ng remote ng tv.
Hindi na sumagot pa si Zyren. Tinapos lang niya ang lahat ng kanyang plantsahin at pumasok na ng kuwarto niya para magpahinga.
******
"Tito Renze..." sigaw ni James nang makita si Lorrenze na papasok ng gate.
"Happy birthday," bati ni Lorrenze.
"Thank you, Tito."
"Kumusta ang pogi kong pamangkin? Saan ang mga bisita mo?" tanong niya sabay gulo ng buhok ni James.
"I'm good, Tito. kahapon po ako nag-celebrate sa school tito kaya wala na pong bisita ngayon," wika nito.
"I have a birthday gift for you, sana magustuhan mo," wika ni Lorrenze sabay abot ng nakabalot na regalo.
"Wow! Thank you for this, Tito," nakangiting wika ni James. Ang mga mata nito ay tila nasasabik na makita ang na ang laman ng regalo.
"Renze, pumasok ka na at kumain," tawag ni Khrystelle kay James.
"Susunod ako, Ate," tugon niya.
"O, tara na sa loob para mabuksan mo na rin ang regalo ko sa ‘yo," aya ni Lorrenze sa pamangkin.
Pagkatapos niyon ay sabay na silang pumasok sa loob ng bahay at naupo sa malambot na sofa sa living area.
"Hi, baby Lhianna, hug and kiss tito Renz, please," bati ni Lorrenze sa isa at kalahating taon niyang pamangkin na hawak ng yaya nito. Pagkatapos ay kinuha niya ito at kinarga, agad naman yumakap at humalik sa pisngi niya ang bata.
"Andito ka na pala," wika ni Nathaniel nang makita siya.
"Napaaga ba ako?" nakangiting tugon niya.
"Oo, akala ko mamaya ka pa darating, nabanggit kasi ng secretary mo kanina na may meeting ka."
"Well, Kung hindi siguro successfull ang project sa Zubic, baka gabi na ako nakapunta."
"Wow, nanalo ka sa bid?" excited na tanong ni Nathaniel.
"Ako pa ba? Alam mo naman ang kakayahan ko," pagmamayabang niya.
"Ang yabang mo! Mana ka lang naman sa akin. Anyway, congratulations Bro," nakangiting bati ni Nathaniel.
"Thank you... Nasa dugo natin ang pagiging magaling pagdating sa negosyo kuya," nakangiting wika niya.
"Sa babae ka lang naman hindi magaling," pabirong wika ni Nathaniel.
Natahimik siya sa sinabi ng kuya niya, naalala na naman niya si Zyren.
"Biro lang, masyado ka namang seryoso diyan. Balang araw mahahanap mo rin ang tamang babae para sa ‘yo." Agad na bawi ni Nathaniel sa sinabi niya, alam niya ang pinagdaanan ng kapatid noong hiniwalayan ito ng nobyang si Charlotte dalawang taon na ang nakalilipas.
"It's okay, nahanap ko na siya at soon ay makilala mo rin."
"Aabangan ko yan, Bro," wika ng kuya niya sabay tapik sa kanyang balikat.
"Tito Daryl, tita Lhianne..." sigaw ni James nang makitang papasok ang mag-asawang Daryl at Lhianne kasama ang dalawang anak ng mga ito.
Sabay naman na napalingon sina Lorrenze at Nathaniel.
"Buti naman at nakarating kayo," wika ni Nathaniel.
Ang tagal na panahon rin bago nagkasama ang tatlong magkakapatid dahil sa pareho ng abala sa negosyo. Halos wala na silang oras para magtipon-tipon. Bukod, may mga sariling pamilya na rin ang mga kuya ni Lorrenze. At pareho na ring wala ang mga magulang nila.
"Itong dalawang pamangkin ninyo, hindi tinigilan ang daddy nila na hindi pumunta rito. Nami-miss na raw nila ang mga pinsan nila," tugon ni Lhianne.
"O, siya tara na sa dining at kanina pa nakapaghanda si Khrystelle," aya ni Nathaniel.
Masaya at sabay-sabay na nilang tinungo ang dinning. Bakas sa mukha ng bawat isa ang saya.