Nakaupo na si Zyren sa harap ng computer ay ‘di pa rin niya nagawang galawin ang keyboard. Nagtataka siya kung sino ba iyong babaeng dumating. Naguguluhan na siya sa kanyang sarili kung bakit may nararamdaman siyang panibugho na hindi niya naman dapat maramdaman. Mayamaya ay tumunog ang intercom sa harap niya. Isa sa kanilang investor ang tumatawag. Ipinasa niya sa line ng boss niya pagkatapos nitong sagutin ang tawag niya. After a minutes ay lumabas na rin iyong babae buhat sa opisina ni Lorrenze. Ni hindi siya nito tinapunan nang tingin o nag-abalang ngumiti man lang. At nakalukot pa ang anyo nito kaya nagtaka siya. “Anong nangyari doon?” tanong niya sa sarili saka muling itinutok ang tingin sa computer. “Sino naman kaya yung babae na yun? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Baka naman is