Nakahiga na ang dalaga sa kanyang kama ngunit ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Makailang beses na siyang magpabiling-biling sa kanyang higaan sa pag-asang makahanap siya ng magandang puwesto para sa maayos na pagtulog ngunit sadyang madamot talaga ang tulog sa kanya ng gabing iyon. Gulong na naman kasi ang isipan niya. Hindi na naman siya sigurado sa kanyang nadarama. Iwan ba niya, kahit na anong pilit niyang kumbinse sa sarili na subukan at paniwalaan ang mga sinabi ni Lorrenze ay tila pilit naman bumabalik-balik sa isipan niya ang mga nangyari sa kanyang mga magulang. “Lord, help me…” sambit niya dahil ang sakit na ng ulo niya sa dami ng kanyang iniisip. Parang sasabog na iyon dahilan para hindi siya makatulog. Oh baka naman nami-miss niya ang binata at ang mga ginagawa nito sa kanya