LOVE CONFESSION CHAPTER 30 KAHIT naman papaano ay nag- enjoy sa paglalaro ng bowling si Celine. Nakalimutan niya si Matilda na nang- aakit kay Xander. At kung hindi pa umalis ang babae ay baka ulo na nito ang naihagis niya sa bowling pin. Nang makaramdam sila ng gutom ay dinala naman siya ni Xander sa mamahaling restaurant. Itatanong niya sana kung sa kanila ba ulit iyon dahil asikasong- asikaso sila. Noon lang unti- unting napagtanto ni Celine na may sinasabi nga sa buhay ang kanyang nobyo. How much more kaya kapag yayayain na siya sa bahay nila. Baka mas malulula siya kapag nagkataon. "Saan tayo pupunta ulit?" untag ni Xander sa kanya habang papaalis na sila sa restaurant. "Ikaw, kung saan mo pa gusto?" balik tanong ni Celine. "Pahinga na muna tayo! Baka napagod ka," tugon ng binata