LOVE CONFESSION CHAPTER 52 HINDI napilit ni Xander si Celine na matulog silang dalawa sa Condo nito. At hindi rin sila magkakasama kung sakaling pumayag ang dalaga dahil mariing sinabi ng Mommy nito sa bahay nila matutulog ang binata. Hanggang ngayong nagising ang dalaga ay tila naririnig pa rin niya ang pag- uusap nina Xander at ang ina nito. Hindi naman niya sinasadyang marinig ang pag- uusap ng mag- ina. Iyon ang dahilan kung bakit pinilit na rin niya si Xander na ihatid na siya sa kanyang bahay. Tila naman naunawaan ni Xander ang sitwasyon ng dalaga kung kaya't wala na itong nagawa kundi ihatid na siya. Kaya napagtanto ni Celine na hindi pala ganoon kadali ang mga ibang bagay sa totoong pangyayari. Siguro nasobrahan lang niyang nangarap at naging kampante na tanggap ng lipunan ang is