LOVE CONFESSION CHAPTER 53 AGAD na nginitian ni Celine sina Dana at Shaina nang makita niya ang dalawa. Kumaway si Dana habang nakamata lang sa kanya si Shaina na hawak ang kutsara. Agad namang umupo si Celine at hinarap ang kanyang pagkaing inorder ng dalawa. "Nauna na akong ngumuya, gutom na ako!" sabi ni Shaina. "Lagi ka namang gutom, may nagbago ba?" sagot ni Dana sabay irap. "Siyanga pala, bakit mukhang hindi ka blooming today Celine?" baling naman ni Dana sa dalaga. "Ano?! At kailan pa ako naging blooming aber?" pagkakaila ni Celine at isinubo ang kalderetang baboy. "Ewan! Basta, parang hindi bright ang aura mo today. Unlike the other day, parang napaka- blooming mo and kitang maganda ang iyong aura." Saad ni Dana. "Sus! Gutom lang 'yan! Dami mong sinasabi, ano bang gusto mon