LOVE CONFESSION
CHAPTER 4
NAGISING si Celine sa sakit ng kanyang ulo. Tila may kutsilyong bumibiyak roon kasabay ng masakit na pagpintig- pintig nito. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang tagpo kagabi kasama ang estrangherong lalaki. Sunod- sunod ang paglunok ni Celine at tila nag- dry ang kanyang lalamunan. Hinagod- hagod pa nito ang kanyang lalamunan sa pamamagitan ng kanyang mga palad. Subalit mas tumatak sa kanyang isipan ang ginawa nila ng lalaking iyon.
Nag- init ang pisngi ni Celine at pabalikwas na bumangon. Ginulo nito ang sariling buhok at napapiksi.
"Hindi! Fling lang 'yun! I swear!" wika niya sa kanyang sarili sabay diretso sa kanyang banyo.
Mabilis siyang naghilamos at sinabon ang kanyang mukha pati na ang kanyang bibig ng makailang ulit. Agad niyang kinuha ang kanyang sepilyo at nilagyan ng toothpaste diretso sa kanyang bunganga. Papatapos na siya nang matitigan niya sa malaking salamin na nasa kanyang harapan ang sariling bibig.
Muli na naman itong napalunok, sinalat niya ang kanyang bibig at pinakatitigan iyon. Bibig ng lalaki na kanyang nakahalikan ang kanyang nakita. Ang matitigas at matitipuno nitong mga bisig. At napakatamis nitong mga labi. Natagpuan na lamang ni Celine na nakanganga na pala siya. Napakurap- kurap ang dalaga at sabay- sabay ang iling nito. Mabilis niyang tinapos ang kanyang pagsesepilyo at nagdudumaling umalis sa loob ng banyo.
"Erase! Erase! Gumising ka Celine, matanda ka na sa ganyan!" pinapagalitan nito ang kanyang sarili.
Upang makalimutan ang lalaking kanyang nakilala sa party ay inabala niya ang kanyang sarili. Kahit na may hang- over pa ito ay naglinis siya sa kanyang bahay. Diniligan niya ang kanyang mga halaman, naglaba at nagligpit ng mga damit niyang nagulo dahil sa kakahanap niya ng kanyang mga maisusuot. Nang mapagod ay muling kumain at saka pabagsak na nahiga sa kanyang kama. Ilang saglit pa at muli na naman itong nakatulog.
Tunog ng kanyang telepono ang nagpagising kay Celine. Kinapa niya ang kanyang telepono sa side table kahit na nakapikit pa ang mga ito.
"Hello?" tinatamad na wika ng dalaga.
"Celine! Naku! Thank you Lord at buhay ka pa pala!" tinig ni Dana.
Biglang nagmulat ng kanyang mga mata si Celine at bumangon.
"Bakit? Nabalita ba na namatay na ako?" inis na tanong ni Celine.
Tumawa ang nasa kabilang linya.
"Hindi! Akala ko kasi tulog ka pa kaya ko nasabi iyon." Sagot ni Dana.
Pinaikot lang ni Celine ang kanyang mga mata.
"Tulog nga ako inistorbo mo lang ako!" matabang na turan ni Celine.
"Ay! Sorry! Siyanga pala, nasa akin ang bag at phone mo. 'Yung kotse mo inuwi ni Shaina ibabalik na lang daw nila mamaya." Saad ni Dana.
"Nila?" nakakunot- noong tanong ng dalaga.
"Oh! Sorry again! May bago na siyang boyfriend!" nakikiliting wika ni Dana.
"What?! Boyfriend agad? Saan niya nakilala sa party ba?" gulat na tugon ni Celine.
"Yup! Wala ka bang nabingwit sa party kagabi? Celine ha? Huwag na tayo choosy masyado hindi na tayo fresh!" sabi ni Dana.
"Kayo lang hindi fresh! Ako fresh na fresh pa! At saka, wala akong nabingwit! Dahil hindi naman sila mga isda!" singhal ni Celine.
"Naman! Nanenermon ka na naman eh! Kailan ka pa magkakajowa niyan aber?" turan ni Dana.
"FYI, hindi ako nagmamadali! Ayoko lang magkajowa agad- agad tapos nganga in next day with matching cry cry pa." Tugon ni Celine.
Natahimik si Dana sa kabilang linya.
"Happy na lang tayo kay Shaina okay? Huwag mo na siya sermunan kawawa naman 'yung tao. Saka, love ka naman namin eh!" maya- maya'y wika nito.
Bumuntonghininga na lamang si Celine. Parang noong isang araw lang kasi broken- hearted si Shaina, tapos ngayon may kapalit na ulit 'yung hiniwalayan niyang kasintahan nito.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Kailangan niyo rin ng lalaki sa mga buhay niyo kaya hahayaan ko na kayo. Huwag lang kayong iiyak- iiyak sa harapan ko at baka pag- untugin ko kayong dalawa!'
"Yiie! Thank you sissy ko! Pakatandaan mo sissy, matanda na tayo at huli na sa biyahe. Kaya bago mapuno ang huling bus na bibiyahe, sumakay na tayo!" saad ni Dana.
Naumid ang dila ni Celine. Muli niyang naalala ang lalaking naghatid sa kanya. Ang nagnakaw ng first kiss, first touch niya. Kapagkuwan ay napailing - iling ang dalaga at pinampag ang sariling ulo.
"Celine?" tinig ulit ni Dana.
"Tigilan niyo na ako Dana! Shut up your mouth! Kung darating siya, darating sa takdang oras. Hindi nadadaan sa pabilisan!" sermon ni Celine.
"Hay! Sige na nga! Kinumusta lang kita kaya ako napatawag baka kasi sa iba ka umuwi." May himig kantiyaw na sabi ni Dana.
"In your dreams!" agad na tugon ni Celine at ibinaba na niya ang telepono.
Bago pa man nito tuluyang naibaba ang telepono ay narinig pa niya ang malakas na tawa ni Dana. Napapangiwi naman si Celine sa kabaliwan ng kanyang kaibigan. Tumayo siya at direstong naligo sa kanyang banyo. Balak niyang sa parke na lang siya maglakad- lakad tutal naman ay madilim na ang paligid. Malapit ang kanyang bahay sa parke at simbahan.
Pagkatapos maligo ay nagsuot lang si Celine ng jeans at puting damit na walang manggas. Maalinsangan naman ang paligid kaya okay lang na wala itonv jacket. Nakasumbrero ito ng pink na may malaking bulaklak sa gawing kanan. Kinuha niya ang kanyang maliit na handbag at tuluyan na itong lumabas. Ingay nang kalsada ang bumulaga kay Celine medyo nakakabingi pero mas nakakabingi ang kabog ng kanyang dibdib kapag naiisip niya ang lalaki kagabi. Nagpatuloy lang sa paglalakad si Celine hanggang sa nakarating na ito sa parke.
Marami na ang tao sa parke kasi nga masarap magpalipas kapag ganitong mga oras. Hindi masyadong mainit at hindi naman malamig. Sakto lang wika nga nila. Dumiretso siya ihawan ng mga barbecue at nagpa-ihaw ng tatlong paa ng manok, limang stick na karne ng baboy at limang stick na chicken intestines. Na- miss niya ang ganito lalo na sa sawsawang may siling labuyo na may maraming sibuyas.
"Ngayon ka lang yata ulit nagawi rine Celine!" pansin ni Aling Dora tindera ng barbecue.
"Opo! Medyo busy!" nakangiting sagot ng dalaga sabay abot ng kanyang bayad.
"Ganoon ba? Maigi ngang mag- relax paminsan- minsan!" wika ulit ni Aling Dora.
"Oo nga po! Sige po! Tutuloy na ako," tugon nito at lumayo na sa ihawan.
Tinungo ni Celine ang dulong bench ng parke malapit sa mga palaruan. Nawiwili siyang tinitingnan ang mga batang nagtatakbuhan at naglalaro sa damuhan. Nang may biglang pares na tumabi sa kanya. Magkahawak- kamay ang mga ito at sa palagay niya'y mga bata pa ayon sa mga hitsura. Medyo umusog palayo si Celine kasabay ng pagkagat niya sa barbecue. Medyo tumagilid siya upang hindi niya masyadong makita ang dalawa.
"Babe, saan naman tayo sa susunod na linggo?" tanong ng lalaki.
"Babe! Puwede sa tabing- dagat tayo? Gusto kong lumangoy sa dagat kasama ka." Malambing na sagot ng babae.
Napatigil si Celine sa kanyang pagnguya. Hinagilap niya ang kanyang bottled mineral at binuksan iyon saka siya uminom.
"Talaga? Gusto ko ring languyin ang dagat kasama ka babe!" wika na naman ng lalaki.
Sunod- sunod na kinagat ni Celine ang kanyang dalang barbecue kasunod ng pagtungga niya sa kanyang inumin. Ayaw naman niya sanang makinig sa dalawa pero magkalapit lang talaga kasi sila. Kaya imbes na refreshment ang dating sa kanya ang pagpunta niya sa parke ay tila pa siya pinapakitaan na kailangan na niyang magkajowa. Nag- init ang pisngi ng dalaga nang sa kanyang paglingon upang sitahin ang dalawa ay magkatukaan na pala ang mga ito. Kaya wala sa sariling nalunok lahat ni Celine ang laman ng kanyang bunganga dahilan upang mapaubo siya.
Kaaagad namang nagbitawan ang dalawang magkatukaan dahil sa kanyang pag- ubo. Dali- dali niyang itinungga ang kanyang inumin at saka tumayo. Hinarap niya ang love birds at nameywang siya.
"Puwede ba? Kumuha kayo ng sarili niyong kwarto! Ano kayo? Pinangangalandakan niyong magjowa kayo ganoon? So, ako walang partner kaya todo tukaan kayo sa tabi ko?" inis na wika ni Celine.
Napamaang ang dalawa sa kanya ngunit hindi nakapagsalita ang mga ito.
"Alam ba ito ng inyong mga magulang ha? Alam ba nila na sa public kayo nagtutukaan at sa mismong tabi pa ng isang kagaya ko! Kung maglalampungan kayo puwede sa sarili niyong kwarto kasi nakakaperwisyo kayo sa katulad ko. Nananahimik ako rito tapos guguluhin niyo lang?" mahabang litanya ni Celine.
"Teka Miss! Bagong mag- asawa kami at pasensiya na sa istorbo." Sagot ng lalaki.
Napaawang ang labi ni Celine. Napakurap- kurap ito at namula ang kanyang mukha. Mabuti na lamang at gabi na kaya hindi ito nahalata. Walang imik si Celine lumayo sa dalawa at mabibilis ang kanyang mga hakbang. Nakakahiya na nakakainis ang nangyari sa kanya. Binalibag niya sa basurahan ang kanyang hawak na bottled water at natitira pang barbecue. Inis siyang naglakad at nagpasya ng umuwi. Bad trip siya ngayong buong araw hanggang gabi. Malay ba niyang mag- asawa pala ang mga iyon parang mga bata pa sa kanyang tingin. Mas lalo tuloy niyang naisip na nagiging weird na siyang napaglilipasan ng biyahe. Hiyang- hiya siya talaga dahil sa dinami- dami ng kanyang nasabi sa magka- love birds ay mag- asawa pala ang mga ito.