LOVE CONFESSION
CHAPTER 5
MAAGA pa ring gumising si Celine kinabukasan. Wala sa sariling kumikilos papunta sa kanyang Flower Shop. Matamlay siya pero gusto niyang magtambay roon dahil mas tila nabubuwang siya sa loob ng bahay. Lagi na lang kasi umuukilkil sa kanyang isipan ang lalaking iyon. Ang lalaking muntik nang makakuha sa kanyang bandera. Saktong paglabas niya ay sakto namang dating ang kanyang kotse. Pagkahinto ay huminto rin ang kasunod nitong kotse. Napakunot- noo si Celine kung kanino ang isang kotse.
Nakita niyang malawak ang ngiti ni Shaina na bumaba mula sa kanyang kotse. Kumaway ito sabay senyas sa kanyang susi. Wala namang imik si Celine na naglakad papalapit dito. Binuksan niya ang gate at kinuha mula kay Shaina ang susi.
"Bakit ngayon mo lang binalik ang kotse ko?" tanong ni Celine.
"Sorry na! May pinuntahan kasi kami ng honey pie ko nawili kami kaya ngayon ko lang nasauli. Nasa loob na 'yung phone at bag mo." Masayang sagot ni Shaina.
Napataas ang kilay ni Celine saka niya tiningnan si Shaina mula ulo hanggang paa.
"Mukha nga! Para ka nang shunga sa lapad ng ngiti mo." Wika ni Celine.
Imbes na magalit si Shaina ay napahahikhik pa ito. Kasabay nang paglapit ng isang lalaki sa kanila. Natingin si Celine sa lalaki sabay tingin kay Shaina na para itong nagtatanong.
"By the way, siya si Roman my honey pie! Honey, my friend Celine!' pagpapakilala ni Shaina sabay kapit sa braso ng lalaki.
Lihim namang napangiwi si Celine dahil sa kalandian ng kanyang kaibigan. Sinasabi na nga ba niya at soft hearted na naman ito at easy to get. Mataman niyang tinitigan ang dalawa saka siya pilit na ngumiti.
"Nice meeting you!" wika ni Celine sabay lahad ng kanyang kamay.
"Me, too. Tama pala sina Shaina, you're beautiful!" sagot ni Roman at nagkamayan na sila.
Medyo pinisil pa ni Roman ang kanyang palad. Napatitig siya rito at kinindatan siya ng binata. Napataas ang kilay ni Celine at iisa lamang ang naglaro sa kanyang isipan, isa itong certified na manloloko. Tumikhim na lamang si Celine at agad binawi ang kanyang kamay.
"Mauuna na ako sa inyo, I had to go!" baling niya kay Shaina.
"Sige! May lakad kasi kami ulit!" masayang sagot ni Shaina.
"Hindi ka papasok?" nakakunot- noong tanong ni Celine.
"Ahm, nag- leave muna ako. Bukas na ako papasok,"
"Okay! Ingat kayo!" 'yun lang ang nasabi ni Celine.
Tuluyan na itong pumasok sa kanyang kotse. Hindi niya nilingon ang dalawa dahil naaibadbaran siya sa Roman na kasama ni Shaina. Kung magpapatuloy na ganoon siya titigan ng lalaking iyon matitikman nito ang kanyang bangis. Hindi uubra sa kanya ang mga ganoong klaseng lalaki. At hindi siya baguhan sa mga ganoon, batido na siya. Baka nga daig pa niya ang mga imbestigador na mga pulis.
Nagbusina na lang siya at tuluyan na siyang umalis. Medyo trapik na sa daan nang makalabas siya sa main highway. Nakahinga siya at hindi masyadong grabe ang trapik kung hindi aabutan siya ng siyam- siyam sa daan. Mahigit isang oras naman siyang naipit sa daan. Nakarating din siya sa kanyang Flower Shop nang ligtas.
"Good morning, Miss Celine!" bati ni Olivia na kasama niya sa Shop.
Bale tatlo sila, mga dalaga pa ang mga ito pero siya talaga ang pinakamatanda sa kanila. 'Yung iba nga niyang mga kaklase noon ay malalaki na ang kanilang mga anak ngayon.
"Maaga yata kayo ngayon?" tanong ni Celine.
"Marami kasing orders, Ma'am! Hindi ba 'yan ang sabi niyo noong friday?" sagot ni Vicky.
Napatulala si Celine, tinatanong niya ang kanyang sarili kung sinabi ba niya 'yon. Muli siyang napatingin kay Olivia na nakangiti sa kanya.
"Mukhang lakas ng impact sa'yo ang pinuntahan mong party ha?" sabi ni Olivia.
Napakurap- kurap naman si Celine, medyo nag- init ang kanyang pisngi. Kaya agad siyang nag- iwas ng kanyang tingin.
"Hindi naman! Naparami lang ako ng inom," pagkakaila niya.
"Oh! Umiinom ka pala Ma'am!" tugon ni Sherly.
"Medyo," matabang niya sagot sabay ayos sa mga bulaklak na nasa kanyang harapan.
"Kaya pala parang lutang ka pa, Miss Celine." Si Olivia ulit ang nagsalita.
"Oo nga eh! Sige na, back to work!" sagot ni Celine upang matapos na ang usaping iyon.
Kung maaari, ayaw na niyang balikan ang tungkol sa party. Nababalisa siya at nag- iinit na hindi niya alam kung bakit. Inabala niya ang kanyang sarili upang hindi na muling sumagi sa kanyang isipan ang nangyari sa party ng kanyang pinsan.
Naudlot si Celine sa kanyang pag- upo nang tumunog ang kanyang phone. Binuksan niya ang kanyang shoulder bag at kinuha ang phone. Nakita niyang si Dana ang tumatawag kaya't agad niyang sinagot.
"Lunch break na, hindi ka pa ba kakain?" tanong ng dalaga.
"Andiyan ka na ba sa restaurant?" balik tanong ni Celine.
"Kadarating ko lamang," wika ni Dana.
"Sige! Papunta na ako," tugon niya saka pinatay na ang phone.
Lumingon siya sa kanyang mga kasama.
"Lunch break na! Kung gusto niyo sumama na kayo sa akin," sabi niya sa mga ito.
"Salamat Miss Celine pero, susunduin ako ni Derek sabay daw kami." Sagot ni Olivia.
"Ako rin po, susunduin ako Sebastian." Sagot din ni Vicky.
Tumingin siya kay Sherly.
"Babaunan po ako ni Francis rito, sabay po kami kakain." Kiming sagot nito.
Hindi nakapagsalita si Celine. Napalunok ito, parang sinasadya naman ng tadhana na ipamukha sa kanyang siya na lang ang walang jowa. Pinilit niyang ngumiti kapagkuwan.
"Sige! Mauuna na ako," wika na lamang niya at umalis na siya.
Napabuga nang hangin ang dalaga habang sakay ng kanyang kotse. Malapit lang naman ang trabaho ni Dana sa kanyang shop kaya nagkikita sila tuwing lunch. Pati rin si Shaina kaya lang may date ito ngayon. Ilang minuto lang ay nakarating na siya sa restaurant. Agad niyang nakita si Dana pagkapasok niya sa loob. Nakangiting kumaway ito sa kanya at mabilis naman siyang lumapit dito.
"Umorder na ako since hindi ka naman mapili," agad na sabi ni Dana pagkaupo ni Celine.
"Okay lang! Gutom na nga ako," sagot naman ni Celine.
"Okay, let's eat!" nakangiting tugon ni Shaina.
Tumango naman si Celine at nagsimula na silang kumain.
"Alam mo sabi ng kaibigan kong si Winnie, 'yung kilalang anak mayaman may hinatid daw na babae noong party." Biglang sabi ni Shaina.
"Sinong anak mayaman?" nakunot- noong tanong ni Celine.
"Handsome kaya 'yun! Baka hindi mo siya nakilala sa party. Pero take note ha? Bali- balita may nakahalikan daw siya sa hardin ng pinsan mo then nawala sila pareho. Siguro, nag- love making ang mga 'yon!" Saad ni Shaina.
Dahilan upang mabulunan si Celine kaya agad siyang uminom ng tubig.
"Okay ka lang?" maang na tanong ni Shaina.
Tiningnan niya ito nang masama.
"Kakain ka na nga lang may dala ka pang tsismis!" inis na sagot ni Celine.
"Bakit tila apektado ka niyan?" nakalabing tanong ni Shaina.
"Hindi ako apektado! Pakialam nila sa mga naghalikan na iyon?" angal ni Celine.
"Kasi anak mayaman 'yung lalaki and very young! Siyempre! Mainit ang news sa kanya at tagapagmana pa ng kanilang kumpanya. Ang swerte naman ng girl na iyon, nakahalikan niya ang most handsome bachelor in town!" muling sabi ni Shaina na anlawak ng ngiti.
Sinalpakan naman ni Celine ng beef steak ang bunganga ni Shaina.
"Kumain ka na! Hindi 'yung kung ano- ano ang mga sinasabi mo, tsismosa!" sermon ni Celine pero pulang- pula na ang kanyang pisngi.
Si Celine naman ay sunod- sunod ang ginawa niyang pagsubo habang napasimangot naman si Shaina at kumain na nga lang ito. Habang si Celine ay napapaisip kung sila ba iyon ng lalaking nakahalikan niya o hindi. Mabilis napailing ang dalaga at pinilit na kalimutan ang sinabi ni Shaina. Baka naman kasi hindi sila andami namang mga mayayaman nang gabing iyon.