Chapter 1

1635 Words
JILL'S P.O.V "Agent Lightning, keep your gaurds higher. Mayroong tatlong malalaking lalaki ang papalapit sa pwesto mo. Probably they are some of the body gaurds assigned on that area. Be careful and make sure not to be noticed." walang ingay ngunit mabilis na nagtype ako sa keyboard habang nagbibigay ng babala at instructions sa mga agents na nasa mission. All of the agents assigned in this missions are new and they are currently doing their final test. Well, I am here, because I volunteered to be their watcher or eye. Their mission is simple and it's impossible that this won't be a success. Our client is a ceo and he approached us to seek for help. An important document was stolen by his secretary and it will be the fall of his company if the rival company would get their hands on it. He found out that his secretary is actually a spy sent by his rival, after the document has been stolen. Madali lang ang mission tapos tatlo silang mga agents ang sumasabak sa mission. That's why I am 85 percent sure that this would be success. Unless their skills and intelligence is not enough for their job. The document was inside a breif case na dala-dala ng ex-secretary ng client namin. What's making their mission challenging is that there's an event and rich people are all over the place. Which means there should be many body gaurds around that's why to get inside, they need to disguise theirselves as a waitress and waiter. They easily get in dahil naghire lang ng cater ang nagheld sa event. Nagkataon rin naman na nagkulang ng tauhan ang tagacater kaya immediate hiring sila para sa waiter and waitress. Huminto nako sa pagtipa sa keyboard nang tuluyan na kong nakapasok sa security system ng mansion. The good thing is hindi makikita sa monitor ng security room ang mga activities na gagawin ko. So I can freely do anything I want with their system. Madali ko lang nakita ang ex-secretary na dala-dala ang brief case. He was ushered by two body gaurds inside a room. May kasama ring isa pang tao ang ex-secretary na kasabwat nito sa pagkuha sa documents na kinuha mula sa client. "Agent Fire and agent Feirce, remember the plan. Make a scene that would divert the attention of the people inside that room. Lightning, focus on the document. Wag kang magpahuli." I reminded them. Yumuko ng kaunti si agent lightning habang tulak-tulak ang serving trolley. Saglit na napatingin sa kanya ang mga body gaurd at kaagad rin siyang binalewala. Huminto ito sa harap ng pinto kung saan pumasok ang ex-secretary at kumatok. Isa sa mga body gaurds na naghatid sa ex-secretary ang nagbukas ng pinto at nang makita ang pagkaing tulak-tulak niya ay kaagad siyang pinapasok nito. Nang sumarado ang pinto ay sunod na sumulpot si Fire at dala-dala naman nito ang serving tray na may mga wine. Sa kabilang side naglalakad si agent Fierce na nakasuot ng maids outfit habang may dala-dalang walis. Malayo-layo pa lang ay mayroong itinapon na maliit na bola si agent Fierce sa ilalim ng mesa na pinapatungan ng mamahaling vase. Sa ilalim nito ay mayroong socket na may nakaplug. Kumatok si agent Fire sa pinto at nang pinagbuksan na siya ng gaurd at akmang papasukin ay biglang sumabog ang socket sa ilalim ng mesa. Narinig ko mula sa ear device ni Lightning ang sunod-sunod na mura ng nga tao sa loob ng kwarto. "Damn! What was that?!" "Shit! You! Check on it!" "Yes boss." Natawa ako ng mahina. Maya-maya ay bumangga si agent Fierce na nag-aaktong hindi nakatingin sa daanan at nahulog ang dala-dala niyang walis kasabay rin ang pagkatilapon sa mga wine na hawak ni agent Fire. Saktong tumilapon ang mga wine sa mesang nagsisimula nang umapoy. Dahil dito, mas lumaki ang apoy na siyang nagkuha ng tuluyan sa mga atensyon ng mga tao sa loob. Pinanuod ko lang sila sa malaking monitor at inabot ang tasa ng kape na nakapatong sa mesa katabi ng keyboard. Inalis ko ang ear device sa aking tainga bago iniwan ang personal room ni Luke. Lumabas ako ng building at pumasok sa coffee shop sa harap nito. Pagpasok ko ay bumumgad.sa akin ang mga agents na nagpapahinga. Pumunta ako sa counter kung nasaan si Agent Spear. "Hindi ka ba busy at nandito ka sa shop? " tanong ko sa kanya habang inilalagay ang tasa sa counter. "No." sagot niya at kinuha ang tasa. Pumasok siya sa loob ng kitchen at pagkabalik siya ay may dala-dala na itong chocolate cake. "Oh." itinulak niya ang cake sa akin at kinuha ko ito. Kumuha ako ng pera sa aking bulsa at pagkatapos kong magbayad ay kaagad akong naghanap ng mauupuan. "Jill! Dito!" lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Amber na kumaway-kaway sa akin. Kasama nito si Red at Vera na isa ring agent. Kumaway rin ako pabalik at nagtungo sa kanilang mesa. Umapo ako sa bakantemg upuan sa tabi ni Amber. Ipinatong ko ang cake pagka-upo ko sa upuan. "Iyan na naman? Hindi ka ba nagsasawa kakakain niyan, Jill? Kaunti nalang magkaka-diabetes ka na." sita sa akin ni Amber pagkakita sa chocolate cake ko. Kibit balikat lang ang tangi kong isinagot. Kinuha ko ang kutsara at sinimulang kainin ang cake. "Ewan ko rin sayo Jill. Kung buntis ka lang, iisipin ko talaga na naglilihi ka." napahinto ako sa pagkain at tiningnan siya. "Never mind." nasabi nalang nito at ininom ang ice coffee na hawak-hawak nito. "How's the test? Nakapasa ba?" tanong naman Vera. "Hmmm." sagot ko habang ngumunguya. I didn't bother to give them a clear answer. Once I am eating, nakafocus lang talaga ako sa pagkain. Magkasabay na napailing sina Amber at Vera dahil sa akin. Nang matapos akong kumain ay tinanong ako ni Amber na tapos narin sa ice coffee niya. "Anong gagawin mo pagkatapos ngayon? Babalik ka na naman sa boring mong trabaho?" "I love my job at hindi ako naboboringan sa trabaho ko. But after this, pasukan na naman kaya magiging busy ulit ako sa school and maybe I can't be here more often to help." isa rin ito sa iniisip ko. Hindi na ako masyadong makakapunta dito sa head quarters ng Hemlock dahil may trabaho rin ako. By next week balik klase na naman kaya bilang isang guro ay kailangan kong maghanda. Lalo na ang classroom ko. Kailangan ko pa iyon icheck kung may dapat bang ipaayos. Hindi ko naman maiaasa sa school facility ang lahat ng bagay dahil baka mayroon pang nakaligtaan. I am more familliar with my classroom kaya ako dapat ang aatupag sa ibang mga bagay. "Bakit ka ba kasi nagteacher? You can just stay as an agent. Malaki naman ang pasweldo sa atin ni Boss pero sa halip ay mas pinili mo pang maging isang guro. Hindi lang maliit ang sweldo, kailangan mo pang magtrabaho araw-araw. Nakakapagod kaya 'yon." mahabang lintaya ni Vera. "It's what I want at wala namang masama sa pagiging guro." depensa ko. Aside sa gusto ko ang trabahong aking pinili, I also have other reasons. I can't risk my life this time. This is my second chance kaya hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataong nabuhay ako. Pagkatapos naming tapusin ang aming mga inorder ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Bumalik ako sa building kung nasaan ang mga office namin. Pero hindi ako bumalik sa computer room ni Luke. Pumunta ako sa sarili kong office at naabutan ang tatlong mga agents na hinihintay ako. "Congratulations, all of you passed." bungad ko sa kanila. Magkasabay silang lumingon sa aking gawi at tumayo. "Ms. Schwender!" bulalas ni agent Fierce na ang tunay na pangalan ay Candy. Katugmang-katugma sa kanyang matapang na ugali. "So, how's the mission? Is it challenging? Satisfying?" tanong ko. I opened the cabinet near my desk using my finger print. May kinuha ako sa loob nito at muli itong isinara. Umupo ako sa swivel chair at pinagmasdan silang tatlo. "Nakakapagod po. Napagod po ang tenga ko sa kakarinig sa sermon nung naghire samin. Tapos sinesante narin po kami." ani ni Maxie na ang code name ay agent Lightning. "Then that's good. Mabuti nang masesante kaagad kayo. You don't want to stay as a waitress do you?" pagbibiro ko pa sa kanya. "Ayaw ko po. I am happy being an agent." tumango-tango ako sa naging sagot niya. Inilapag ko ang ID's na kinuha ko mula sa kabinet. The ID's are simple but elegant. It's color is black and the font's color is gold. Walang litratong makikita sa ID dahil makikita lamang ito using a gadget of our invention. It has many use and those who have these ID's will get many benefits. It's purpose is not only to clarify one's profile but also it has lot of access. They can use it as a credit card, it can strengthen their influences and they can have VIP passes or treatments to some malls, casino's, store and many others. "You're already aware with the use of these things. All you need to do is to keep them." nakangiti kong sabi. Lumapit sila sa mesa at magkasunod na kinuha ang kanilang mga ID. Manghang-mangha silang tatlo at maingat na hinawakan ang ID. "I can't believe I now possess this ID." hindi makapaniwalang bigkas ni Candy. "Edi wag kang maniwala." nang-iinis ang tono na sabi ni Ace kay Fierce. "Did I ask your opinion?" Candy sneered at him. "I am not saying it because you ask my opinion. I just want to share it. Kung hihingin mo rin naman ang opinion ko. You should expect na manghihingi ako ng bayad. Hindi ako namimigay na libre." nakapamulsa itong nakatingin ka Candy na kunti nalang ay sasabog na sa inis. "Aba't!-" "Siya! Umalis na kayo sa harapan ko. Dito niyo pa talaga naisipang mag-away?" sita ko sa kanila dahilan uoang sila'y mapatigil. Nahihiyang nagpaalam silang tatlo sa akin at nang maisara nila ang pinto ay napapailing na lamang ako. Hindi talaga magkakasundo ang dalawang 'yon kahit pag-uumpugin ko pa. .... (A/N: please bear with the errors.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD