MST C-4

1441 Words
PABAGSAK akong umupo sa sofa at sinandal ang aking likod. Pumikit muna ako para kahit papaano ay mapahinga ko ang isip ko. "Bakit kasi sumugod ka don ng ikaw lang? Tingin mo ba lahat ng tauhan niya mapapatay mo?" Hindi ako sumagot sa halip ay pinakinggan ko lang siya. Hindi ko pa rin minumulat ang mata ko. Pero sa boses ni pinsan ay halatang bumabakat na ang ugat niya sa sentido. "Mabuti na lang at walang nangyari sa'yo. Zoo naman, ingat-ingat din 'pag may time. May asawa na ko gustuhin ko man na samahan ka sa pesteng misyon na 'yan ay hindi na pwede," sermon niya ulit. Narinig ko ang sunod-sunod niyang paghinga kaya dumilat na ako. "Hey, manganganak kana yata." Tumayo ako at nilapitan siya. "Depunggol ka talaga, kutusan kaya kita?" aniya. "Umupo kana muna. Sermon ka kasi ng sermon dyan. Di ko naman sinabi na mag-sermon ka," sagot ko at inalalayan siyang umupo. Umismid siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. "Tigas din ng ulo mo, walang duda mag-pinsan nga tayo," aniya. Tinignan ko siya ng masama, ganoon din ang ginawa niya. Mayamaya pa ay parehas na kaming tumawa. "Sira," aniyang humahagikgik. Hinaplos ko ang tiyan niyang may kalakihan na. Kasunod din nito ang paggalaw ng sanggol na nasa loob nito. "Baby, si Mommy mo inaaway ako," sumbong ko at sinabayan ko ng tawa. Napailing nalang ang aking pinsan saka nagsalita. "Ano nang plano mo?" "Mag-a-apply," kaagad kong sagot. Kumunot ang noo niya at ilang segundo akong tinitigan. "Mag-aaply? Di ko maintindihan." "May hiring ang isang kompanya niya. Naghahanap sila ng Secretary. Magandang chance ito para mas makakuha pa ng ibang impormasyon." "Mag-a-apply ka bilang Secretary?" tanong niya at tumawa. "Sigurado ka?" dugtong niya pa. "Bakit ka natatawa?" kunot noo kong tanong. "Sigurado ka talaga. Teka nga." Bigla niya akong sinapo sa noo pati ang leeg ko ay hinawakan niya rin. Sinamaan ko siya ng tingin at hinawi ang kamay niyang nasa leeg ko. "Oo nga. Mag-a-apply nga akong sekretarya," ani kong napalakas ang boses. Bigla siyang tumawa na halos hawakan niya ang kanyang tiyan. Hinayaan ko lang siya. Kinuha ko ang coffee mug na nasa lamesitang kaharap nitong sofa. Ininom ko ang kape pagkatapos ay kinuha ang sandwich saka kinain. "Sorry insan, hindi ko lang talaga ma-imagine na magsusuot ka ng office attire," ika niya habang tumatawa. "Anak ng! Tigilan mo nga ako," reklamo ko at ilang saglit pa ay natawa na rin. "Ako din, eh." Napailing na lang ako at tinignan ang kape. " Wala na akong ibang choice, ito na lang ang natitirang paraan para imbestigahan ang lalakeng 'yon." "Wait, sinabi mo na ba 'yan sa parents mo?" tanong naman niya. "Hindi pa. Wala silang alam, ikaw lang ang pinagsabihan ko." Kinuha ko ulit ang coffee at ininom. Ngumiti ang aking pinsan at hinaplos ang kanyang tiyan. "You know what? Akala ko talaga sa states kana titira. Pero when you said na lilipat kana rito as part of the army in our country masaya talaga ako." "Matagal ko din pinag-isipan 'yan, insan. Gusto ko rin namang maranasan na mag-silbi dito sa atin," sagot ko at kinuha ang natitira pang sandwich sa platito saka kinain. "Eh, bakit mag-re-resign ka?" tanong niya. "Mel, alam mo naman na may mga negosyong hawak si Dad. Tumatanda na rin siya, kaya dapat lang na magpokus na ko sa family business namin. Nakakahiya na ring i-asa sa dalawa kong utol." Kinuha ko ang kape at hinigop hanggang sa maubos. "Aba, mukang nag-ma-matured kana, insan," ika niya. "Kailangan eh. Saka, kaya ako nandito ay magpapaturo sana ako kung paano manamit at mag-make-up. Mag-a-apply akong--" Hindi ko na natapos ang pagsasalita dahil bigla na naman siyang tumawa. Inismiran ko siya. Hinayaan ko siyang tumawa at ilang sandali pa ay nagsalita na siya. "Totoo ba 'yang naririnig ko? Nagpapaturo--" "Oo nga! Tsk, aalis na nga lang ako." Akmang tatayo ako ay tinaas niya ang kanyang kamay senyales na 'wag akong umalis. "Sorry na, sorry na. Sige na, tutulungan na kita," aniya. Bumalik ako sa upuan, siya naman ay tumayo. Tumitig sa akin na para bang kinikilatis ang buo kong katawan. Napailing na lang ako at hindi na nagsalita. "Tanggaling mo nga 'yang jacket mo," utos niya na agad ko ding ginawa. Napakamot siya sa kanyang sentido at umiling. "Hindi ka pwedeng mag-sleeveless." "Sleeveless? Anak ng, tingin mo ba magsusuot ako--" Hindi ko na naman natapos ang pagsasalita dahil bigla siyang nagsalita. "Marami kang peklat. Screening pa lang di kana papasa." Napahilamos ako ng mukha gamit ang isa kong kamay. Hindi ko alam kung tinutulungan ba ako ng pinsan kong ito o nilalait ako? Wala din naman akong balak na mag-suot ng ganitong klaseng damit. Mas nanaiisin ko pang mag-long sleeve polo kaysa magsuot seksing damit. "Insan, kanina ka pa. Konti na lang aalisan na kita," ani kong nagbabanta. "May date kana for your job interview?" aniyang binalewala ang sinabi ko. Napakamot ako sa ulo. Muntik ko nang makalimutan na kailangan ko pa palang magpasa ng resume. Natatawang binalingan ko ang aking pinsan. "Wala pa. Hindi pa ako nagpapasa ng resume." "Good. Ako na ang gagawa ng resume mo. I'll make sure na tatawagan ka nila for the job interview." Hinawakan niya ang aking balikat at hinaplos. "Anong ginagawa mo?" tanong kong napakunot ang noo. Sa itsura niya ay tiyak kong may binabalak siyang hindi ko magugustuhan. "Pumunta ka ulit bukas. Kailangan mong matuto kung paano maging tunay na babae." "What? Babae naman ako. Bakit? Mukha ba akong lalake?" Tumawa siya at bahagyang hinampas ang aking balikat. "Pumunta ka bukas. Okay?" Sinamaan ko siya ng tingin. Muli kong sinuot ang aking jacket pagkatapos ay tumayo. "Come tomorrow," wika ulit niya. "Oo na, I'll come tomorrow." "See you, insan," sagot niya at ngumiti na tila may kahulugan. "Goodnight." Nakakadalawang hakbang na ako nang muli siyang magsalita. "Dito ka na lang kaya muna matulog. Baka hindi kana pagbuksan ng gate sa inyo," aniya. "I got a condo. I decided to move out since na palagi akong ginagabi ng uwi. Ayokong napupuyat si Mommy kakahantay sa akin." "Talaga? Buti pumayag si Uncle at Auntie?" aniya at mabilis na naglakad patungo sa harap ko. "Nung una hindi, pero dahil matigas ang ulo ko. Pumayag na rin sila," sagot ko at ngumisi. "I need to go." "Drive safely, see you tomorrow," wika ng aking pinsan. Ako naman ay lumakad na palabas sa pinto ng kanilang sala. NAKATANAW ako sa labas ng bintana habang tinitignan ang itim na kalangitan. Hating gabi na ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nasa kanang kamay ko ang itim na pangtali ng buhok. Ito ang hair tie ng babaeng nagtangkang pumatay sa akin dalawang araw na ang nakakaraan. Sa lahat ng killer na gustong pumatay sa akin ay siya lang hindi ko nakitaan ng takot. To be honest I was amazed sa katapangan niya. Tandang-tanda ko ang pagtutok niya sa akin ng patalim, kahit malaki ang tyansa niyang patayin ako ay di niya ginawa. Maybe she's not the type of killer na hindi kaagad pumapatay. "Interesting, I want to meet her again." Ilang sandali pa ay tumunog ang aking cellphone na nasa bulsa ng aking pantalon. Kinuha ko 'yon at sinagot ang tawag mula sa aking tauhan. "Boss, naka-set up na po ang mga bagong CCTV." "Do you have her name? Did you find her?" tanong kong binalewala ang sinabi nito. Hindi agad ito nakapagsalita. Lumipas ang ilang segundo ay napailing na lang ako. Lumakad ako patungo sa aking swivel chair at inilapag naman sa mesa na nasa harap ko ang itim na hair tie. "Boss, hinahanap na po namin siya." "Find her as soon as possible. Dalhin niyo sa akin ng buhay, gusto ko ako mismo ang papatay sa kanya." "Masusunod po." Pinutol ko ang tawag ng may kumatok sa pinto. "Come in." Bumukas ang pinto at pumasok ang isa kong tauhan na may dalang brown envelope. Bahagya itong yumuko at pagkatapos ay sinenyasan ko siya na umupo sa mahabang sofa. "Boss, these are the resume," ika nito. Lumapit ako sa kanya at umupo sa solong upuan na katapat ng mahabang sofa. Inabot niya sa akin ang brown envelope na kinuha ko din agad. Isa-isa kong tinignan ang portfolio ng mga babae, sila ang mga aplikanteng nag-a-apply upang maging sekretarya. Lahat sila ay maganda ngunit iilan lang ang may magandang credentials. Pagkatapos kong pumili ay binalik ko na ang envelope sa aking tauhan. "Ikaw nang bahala, inform me for the final interview," ani ko at iniabot din ang iilang pirasong papel na napili ko for the job interview. "Masusunod po," sagot nito at bahagyang yumuko pagkatapos ay umalis na rin sa opisina ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD