TINIGNAN ko ang aking wrist watch. Pasado alas-onse na nang gabi ngunit ang malaking bahay na tinitignan ko sa teleskopyo ay hindi pa rin nagpapatay ng ilaw. Kasalukuyan akong nasa taas ng puno at maingat na nagmamasid sa bahay na di kalayuan sa akin.
"Mukang tama nga ang sabi ni Major, hindi basta-basta ang taong 'to," wika ko habang nakamasid sa malaking bahay. Lumipas pa ang ilang minuto ay nabawasan na ang ilaw na nakapaligid. May mga parteng madilim, senyales na pwede ko nang gawin ang pakay ko, ang kumuha ng impormasyon sa kriminal na 'to.
Sinuksuk ko ang maliit na teleskopyo sa bulsa ng aking pants. Fitted full body leather suit ang suot ko upang makakilos ako ng mabilis at maayos. Tumaba yata ako dahil sa parteng dibdib ay hindi ko na naitaas ang zipper.
"Oras na," wika ko. Huminga ako ng malalim at sandaling pumikit. Kung mahuhuli man ako, lalaban ako. Mas mabuti nang mamatay habang nasa laban kesa ang tumayo at maghintay.
Kinuha ko ang isang stick ng yosi sa bulsa. Nag-iisip kung sisindihan ko ba ito para humithit muna o mamaya na lang. Napitpit na ang itsura dahilan para iayos ko ito upang bumalik sa dati nitong hugis.
"Mamaya na lang." Isinuksuk ko ang yosi sa pagitan ng aking dibdib at pagkatapos ay tumalon.
Tahimik at mabilis ang ginawa kong pagtakbo makalapit lang sa pader. Pagkalapit ay kinuha ko sa aking bewang ang lubid na may kalawit. Hinagis ko 'yon at hinatak upang makasigurong kumapit na ito sa pader.
"Good job," puri ko sa sarili. Mabilis kong inakyat ang pader. Pagka-akyat ay tinignan ko muna ang paligid kung may rumurondang mga security. Bigla akong napatalon nang tatama sa direksyon ko ang ilaw na kanina pa umiikot sa paligid.
Shit! Napapamura na lang ako sa isip habang tumatakbo paiwas sa ilaw. Napasandal agad ako sa pader kung saan malapit ang nakasaradong pinto. Tinignan ko ang itaas baka may nakabukas pang bintana. Halos lahat ay sarado ngunit may isang bintana na nakaawang pa. Tiyak kong makakapasok ako sa bintanang 'yon dahil hindi naman kalakihan ang aking katawan.
Akmang tatalon sana ako upang makasampa sa pader ay bigla akong natigil dahil may anino ng lalaking papalapit sa aking pwesto. Siniksik ko ang aking katawan sa pader upang magtago. Tikom-tikom ang bibig ko para lang di makagawa ng anumang ingay.
Habang papalapit ay panay din ang pag-flashlight nito. 'Wag lang sanang tumapat sa pwesto ko ang flashlight nito dahil 'pag nangyari 'yon mapipilitan akong saktan siya.
Nasa harap ko na siya at panay pa rin ang pag-flashlight niya sa paligid. Hindi ko inalis ang tingin sa lalaki hanggang sa tumapat sa paanan ko ang ilaw ng flashlight nito.
"Ha?" aniyang nagulat.
Bago pa niya itapat ang ilaw sa akin ay hinatak ko agad ang braso niya at hinampas ang batok. Napadausdos siya sa pader hanggang sa umupo sa sahig.
"Trabaho lang, walang personalan," ani ko at inayos siya sa pagkakaupo. Sinandal ko siya sa pader na hindi nasisinagan ng malaking ilaw.
Pagkatapos ay inakyat ko ang pader hanggang sa makarating ako sa nakaawang na bintana. Mabilis akong pumasok dahil tatama na naman sa akin ang liwanag.
Nagtago ako sa gilid kung nasaan ang mahabang kurtina. Medyo dimelight ang liwanag na nagmumula sa maliit na lampshade na katabi nang malaking kama kaya hindi ko maaninag ang ibang gamit dito sa loob. Tahimik kong sinuri ang paligid pati ang tenga ko ay alisto. Hindi ako maaaring sumablay lalo pa't nandito na ko sa loob. Hahakbang na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Pag-silip ko ay lumabas doon ang lalaking nakaroba. Mukang galing pa ito ng banyo at kakatapos lang maligo. Amoy kasi ang halimuyak ng sabon nang lumabas siya. Hindi ko naman intensyon na ituon ang aking mata sa bandang bewang niya. Pero anak ng tinapa! Bakit hindi niya tinali yung roba niya?!
Mabuti na lang at madilim kahit paano ay hindi ko nakita ang di ko dapat makita. Hindi ko rin maaninag ang itsura niya dahil may kataasan siya at hindi abot ng liwanag ng lampshade ang mukha niya.
Napailing ako at sandaling pumikit.
Ilang segundo pa ay tumunog ang cellphone niya. "Well, that's good," aniya.
Dahan-dahan ko siyang sinilip. Nilapag niya ang cellphone sa kama at tinali ang ang kanyang roba, pagkatapos ay muli niyang kinuha ang cellphone. Binuksan niya ang isa pang pinto at lumabas. Naghintay ako ng ilang sandali kung siya ay muling babalik ngunit lumipas ang halos dalawang minuto ay wala pa rin siya.
Kailangan ko nang kumilos kung maghihintay pa ako ay baka mahuli niya ko. Napatingin ako sa malaking cabinet, kaagad ko 'yong nilapitan at binuksan. Namumuo na ang pawis sa aking noo. Malamig ang paligid ngunit hindi nito kayang pahupain ang kabang nararamdaman ko. Tapos ako nito 'pag nakita niya ko!
"s**t! Nakasara!" wika ko. Nilapitan ko naman ang maliit na cabinet kung saan nakatungtong ang lampshade. Akmang bubuksan ko 'to ay biglang bumukas ang pinto.
Natigilan ako at ang mata kong nakatingin sa maliit na cabinet ay hindi ko mabaling sa taong nakatayo sa pinto.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim na tila nadisymaya. "You didn't leave?"
Anak ng! Ibig sabihin alam niyang nandito ako?!
"You want me to kill you?" wika niya ulit.
Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa cabinet. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng takot. Heto na kaya ang huling gabi ko?
No! Hindi ako pwedeng manatili rito nang hindi man lang lumalaban! Hindi!
Tumayo ako at kinuha ang maliit na patalim na nakasuksuk sa aking bulsa. Tinutok ko 'yon sa kanya, kahit papaano ay bumalik ang lakas ng loob ko. Napaismid ako nang makita ang nasa mukha niya. Totoo nga ang sabi ni Major, nakamaskara nga ang kriminal na 'to. Ang mata niya lang ang natatakpan ng maskara ngunit ang kalahati ng kanyang mukha ay walang tabon.
Nilapat niya ang kanyang palad sa pader at may pinindot. Bumukas ang ilaw kaya mas lalo kong tinuon ang mata sa kanya. Nakaroba pa rin siya. Manipis ang kanyang labi at mapula. May hikaw siya sa kanyang kaliwang tenga at ang kulay ng balat niya ay hindi ganoon kaputi. Malaki ang katawan, malapad ang mga balikat at mabilog ang muscle niya sa binti. May pagkabalbon ang binti niya pati ang parteng dibdib niya na hindi natakpan ng roba ay mabalbon din.
"Interesting, babae pala ang bisita ko ngayon," aniya.
Napaismid ako. Sa paraan ng pagtitig niya ay halata kong kinikilatis niya ang itsura ko. Hindi niya ko makikilala dahil nilagyan ko ng black face paint ang mukha ko.
Humakbang siya palapit dahilan para mapaatras naman ako ng hakbang. Pasimple akong umatras kung nasaan ang bintana. "'Wag kang lalapit!" pagbabanta ko ngunit tila wala siyang narinig.
Mas lumapit pa siya sa akin at ang natitirang nakapagitan sa amin ay ang kutsilyong tinutok ko sa kanya.
"I would love to die if you join me in bed," aniya.
"Baliw ang futa!" wika kong pasigaw. Namilog ang mata ko nang hatakin niya ang tali ng kanyang roba. "Hoy! Tumigil ka! Sinasabi ko sayo isasaksak ko itong kutsilyo sa'yo!" pagbabanta ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko at pagkatapos ay tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Akyat baba ang pagtitig niya na kulang na lang sabihin niyang maghubad ako. Mas lalo akong nainis nang bigla niyang hawiin ang kanang bahagi ng kanyang roba. Ayaw kong makita ang parteng nasa puson niya kaya hindi ko inalis ang tingin ko sa kanyang mukha.
"Join me. I'm beggin," wika niya ulit sa mahinahong boses.
Parang nagsi-akyatan lahat ng dugo ko sa batok. Nabalot na ako ng inis kaya naman idinikit ko na sa leeg niya ang kutsilyo. Kinailangan ko pang itaas ang kamay ko dahil may kataasan siya.
Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya, kalmado pa rin na parang hindi siya natatakot sa kutsilyong nakatutok sa leeg niya.
"Join me in bed, after this pwede mo na akong patayin."
"Siraulo ka ba?!" singhal ko. Mas lalo kong dinikit ang kutsilyo sa kanyang leeg.
Hindi siya natinag sa halip ay hinawi niya ang kanyang roba dahilan para tuluyan na siyang mahubaran. Ngumiti siya at muling nagsalita. "I'll be gentle."
"Anak ng!" Hindi ko maalis ang mata ko sa kanyang mukha. Bigla akong natigilan nang hawiin niya ang kamay kong may kutsilyo na halos segundo niya lang 'yon ginawa. Mabilis siya, halatang sanay sa pakikipaglaban.
Nabitawan ko ang kutsilyo dahil mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Halos mapangiwi ako. Akmang sisipain ko siya ay bigla niya akong niyakap mula sa aking likuran.
Namilog ang mata ko. Napalunok. Ramdam na ramdam ko sa likuran ko ang matigas na umbok. Nanginginig ang katawan ko na parang ginagapangan ako ng linta. Nagpumiglas ako ngunit mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit.
"Bitawan mo ko!" sigaw ko at pilit na inaalis ang kamay niyang nasa bewang ko.
"You smell so good," aniya at dinikit ang kanyang ilong sa aking leeg. Pagkatapos ay tinanggal niya ang tali ko sa buhok. "I like your hair," wika ulit niya at ang buhok ko naman ang inamoy niya.
Habang inaamoy niya ako ay panay ang haplos niya sa bewang ko hanggang sa makarating ito sa aking dibdib. Pilit niyang pinapasok ang kamay niya sa nakaawang na parte ng suit ko ngunit hindi niya naipasok sa halip ay nakuha niya ang yosing nakasuksuk.
"Cigarette?"
"Hoy! Yosi ko 'yan! Ibalik mo 'yan!"
Sa halip na ibalik ay tinapon niya 'yon sa sahig. "You kidding me," aniyang bahagyang tumawa.
Tinignan ko na lang ang yosi kong nasa sahig at napailing. Pumikit muna ako upang makapag-isip kung paano makakatakas sa kanya. Napadilat ako bigla dahil umabot na sa puson ko ang kamay niya. Buong lakas kong tinapakan siya sa paa, lumawag ang pagkakayakap niya sa akin dahilan para makawala ako.
Mukang hindi siya nasaktan sa ginawa ko dahil hindi ko siya nakitang ngumiwi. Siraulo ba 'to?
Ngumisi siya at kinuha ang kutsilyo kong nasa sahig. "Tatakas ka? Sige, go ahead. Pero make sure na hindi kita mahahanap," pagbabanta niya.
Ngumisi ako. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Maliwanag ang paligid kaya nakita ang buo niyang katawan. Napailing ako at nagsalita. "Sa susunod na magkita tayo. Puputulin ko na 'yang jun-jun mo."
"What?" kunot noo niyang sagot at ngumisi. Akmang lalapit siya ay tumalon na ako mula sa bintana.