MST C-2

1365 Words
"PLEASE sit down, Lieutenant." Pagkatapos kong sumaludo ay umupo ako sa upuang katapat ng mesa ni Major. Napansin ko ang envelope na kanyang hinawakan. Ito ang envelope na ibinigay ko noong isang linggo. Kaya siguro ako pinapunta ay ito pa rin ang pag-uusapan namin. "Hindi na ba magbabago ang isip mo?" tanong niya ay sinandal ang kanyang likod sa sandalan ng upuan. "Desedido na ho ako." "You have a potential na ma-promote this year. I'm also expecting na ikaw ang susunod sa akin," aniya at tinuro ang mesa na nakapagitan sa aming dalawa. Ngumiti ako, nag-iisip kung ano pa bang dapat kong idahilan para makumbinsi siyang aalis na ako sa serbisyo. "Sir, maraming mas-qualified pa kesa sa'kin. Maraming magagaling na nakapasok ngayong taon." Umiling siya at mayamaya ay ngumiti na parang pilit. "Pero ikaw lang ang may lakas ng loob." Natahimik ako. Mahirap makapasok sa pagiging sundalo pero ang mas mahirap ay lumusob sa labanan na di sigurado kung ikaw ay makakabalik ng buhay. I know what he means. "You serve in U.S. army for almost five years. Nang makarating ka rito sa pinas to serve here. I didn't expect anything from you, pero as time goes by you prove yourself that you are one of the best." Nakinig na lang ako sa mga kinukwento ni Major. Heto na naman siya, magku-kwento na naman ng mga operation na matagumpay naming nagawa. Naalala mo ba nung nagkaroon ng engkwentro sa San Guillermo? Lahat ng kasama mo namatay pero ikaw buhay pa. Kahit may tama nang bala ang binti mo lumaban ka pa rin. Nagtago ka sa ilalim ng sasakyan saka mo tinapon ang granada sa sasakyan ng mga kalaban. Lieutenant, can you imagine that? Kung iba siguro ang nandoon wala nang matitirang buhay," kwento niya at sinabayan ng pag-iling habang nakangiti. "Major, I don't want to die that time. Marami pa akong gustong gawin sa buhay," sagot ko at di ko naiwasan na tumawa. "That's what I'm trying to say, malakas ang loob mo kahit alam mong dehado kana," ani pa nito. Napatingin kami parehas sa pinto kung saan may kumatok. Tatayo na sana ako upang umalis ngunit agad naman akong pinigilan ni Major. "Lieutenant, this is urgent. Please remain in your seat." Tumango ako at muling bumalik sa pagkakaupo. "Come in," ani ulit ni Major. Tumayo siya at sinalubong ang isa naming tauhan na may dalang envelope. Sumaludo muna ito sa kanya bago iabot ang envelope. "Tawagin mo si Lieutenant Smith," dugtong pa nito. "Yes, Sir." Pagka-abot ng envelope ay umalis na rin ito agad at sinara ang pinto. Bumalik sa pagkakaupo si Major at binuksan ang envelope. Kinuha niya ang papel na nasa loob at nilapag sa mesa. Kunot-noong tinignan ko 'yon at pagkatapos ay muli kong binalingan si Major. "New Mission?" Tumango siya ng isang beses. "Hindi kaya ng kapulisan ang taong ito. He killed many people lalo na mga pulis. He even tortured them. Anything that you can imagine about killing kaya nitong gawin." Napaisip ako. Kinuha ko ang papel at tinitigan ang portfolio ng taong tinutukoy nito. "He's into illegal drugs, nagpapasok din siya ng mga illegal na armas. I don't know kung may involve na pulitiko, pero one thing I'm sure malakas ang kapit niya." "R.M." ani ko. "Initial n'ya 'yan. Kung mapapansin mo wala siyang litrato. Walang nakakaalam ng tunay niyang itsura at base sa impormasyon na nakalap ko lagi daw 'yang naka-maskara." "Tsk, naka-maskara?" wika kong napaismid. "Nahiya siguro siya sa kalokohan niya--- ahem, ahem." Napaubo ako kunwari, hindi ko kasi napigilan ang magbigay ng komento sa portfolio na hawak ko. Tumawa si Major. "Lieutenant, alam kong magagawa mo 'to. 'Pag nakahanap ka ng sapat na imbidensya at nahuli natin ang taong 'yan pwede ka nang umalis sa serbisyo." Bumaling ako kay Major. Hindi ko kasi aakalain na bibigyan niya ako ng kondisyon. Napahilot ako sa aking noo at napa-isip. Kung tatanggihan ko ito baka hindi ako makaalis sa serbisyo. Anak ng tinapa! Wala akong choice! "Sige, tatanggapin ko ho ang misyong ito. Pero pakiusap pagkatapos nito aalis na ho ako sa serbisyo." "Yes, Lieutenant. This is the last mission. Don't worry marunong akong tumupad sa usapan," pangungumbinsi nito. Muli na namang may kumatok sa pinto kaya natigil muna kami sa pag-uusap. Pinuntahan ni Major ang pinto at binuksan. Pagbukas ay bumungad agad ang lalaking naka-uniporme. Natatandaan ko siya. Kung di ko nagkakamali ay siya ang lalaking lumapit sa akin kanina na gustong makipagkilala. Nagkatinginan kami ngunit parehas din kaming napaiwas ng tingin sa isa't-isa. "Lieutenant Falcon, this is Second Lieutenant Smith," pakilala ni Major. Sumaludo ang lalaki kay Major at pagkatapos ay sumaludo din sa akin. Tumayo naman ako upang tumugon sa saludo nito. "Lieutenant Smith, this is First Lieutenant Falcon,"pakilala naman ni Major sa akin. "Have a seat." Umupo ang lalaki sa upuan nakaharap sa akin. Nakatuon ang paningin nito kay Major kaya hindi nito napansin na palihim ko siyang pinagmamasdan. Akala mo siguro nakalimutan ko na ang ginawa mo kanina. Napaismid ako at bumaling na kay Major. "Makakasama mo siya sa misyon," ika ni Major. Napalingon agad ako sa lalake. "Sir, I can do this mission. Mas mahihirapan lang ako kung may kasama pa ko," giit ko. "You need a backup." Sumeryoso ang mukha ni Major at walang kakurap-kurap na tumitig sa akin. "Yes, Sir." Napilitan na lang ako. Napansin ko ang lalake na parang bang ngingiti. Inismiran ko siya at walang kagana-ganang sinulyapan. "Before I forgot, hawak niya ang isang sikat na furniture company. And I heard that they are hiring. Baka magandang oportunidad ito para sa misyong gagawin niyo." "I'll look into it," sagot ng lalake. Bumaling siya sa akin at ngumiti sandali. "Nice to meet you, Lieutenant Falcon." Hindi ko alam kung nang-aasar ba ang lalakeng ito. Sa halip na sagutin ay tumango na lang ako. "Well, give your best shot in this mission." Tumayo si Major at sumaludo sa aming dalawa. Tumayo na rin kami upang sumaludo. "Lieutenant, ipakilala mo na siya sa mga kasama natin," turan sa akin ni Major. "Yes, Sir," sagot ko at lumabas na ng opisina. Sumunod sa akin ang lalake, kung anong bilis kong maglakad ay ganoon din siya. Huminto ako at siya naman ay bumunggo sa likuran ko. Nilingon ko siya na sinabayan ko ng masamang tingin. "Sorry, Lieutenant," aniya. Hindi ko na siya sinagot sa halip ay itinaas ko ang isa kong kamay senyales na magsilapit ang mga sundalong naroon. Humilera ang mga ito habang nakatingin sa akin at sa lalaking nasa tabi ko. "Everyone, this is second Lieutenant Smith," pakilala ko sa lalaking nasa tabi ko. Nagsi-saludo ang mga sundalong nasa harap namin at pagkatapos ay may iilang bulungan akong narinig. "Akala ko nasa ranking natin siya. Lieutenant na pala," ika ng isa na sinulyapan si Lieutenant Smith. "Oo nga, tignan mo yung babae. Mukang dalaga pa," ani naman ng kausap nito na sumulyap sa akin. Natuon ang mata ko sa dalawang lalaking nasa pangalawang hilera. Walang kagana-gana ko silang tinignan senyales na hindi ko nagustuhan ang kanilang pananalita. Ang isa ay dahan-dahang yumuko ngunit ang katabi naman nito ay ngumisi naman sa akin. Nilapitan ko ang lalake at tinitigan mula ulo hanggang paa. "Anong pangalan mo?" Ngumiti ito na para bang nang-iinsulto. "Gilbert Santiago." "Halika ka rito," utos ko at tinuro ang pwesto na nasa harap ko. Pumunta naman ito at lumingon pa sa kasama nitong nakangiti. Pagkatapos ay lumingon ulit ito sa akin. "Alam mo, Ma'am. Maganda ka sana, kaso ang--" Mabilis kong binigwasan sa sikmura ang lalake. Napaupo ito at humawak sa tiyan habang namimilipit sa sakit. "Aray!" ngiwing sambit nito. "Sa susunod na mangyayari ulit ito. Lahat kayo mananagot," malakas kong sambit at tinignan ang mga sundalong nakahilera. Wala sa kanilang sumagot. Umayos sila sa pagtayo at diniretso ang tingin. Si Lieutenant Smith naman ay nanatiling tahimik ngunit napansin ko ang kanyang labi na tikom na tikom. "Lieutenant Falcon, mukang may sinampulan ka naman, ah," wika ng isang sundalong papalapit sa akin, si Colonel Dominguez. Sumalado agad ako sa matandang sundalo. "Tinuturuan ko lang ho ng leksyon." "Lieutenant Smith?" baling naman nito kay Lieutenant Smith. "Yes, Sir. I'm second Lieutenant Smith. Cayden Smith," pakilala niya saka sumaludo kay Colonel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD