Chapter 2

1635 Words
~(CHANTAL LANE SY) I attended a makeup collection launch ng isang sikat na brand. Kanina pa ako nakakaramdam ng boredom dahil hindi ko naman talaga hilig ang makeup at wala man lang akong kakilala sa paligid bukod sa ex-boyfriend kong si Ram. Kanina ko pa ito nararamdamang nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko tuloy maigalaw ang leeg ko. Para akong may stiff neck, kulang na lang ng wheel chair at hello Garci. Gusto kong magtago na lang para hindi naman masyadong halata na even after 5 years had passed, hindi ko pa rin siya nakuhang palitan. Baka isipin pa nitong hindi pa ako nakaka-move on sa pang-iiwan niya sa akin at masyadong naging meserable ang buhay ko nang umalis siya. I frowned with my own thoughts. Hindi kayang i-absorb ng pride ko lahat ng iyon. Nakaramdam ako ng panunuyot ng lalamunan nang mapansin kong papunta ito sa direksyon ko. Tumaas ang mga balahibo ko nang marinig ko itong magsalita sa tabi ko. "Hey" bigkas nito. Simple akong tumingin sa paligid ko dahil sa tagal-tagal ko na itong nakikita sa mga ganitong events, ngayon lang ako nito nilapitan. Nang makasiguro akong ako nga ang binati nito, casual akong bumaling sa kanya. I even acted na para bang hindi ko napansin ang paglapit nito and acted a little bit surprised. "Hey," I casually greeted back. "Are you alone?" "Yeah..." Napansin kong may kausap na grupo ang girlfriend nito sa 'di kalayuan. Hindi na ako magtataka kung bakit lumapit ito. Napalunok ako nang mapansin ko ang simpleng paghagod nito ng tingin sa akin. "Hindi ka ba nilalamig diyan sa suot mo?" he asked. Hindi agad ako nakasagot. I was just confused. Hindi ko alam kung tama bang isipin kong concern ito. "Anyway, you look gorgeous tonight." Wala sa loob na dinala ako ang baso ng wine sa mga labi ko. I needed to wet my throat. I took a sip of wine. Nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko. Sa mahabang panahon, ngayon ko na lang ito nakausap nang malapitan and I didn't expect that he would flatter me. Inubos ko ang laman ng baso. Kamuntikan pa akong masamid nang may matanawan akong pamilyar na nilalang. Nakalapit na ito sa amin habang may ngisi sa mga labi nito. Nanatili lang itong nakatingin sa akin habang komportableng nakatayo sa tabi ni Ram. Gusto kong paikutin ang mga mata ko sa ngising aso nito. Muli akong sinulyapan ni Ram na tila nagpapaalam nang umalis. Sandali ko lang itong sinundan ng tingin habang humahakbang ito palayo. Bumaling rin ako agad kay Gabe. "What are you doing here?" Nilagay nito ang mga kamay sa mga bulsa niya. "I'm invited." "Kung hindi lang kita nakita sa Love Stop, I really would not think that you are following me." Inagat nito ang isang kamay sa ere, "Confidence level. 99.9." Automatic na umikot ang eyeballs ko. "You look bored, do you want to get drunk tonight?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Siguro ay kanina pa siya nakatingin sa direksyon ko. He knew I was bored, sana ay kanina pa niya naisipang lapitan ako. I found myself getting into his car. Nauwi kami sa isang resto bar. Hindi ko na maalala kung saan nagsimula ang conversation namin na nauwi sa asaran. "Psh, naniwala ka talaga do'n? Binobola ka lang no'n." Tinaasan ko ito ng kilay, "I know it was true. Actually, he didn't have to say that. I know that myself." "Wuoh," natatawang anito. "Ibang klase sa confidence, huh? Nasabi mo talaga 'yon ng hindi kumukurap?" muli itong tumawa nang mahina. "May issue ka talaga sa mga pumupuri sa akin, ano? Palibhasa wala kang ginawa kung hindi okrayin ako." Umiling ito, "I just don't find it necessary. Hindi naman kailangang lumapit ng ex sa ex at sabihin kung gaano siya kaganda ngayong gabi kapag hindi nakatingin ang current." "Gano'n naman talaga kayong mga lalaki, hindi ba?" "Wuoh, don't generalize men, Ms. Lane. Magkakaiba kaming mga lalaki." Inirapan ko ito at kinuha ang baso ng alak sa mesa pagkapos ay ininom iyon. "Defensive." Sa totoo lang ay hindi ko naman inaasahang makita siya. Hindi ko alam kung kailan pa ito nahilig sa makeup. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nitong sinamahan niya lang ang isang kaibigan niya. I didn't want to believe that. Kilala ko ang katamaran nito. Hindi naman ako nagulat na makita si Ram. Madalas ko na rin itong makita sa ilang events kasama ang girlfriend nito. I just didn't expect the small talk with him. "But he was right, you look gorgeous tonight," bigkas nito habang may bahagyang ngiti sa mga labi. Lalong tumaas ang isang kilay ko rito. "So... binobola mo rin ba ako?" "Hmm, kailangan pa ba kitang bolahin?" "Well, at least umamim ka rin na nagagandahan ka sa akin." Nangingiting umiling ito sa sinabi ko. Hindi ko maiwasang mapatingin sa malalim na butas sa mga pisngi nito at sa ngipin nitong mapuputi at pantay-pantay. Hindi ko maintindihan ang kislot sa dibdib ko. Humalukipkip ito at pinaliit nito ang mga mata, "I guess I've drunk a little bit too much, parang Emma Stone ang nakikita ko, eh. Emma Stone na may tigdas." Inirapan ko ito. Wala yatang araw na hindi ako na-bwisit sa kanya noon. Kahit sa maiksing anim na buwan ay wala man lang nagbago rito. Same old Gaberielle na walang ibang alam gawin kung hindi ang sirain ang araw ko at pataasin ang BP ko. Nanginginig ang mga balikat nito sa pagtawa. Kung hindi lang boring ang event ay hindi ko gugustuhing sumama sa kanya. Binalibag ko ito ng canned beer dahil ayaw nitong tumigil sa pagtawa pero nasalo niya rin iyon agad. "Ang pikon mo talaga," natatawang anito at binaba ang canned beer sa mesa. "Alam ko kung anong iniisip mo kanina habang nakatingin sa kanila. Kung hindi kayo naghiwalay ikaw sana 'yung nakahawak sa braso niya." "Naka-move on na ako," agad depensa ko. Sa totoo lang nakaramdam ako ng saya nang makita ko sila kanina. They were like a perfect couple. Sierra looked gorgeous. Mukha rin itong mabait at literate. It was enough na nakikita kong mukhang masaya si Ram. Wala naman akong ibang hiniling noon kung hindi ang maging masaya siya kahit na hindi na ako ang dahilan ng happiness na iyon. Isa pa, it was years ago. 5 years ago to be exact. Tama lang siguro na maka-move on na kami sa isa't isa. "So... you are ready to accept someone in your life again now?" he asked. "Moving on does not necessarily mean na kailangan kong magpapasok ng bago sa buhay ko." Humalukipkip ito at sumandal sa silya. "You know what? Masyadong mataas ang kilay mo. Mukhang matatakot ang mga lalaking lumapit sa'yo. That's better." Sa totoo lang ay wala naman talaga akong planong pumasok ulit sa isang relasyon. Gusto kong mag-focus sa company at sa career ko. Sa mga nakaraang taon, I learned to love myself more. Sa ngayon, nae-enjoy ko pa ang buhay ko ng mag-isa. "I wonder if you you missed me." Napatingin lang ako rito at hindi ako nakasagot. Masyado yatang random ang sinabi nito. "Of course, no." He chuckled. "Ako, hindi mo ako tatanungin kung na-miss kita?" I raised an eyebrow, "Just tell me." Ngumiti ito. "I missed you." Alam kong gago ito at alam kong hindi dapat paniwalaan ang mga sinasabi nito pero hindi ko alam kung bakit hindi agad ako nakasagot. Nakaramdam ako ng kabog sa dibdib ko habang nakatingin sa mga mata nitong nagsasabing hindi iyon biro. "And Hailey... Zen." dugtong nito. I wasn't sure kung ako lang ang nakaramdam ng sandaling awkwardness sa gitna naming dalawa. I managed to compose myself again. "I understand. It's really hard for you to admit that you missed me alone." Tumawa ito. "I don't want to miss you so... expect that you will always see me around." I didn't know that I would feel comfortable and uncomfortable with him at the same He time. "Tanungin mo muna ako kung gusto kitang makita." Nagpakawala ito ng mahinang pagtawa. Tumayo ang mga balahibo ko. His laugh sounded so... sexy in my ears. Hindi ko namalayan ang oras na kasama ito. He asked about Zen, at ito na ang naging topic namin buong byahe. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Alam kong not in good terms pa rin kami ni Zen. Ilag pa rin ito at alam kong hindi naman ganoon kadali ang maghilom. Hansa akong hintayin ang araw na lubusan niya kaming mapatawad mi Hailey. Nakarating kami sa harap ng tower ko lampas hating gabi na. "Good night," bigkas nito na mayroong matamis na ngiti sa mga labi. There was something with those lips na para bang gustong titigan ng mga mata ko, but then, I didn't want him to think na may pagnanasa ako sa kanya kahit pa katiting. "Sweet dreams," muling sabi nito. Nagpatuloy ako sa pagtanggal ng seatbelt. Naghanda na rin akong umibis ng sasakyan niya. "Dream of me, ba—" Hindi ko na narinig ang buong sinabi nito dahil sinara ko na ang pinto ng sasakyan niya. Somehow, alam ko kung anong endearment iyon. "Kadiri," mahinang bulong ko habang papasok sa loob ng tower. Habang nasa loob ako ng lift naiisip ko ang ilang oras na kasama ko ito. Pakiramdam ko nga ay kumapit sa akin ang bango nito sa ilang sandaling nasa loob ako ng sasakyan niya. Napansin kong nakatingin aa akin ang lalaking kasama ko sa lift mula sa salamin. He looked so confused. Wala sa loob na tumingin ako sa sarili ko sa salamin. I didn't expect to see a smile on my lips. Sinubukan kong iwaksi ang kung ano mang iniisip ko. I ended up pursing my lips. I knew I had a great night that I couldn't help but smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD