Chapter 1

1310 Words
~(CHANTAL LANE SY POV) I went to my favorite coffee shop- Love Stop for a light breakfast. They served mouthwatering pancakes na gustong gusto ng panlasa ko. Gusto ko rin ang refreshing ambience ng lugar. I like the modern dark interior design. Gusto ko ang amoy ng kape at ng mahinang tugtog sa loob. It was like me second home. 7:00 am and the place was crowded. Hindi tuloy ako makahanap ng uupuan. Sa di kalayuan, katabi ng glass window, nakakita ako ng vacant na two seats lang. Nagmamadali akong lumapit sa table sabay lapag ng laptop and coat sa mesa pero sakto namang may nagbaba rin ng laptop at coat doon na para bang nagmamadali ding hindi maagawan ng seat. Tinaasan ko ito ng kilay pero lalong tumaas ang kilay ko nang makita kong pamilyar na pamilyar ang mukha nito at hindi ko iyon makakalimutan dahil iyon ang mukhang kinaiinisan ko. But then, I suddenly felt that weird heartbeat again. The jump in my chest whenever I would see him. Si Gabe. "Wuoh, hi," anito nito na para bang nagulat ding makita ako. I was just speechless. Hindi ko inaasahang makikita ko ito. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Halos walang nagbago rito. Ganoon pa rin kalalim ang mga dimples nito. Mukha pa rin itong babaero. Binigyan ko lang ito nang tipid na ngiti and took my seat. In-open ko kaagad ang dala kong laptop dahil may trabaho pa akong kailangang tapusin. "Hmm, is it fine if I share table with you?" he asked. "Go ahead," I answered while entering my laptop's password. Kita ko naman sa peripheral vision ko ang pag-upo nito. Mayamaya ay napansin ko sa gilid ng mata ko ang paglapit ni Pon dala ang menu sa kamay niya. "Hi, beautiful Ms. Lane. Ano pong order niyo?" Hindi na akong nag-abalang lingunin ito. "Usual." Kilala na ako nito dahil almost 6 months na akong nag-aalmusal rito na walang palya. Wala akong time to cook breakfast or may time naman talaga ako but I was too lazy to do it simply because cooking was not my thing. Nalaman ko lang ang lugar na 'to simula nang lumipat ako ng condo unit. "Copy, Ma'am. Kayo po, sir pogi?" narinig kong tanong nito kay Gabe. "Hindi pa," sagot nito. Sumulyap ako rito. Nakatingin ito sa laptop niya habang nakangisi. Kumamot sa ulo si Pon, "Ano po?" Pasimple akong bumuntong hininga. Hindi ko malaman kung bakit hindi pa rin kumakalma ang kabog ng dibdib. "Usual din," sagot nito. Usual? "Copy, sir." Kinindatan ako nito Pon bago nagsimulang humakbang palayo si Poy. Mayamaya ay nagsalita ang lalaki sa tapat ko. "Mukhang madalas ka dito?" "Every morning," tipid na sagot ko. "7 am?" "No. I have to finish something today kaya napaaga ako ngayon." Hindi ito sumagot. Tumigil ako sa pagta-type sa laptop ko at na-angat ako ng tingin para sulyapan ito. Hindi ko inaasahang nakatingin ito sa akin. Agad rin nitong binalik ang tingin sa laptop. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naisip ang itshura ko. I absentmindedly bit my lower lip nang maalala kong wala akong nilagay na kahit ano sa mukha ko bago ako umalis ng bahay. "Nag-uumagahan rin ako rito pero hindi man lamg kita napapansin, that's so unfair." "It's okay, I'm glad na hindi kita nakikita noong mga nakaraan. Ayokong masira ang araw ko." Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Blooming ngayo ah," anito. "As always," confident na sagot ko. "Si Wendy." Muli ko itong tiningnan. He was smirking. Ngumiti ito sa likuran ko. Wala sa loob na sinundan ko ang tinitingnan nito. Kinawayan kami ni Wendy na kumukuha rin ng orders ng ibang customers. Blooming nga ito ngayon. In fairness. Tatawa-tawa ito nang muli akong bumaling sa kanya. "What's funny?" taas kilay na tanong ko sa kanya. "Nothing," pigil ang tawang sagot nito. Sakto namang dumating si Pon at nilapag sa mesa ang order namin, "Uhm, Pon, i-take out mo na lang 'yung sa akin. I have to leave." "Ah, sige po, sir. Basta kayo walang problema." Muling ibinaling ni Gabe ang tingin sa akin. "You look good without makeup on. I love it." Parang nagkaroon ng bara ang lalamunan ko sa sinabi nito. Pansin ko ang paghinto ni Pon sa pagkuha ng mga orders nito sa mesa. Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kulay tsokolateng mga mata nito. Lumitaw na naman ang malalim na dimples nito sa kaunting ngiting nasa mga labi nito. "Araaay!" daing ni Pon dahilan para mapatingin kami sa kanya. Napaso yata ang kamay nito na agad niyang hinipan. "Grabe ang init..." tumigil rin ito at tumingin sa amin ni Gabe. "ng titigan." Agad akong napairap rito. "Araaay!" muling daing nito habang nakahawak sa dibdib niya. "Wala ba talaga akong pag-asa kahit sa isang maliit na ugat sa puso mo, Ms. Lane?" Gabe chuckled, "President ng mga bitter sa kanto 'yan at spokesperson ng mga iniwang luhaan at sawi. I don't think you have any slightest chance." Tinaasan ko ito ng kilay. At anong tawag niya sa sarili niya? CEO ng mga MOMOLista at kapitan ng 'no commitments allowed because the more the the merrier'? "Magka-kilala po kayo?" pabulong na tanong nito kay Gabe. Hinila niya si Pon palapit sa kanya pagkatapos ay may binulong sa tainga nito. Agad napakamot sa ulo si Pon. "May magagawa pa ba ako, sir? Pang pedestrian lane lang po ang mukhang 'to hindi po pang jowa ng isang Ms. Lane." Nakangiting napailing si Gabe rito. Umalis na rin si Pon bitbit ang mga orders ni Gabe. "What did you tell him?" tanong ko nang makaalis si Pon. "Nothing," nakangising sagot nito. Magsasalita pa sana ako pero tumunog ang cellphone nitong nasa ibabaw ng mesa. Agad rin nitong sinagot ang tawag. "Hello, Love?" Bigla akong napainom ng tubig sa narinig kong tawag nito sa kausap sa kabilang linya. Almost 6 months pa lang nang huli ko itong makita pero nakabinwit agad ng isda sa dagat. Ano pa bang aasahan ko rito? "Mag-almusal ka muna, papunta na ako," muling sabi nito. Hindi ko alam kung bakit umiikot ang eyeballs ko. "What are you doing?" natatawang tanong nito nang matapos sa kausap. "Eating. Obviously." "I mean, mukhang napapalaban ka d'yan sa pancake. Pati ba naman 'yan sinusungitan mo? Walang kalaban-laban, oh?" "I just don't like its taste today." Nakabalik din agad si Pon binaba nito ang paper bag sa mesa. "Sir, heto na po yung take out niyo." "Hindi raw masarap 'yung pancake niyo." "Ano po? Talaga po, Ms. Lane?" baling sa akin ni Pon. Lalo png tumaas ang kilay ko kay Gaberielle. "Wala akong sinabing hindi masarap. Ang sabi ko, I don't like its taste today." "Parang ganu'n na rin 'yon," nakangising anito. "Ma'am..." tinuro ni Pon ang gilid ng labi ko. Hindi ko ito pinansin. Gusto kong paliwanagan ang ang lalaki sa harap ko. "Excuse me, there's a big difference—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinunasan nito ang gilid ng labi ko using his thumb. "Ang daldal mo," anito at dinala ang thumb niya sa mga labi niya. "Mukhang masarap naman." I looked at him in disbelief. What the... fudge? Tinapik nito ang balikat ni Pon na napa-nganga sa ginawa niya. "Thanks," kinuha nito ang paper bag sa mesa and stood up. Nakangiti itong bumaling sa akin, "don't forget to smile today." Nakatingin lang ako rito hanggang sa tuluyan itong maklabas ng pinto. Bumaling lang ako kay Pon nang magsalita ito. "Ah, Ms. Lane, meron pa po sa kabila, gusto niyo po ako naman ang mag-punas?" Ito naman ngayon ang tinaasan ko ng kilay. Why men are so damn annoying? "Gusto mong ikaw ipunas ko sa sahig?" "Joke lang po. Di na mabiro, Ms. Lane," natatawang saad nito sabay alis sa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD