“Thank you for giving us a second chance. Thank you for making us happy. Thank you for being a very good friend. We will miss you, Elizabeth. I love you, friend.” Umiiyak si Brianna habang pinagmamasdan ang nakahimlay naming kaibigan. Ipinatong niya ang kulay puting rosas sa babasaging kabaong at marahang hinaplos iyon. “Gusto ko ring magpasalamat sa mabubuting pagkakaibigan. Hindi ka namin malilimutan, Elizabeth.” Si Ethan iyon na siyang umaalalay sa umiiyak na si Brianna sa harapan. Matapos mailagay ang bulaklak na hawak ay magkasabay silang bumalik sa upuan. Nandito kami sa Peace Garden, kasama ang Imperiali, mga professor at ilang malalapit na kaibigan ni Elizabeth. Ako ang nagpasyang dito na lang namin dalhin si Elizabeth. Hindi sa kung saang lugar o silid. Kahit sa huli

