bc

Miss Probinsyana In The City

book_age12+
2.1K
FOLLOW
5.5K
READ
possessive
contract marriage
pregnant
independent
confident
drama
sweet
bxg
brilliant
first love
like
intro-logo
Blurb

After his unfortunate love with Kyla Suzzane Bright who married his half-brother Zyril Ace Fvcker, Zyne Fvcker made himself busy as the owner of his own company. He promised to himself that he will never risk falling in love again if its not Kyla. As years went by, Zyne still can’t moved on from his love for Kyla. Later on, a proud probinsyana named Samantha DiMatulak, entered his life. Samantha became the personal assistant of Zyne Fvcker in the company.

First love never dies. Now he knew. But it doesn't mean that there's no way to have a second love.

Kyla, may be his first love but..... could it be that Samantha is his True Love?

The moment he met Samantha, she thought him what is the real meaning of love. What love is all about. She's the only woman who saw his demon side. She's an Angel sent from above.

That Probinsyana Girl.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ZYNE POV "Get out!" sigaw ko sa babaeng ito at kaagad naman siyang umalis habang umiiyak. "Dude,” tawag sa akin ni Seven habang magkasama kami rito sa loob ng office ko. “Pang 38 na iyon." Napahilot naman ako ng sentido ko dahil kanina pa ako sumisigaw sa mga t*ngang nag-aaply bilang personal assistant ko. "Mygad, Seven! Did you see all those applicants?” pagtatanong ko na may halos inis sa tono ng aking boses. “Lahat sila t*nga!" "Zyne, kung lagi kang ganiyan. Aba! Wala ka talagang makukuha bilang P.A mo" naiiling na sabi ni Seven. Hindi ko nalang pinatulan ang sinabi nito at kagad kong sinabi na papasukin na iyong susunod. Pumasok ang isang babae na naka pants at polo. Hindi masyadong formal pero puwede na. Sana naman hindi t*nga ito. Sinsenyasan ko na umupo siya at iyn na ang signal niya para umupo.Tinignan ko ang resume niya, C.V at ang Application form. "So,” wika ko habang binabasa ang kaniyang mga papeles. “You are Ms. Samantha DiMatulak?" tanong ko at rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Seven. "Yes, Sir,” sagot nito sa akin. “I am name Samantha DiMatulak. Ang taong hinding-hindi niyo maitutulak," masayang sabi nito na tuluyang nakapagpahagalpak ng tawa kay Seven. "Ohmy!” pigil tawang wika ni Seven. “I'm sorry. I think, sa labas muna ako." At naglakad na siya palabas nang pinto.Tumingin naman ako kay Ms. DiMatulak na ngingiti-ngiti sa akin. "I hope that you are not as st*pid as the other applicants." Seryosong sabi ko at nakita ko na napaisip siya. "Yes, Sir,” sagot niya sa akin. “I am no st*pid because I am Samantha." Proud na sabi nito at napa face palm na lamang ako. Mukhang t*nga rin ang isang ito. Ayokong naaaksaya ang aking oras kung kaya’t kaagad kong isinara ang folder niya at ibinigay sa kaniya. "I'm sorry Ms. DiMatulak but you are--” "You are hired Ms. Congratulations!" sabay biglang pasok ni Dad sa office ko. What the--? "Dad?" "Sinabi sa akin ni Seven na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin daw nakakapili ng P.A mo.” sambit nito sa akin. Kung gano’n pala ay nagsumbong na si Seven sa kaniya. “Kaya naman sa ayaw o sa gusto mo, siya na ang P.A mo. Pinaalis ko na ang iba pang nakapila." "But Dad?!" angal ko. Sa lahat nang mga na-interview ko, ito ang pinaka t*nga tapos ito pa ang na-hired? "No buts, Zyne.” suway sa akin ni Dad. “Miss, Tanggap ka na. Congratulations!" nakangiting sabi ni Dad kay Ms. DiMatulak kaya naman napa face palm na lamang ko habang tuwang-tuwa namang nagpapasalamat ang P.A ko. "Thank you very much, Sir!" "Kailan ka ba puwedeng magsimula, Miss…?" "I am Samantha DiMatulak po. Ang babae na hinding-hindi niyo maitutulak,” pagpapakilala nito at napayuko na lamang ako dahil ako ang nakakaramdam ng pagkapahiya dahil sa sinabi niya sa aking Ama. “Laking probinsya na batak na ang katawan kaya puwede ng magsimula kahit kailan nuyo gusto, Sir." Sa sinabing iyon ni SAmantha ay napangiti naman si Dad na tila ba namangha sa kab*b*han ng bagong Personal Assistant ko. "Okay Ms. DiMatulak,” nakangiting wika ni Dad. “Bukas na bukas ay magsisimula ka na. Bago mag ala-seis ay dapat nandito ka na sa kumpanya at dapat lahat ng utos ni Zyne ay susundin mo." At sumaludo naman si Samantha sa sinabing iyon ni Dad sa kaniya. Ohmygod! Please tell me that this is not happening! Nagkaroon pa ng iba pang paalala si Dad kay Samantha para sa mga kailangan niyang gawin. Matapos noon ay nagpaalam na si Dad kaya naiwan kaming dalawa ni Samantha. "Samantha,” "Sam na lang po, Sir," sagot nito sa akin bago lumapit. "Okay, Sam.” Sagot ko. “Since bukas na ang first day mo, maganda kung sasabihin ko na sa’yo ang mga gagawin mo. Every morning ay dapat mas nauuna ka sa akin at aabangan mo ako lagi sa may entrance ng kumpanya--” “Aabangan ko po kayo, Sir?” pagtatanong niya. “Hala, Sir. Hindi po ako nambubugbog.” “What the h*ll are you talking about, Sam?” naguguluhan kong tanong. “I mean, kapag nakita mo na may mga buhat buhat ako ay kukunin mo sa akin at ikaw na ang magdadala. Pinaka ayoko sa lahat ay ang late. Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong ko at tumango naman siya. “And since Personal Assistant kita, kailangan ay lagi ka na nasa tabi ko kaya naman doon ka na sa bahay titira. Sa ngayon ay office hours pa naman, hintayin mo ako dahil 6-8 ang oras ng trabaho dito" dagdag ko pa sa kaniya at kitang-kita ko ang pagseryoso nang mukha niya bago tumango. "Sir yes, Sir!" sigaw niya sa akin. "No need to shout, Sam," nakakunot ang noo na sabi ko at napahagikhik naman siya. "Sorry, Sir,” bulong niya. SAM POV Nang marinig ko ang sinabi nang tatay ni boss ay tuwang-tuwa ako sapagkat sino nga ba ang mag-aakala na ang isang kagaya ko na galing pa sa malayong probinsya ang matatanggap sa trabaho? Kanina nga ay kinakabahan ako dahil sa marami rin ang gustong kumuha ng trabaho na ito. Mga mas maaayos ang itsura kaysa sa akin pero ako ang nagwagi sa dulo. Aminado ako na medyo bago pa para sa akin ang mga ilan sa mga nakikita ko rito dahil wala namang ganito sa aking pinanggalingan ngunit sisiguraduhin ko na hindi mapapahiya sa akin Sir Zyne dahil gagawin ko ang lahat ng gusto niya. Sa ngayon ay nakaupo ako rito sa isang malambot na upuan na kung saan ay para bang hinihigot ang puwet ko sa sobrang lambot habang hinihintay na matapos si Sir Zyne sa kaniyang trabaho. Nang may mga dumating na sexy na babae ay ano’ng gulat ko noong tinaasan niya ako ng kilay pagkakita sa akin. Kahit na hindi ko naman inaano ay para bang may galit na kaagad siya sa akin. "Sam," tawag sa akin ni Boss kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Ala ey, ano po iyon, Boss?" "Will you please cut that Ala ey thingy?” tanong niya sa akin. “Mygad Sam, nasa Maynila ka na. Wala ka na sa Probinsya." Bakit siya nagagalit? "Sir, ako po ay pagpasensyahan niyo na,” paghingi ko ng paumanhin. “Ganito lang po talaga ako magsalita kasi lumaki talaga ako sa probinsya kung kaya’t minsan ay hindi ko po talaga maiwasan." Napabuntong hininga naman si Sir Zyne sa aking sinabi na tila ba wala na rin siyang magawa. "Okay. But please huwag lagi ganiyan ang pananalita mo. Okay?" sabi niya at tumango naman ako. Matapos noon ay sinenyasan ako ni Sir na lumapit pa sa kaniya at sinunod ko naman. "Pumunta ka ng ground floor. Itong folder na ito, ibigay mo kay Aliyah. Siya iyng babae na nasa harapan ng entrance. Naiintindihan mo?" pagtatanong niya sa akin na para bang ako na ang pinaka b*b*ng nakilala niya sa buong buhay niya. "Naiintindihan ko po, Sir. Kay Aliyah po, hindi ba?" wika ko at napipilitan siyang tumango na tila ba wala siyang tiwala sa akin na magagawa ko ng maayos ang kaniyang utos.. Pagkakuha ko nang folder ay nagpaalam na ako na ihahatid ko na iyon kay Aliyah. Bumababa ako gamit ang hagdan dahil ako ay nahihilo kapag sumasakay ng elevator. Para ba naman kasing binubuhol ang bituka ko ro’n na para bang may lindol. Para makarating kaagad sa ground floor ay minadali ko ang aking lakad para very good ako kay Sir. Pagdating ko sa ground floor ay nakakita ako ng madaming babae. "A-ano,” nauutal na wika ko at napatingin naman silang lahat sa akin. “M-Mawalang galang na sa inyo. Ako si Samantha DiMatulak. May inutos kasi sa akin si Sir Zyne. Sino ba sa inyo si Aliyah? Pinapabigay kasi ni Sir Zyne itong folder na ito.” Sabay pakita ko nang hawak ko. Ano na lamang ang pagtataka ko nang magtawanan silang lahat. Sa isip-isip ko tuloy ay mali yata ang nasabi ko. Pagkatapos nilang magtawanan ay may isang babae ang nagtaas ng kamay. "I'm Aliyah." Sabi niya at nakangiti naman akong lumapit sa kaniya. "Ito iyong folder. Ibigay ko raw sa’yo sabi sa akin ni Sir Zyne." magalang na sabi ko at pabalik na sana ako sa taas nang ako ay biglang napadapa dahil madulas ang sahig. Muli ay nakarinig na naman ako ng mga tawanan pero hindi ko na lamang sila pinansin at umakyat ulit ng hagdan para puntahan ang opisina ni Boss.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.0K
bc

Contract - Tagalog

read
753.5K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.3K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.1K
bc

Love Donor

read
86.8K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook