Chapter 2

1398 Words
SAM POV Pagkabalik ko sa loob ng office ni Bossing ay nakita ko siyang mariin na  nakatitig sa papel. ''Boss,” tawag ko. “Hindi iyan matatapos kung tititigan mo lang.” Sabi ko ngunit hindi niya ako pinansin. Sa isip-isip ko tuloy ay baka hindi niya ako narinig. ''Bossing, naririnig niyo po ba ako?'' tanong ko at medyo nilakasan na ang boses ko pero wala pa rin siyang kibo. “Bossing--” ''Will you please shut the f*ck up, Samantha?’' nagagalit na sigaw nito sa akin kaya naman napatahimik ako. ''Pa-Pasensya na po, Boss.'' Mahinang sabi ko at inalis nito ang suot na salamin bago sumandal sa upuan niya. ''Umalis ka muna, Sam.” ''S-Sir?'' tanong ko at tinignan naman niya ako. ''I said leave,” utos nito sa akin. “Bumalik ka na lang mamaya.'' Kagaya nga nang sinabi sa akin ni Sir Zyne ay umalis ako sa loob ng kaniyang office. Makalipas nang ilang mga oras ay nandito ako sa may ground floor at nakaupo sa isang plastik na silya habang may hawak hawak na pandesal at isang juice. Kanina pa ako nandito at ni hindi man lang ako pinatawag ni Sir Zyne. ''Hi Sam. Bakit nandito ka sa may baba?'' napa-angat naman ang aking tingin nang narinig ko ang tanong ng isang binibini. ''Ayaw yata akong makita ni Sir Zyne,” nahihiyang tugon ko. “Pinaalis niya ako kanina tapos hanggang ngayon hindi pa rin niya ako pinapatawag.’' ''Pero, hindi ba at ikaw ang Personal Assisstant ni Sir Zyne?'' tanong nito at tumango ako.''Edi dapat lagi ka na nasa tabi niya kahit na pinapaalis ka niya kasi gano’n ang trabaho ng mga Personal Assistant." sabi nito at napakunot naman ako nang noo ko. Sa sinabi niyang iyon ay napaisip kaagad ako na tama nga siya. ''Hala! Tama ka nga,” wika ko.''Maraming salamat at sige, babalik na ako sa taas,” sabi ko at nakangiti naman siyang tumango. Umakyat na naman ako ng hagdan at ilang minuto pa bago ako makadating dahil sa sobrang daming palapag kong inakyat. ''Sir?'' tawag ko bago ko binuksan ang pinto at sinilip ang nasa loob ngunit ano’ng pagtataka ko nang makita ko na walang tao ro’n kaya dahan-dahan at tuluyan na akong pumasok bagfo lumingon-lingon sa paligid pero wala talaga si Sir sa loob. Lumapit ako sa lamesa nito para tignan ang tinitignan nito kanina at isang magandang babae ang nakita ko sa isang Picture frame na siyang kinuha ko at pinagkatitigan. ''Napagkaganda mo naman po, Ma'am" sabi ko doon sa litrato.Tinignan ko ang likod nito at binasa ang nakasulat.''Kyla Suzzane Bright'' basa ko at napakunot ang noo ko. Baka girlfriend ni Sir? ''What are you doing?'' wika ng isang boses na ikinagulat ako. ''S-Sir'' gulat na tawag ko. “Nagulat naman po ako sa inyo” sabi ko at ibinaba ang hawak kong larawan. ''I said what are you doing?'' seryosong tanong ni Sir kaya naman kinabahan ako. ''S-Sir,” tawag ko. “K-kanina niyo pa po kasi ako hindi tinatawag kaya naman bumalik na ako.'' ''Pero kailangan ba na hawakan mo ang picture ni Kyla?'' tanong nito sabay lapit sa akin. ''N-Nakita ko lang naman po ang girlfriend niyo, Sir. H-hindi ko naman po nagasgasan'' sabi ko bago lumayo. ''Sam,” tawag nito sa akin. “Hindi mo ba alam na bawal mong hawakan ang hindi sa’yo?'' tanong nito at napatungo ako. ''P-Pasensya na po, Sir.'' ''Sige na. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako sa’yo.'' At tumango ako bago lumabas. Pagkalabas ko ng opisina ni Sir ay nangangatog ang binti ko dahil sa nangyari. Ramdam  ko kasi na galit si Sir sa akin. ''Kaya mo yan, Samantha.” pagpapalakas ko nang loob sa aking sarili. “Ikaw naman kasi! Mali ang ginawa mo.'' pagalit na sabi ko sa sarili ko bago ako naglakad pababa nang may makita akong matandang babae. ''Kamusta po,'' magalang nabati ko nang makalapit ako. '''Ay, kumusta rin sa’yo, Ineng.'' ''Tulungan ko na po kayo,Lola.'' Sabay agaw ko nang mop niya at nag mop na ng sahig. ''Ay naku, Ineng.” pagpigil nito sa akin. “Trabaho ko iyan.'' Sabi nito at pilit na inaagaw sa akin ang mop. "Lola, matanda na po kayo. Hayaan niyo na po akong gawin ang trabaho niyo.'' nakangiting sabi ko at napaupo naman si Lola sa gilid ''Salamat ha.” pagpapasalamat nito. “Pagod na pagod na nga ako sa trabaho ko. Masakit pa ang balakang ko.'' ''Kaya nga po pahinga na lang kayo, Lola. Ako na pong bahala.'' sabi ko at pinag buti ang aking paglilinis. ZYNE POV Pagkalabas ni Sam ay kaagad akong napatingin sa litrato ni Kyla. Kinuha ko ito bago umupo sa upuan ko. It's been a years. Kumusta na kaya siya? Kamusta na kaya sila? Pagkatapos kasi nang pag-attend ko sa kasal nila ay hindi na ako nakabisita pa. Iyon ay hindi dahil sa busy ako. Iyon ay dahil nasasaktan pa rin ako.Ako dapat iyon. Ako dapat, imbis na si Uno. Inilapag ko ang picture ni Kyla sa side table ko bago ako muling humarap sa mga papeles na nasa lamesa ko nang biglang pumasok sa isip ko si Sam. ''Pareho sila. Pareho silang t*nga nung nakilala ko.'' Natatawang sabi ko sa sarili ko bago ko ipinagpatuloy ang trabaho ko. Matapos kong pirmahan ang lahat ng papers para sa ngayon ay napatingin ako sa orasan. Alas onse na pala. Napasobra ang trabaho ko. Kinuha ko ang coat ko bago ko sinuot at lumabas ng office pero muntikan na akong mapasigaw nang nakita ko si Sam na ginawang kama ang harapan ng pinto ng office ko.  Ano ang ginagawa nya dito? Bakit nandito pa siya? Naghintay siya? Hinintay niya ba ako? Natatawa naman akong napaupo bago tignan ang mukha niya. ''Kagaya ka talaga niya. Pareho kayo ng ugali.'' Sabi ko sabay pitik ko sa ilong ni Samantha at napaungol naman ito. ''Hoy!” tawag ko upang gising siya. “Gising na.'' Sabi ko pero hindi ito nagising bagkus ay humagok pa ito. Kababaeng tao ang lakas humagok. ''Hoy Samantha DiMatulak! Gising na!'' sabay alog ko sa kaniya pero tulog na tulog pa rin ito. Ano bang gagawin ko sa babaeng ito?! ''Samantha!" malakas na sabi ko bago ko siya inalog ulit at laking pasalamat ko nang nagising siya. Mabilis siyang napabangon bago tumingin-tingin sa paligid at pinunasan ang laway na tumulo galing sa bibig niya. ''S-Sir.” Tawag nito at sumaludo pa. ''Ano pa ang ginagawa mo rito?'' tanong ko bago tumayo at gumaya rin siya. 'Sir, hinihintay ko po kayo.'' Kakamot kamot ang ulo na sabi nito ''Bakit hindi ka pa naunang umuwi?'' ''Kasi po, Sir,” sagot nito sa akin. “Hindi po puwede iyon. Kayo po ang amo ko kaya kailangan ko po kayong hintayin. Bukod pa po ro’n, Personal Assistant niyo po ako at trabaho ko po ito.'' Dagdag pa nito at hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. ''Bakit hindi mo sinabi sa akin na lagpas na pala sa oras?'' ''Si Sir naman, nakita ko po kasi kayong busy. Ayoko naman na istorbohin kayo at baka maibato niyo sa akin ang lamesa.'' pagpapaliwanag nito na ikinatawa ko. ''Silly.'' ''Ay naku Sir, maanghang iyon,'' sabi nito at napakunot naman ako ng noo. ''Pero Sir, sa probinsya namin gustong-gusto namin iyon lalo na kapag ginawa naming dynamite na pagkain.'' Dynamite? Diba paputok iyon? ''Dynamite?'' ''Hindi pa kayo nakakatikim no’n, Sir?'' ''Hindi ako kumakain ng paputok.'' Sabi ko at natawa naman siya. ''Sir,” twag nito sa akin. “Pagkain iyon. Sige Sir, bukas at ipagdadala ko kayo'' sabi nito at napatango na lang ako bago kami sabay na bumaba ng building. ''Hatid na kita,'' sabi ko at napalingon siya. ''Hindi na po, Sir.'' ''No, I insist.” pagpupumilit ko. “Kasalanan ko rin naman at pinaghintay kita.'' Sabi ko at napatigil muna siya sandali. ''S-Sige po, Sir.'' Sagot nito bago kami nagtungo sa kotse ko at pinasakay ko siya bago ako nag drive. Tinuro niya ang direksyon pauwi sa kanila at tumigil kami sa isang maliit na apartment. Kaagad na bumaba si Sam bago sumilip sa may bintana. ''Sige na po, Sir. Salamat po ulit.” ''No problem and thank you rin.'' Sabi ko bago ulit sya nagpaalam at nagmaneho na ako pauwi. Babaeng kumakain ng dynamite? Weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD