Chapter 3

923 Words
SAM POV Alas tres palang nang umaga ay gumising na ako at gumawa na ako ng dynamite para madala mamaya sa office ni Sir. Mag aala cinco na ako natapos at pagkatapos ko gumawa nang dynamite ay naligo at nagbihis na rin ako. Nagmadali akong sumakay ng tricycle at sinabi ang company name na pagmamay-ari ni Sir Zyne habang nakapatong sa lap ko ang ginawa kong dynamite. Nang maihatid na ako ni Manong Driver ay nakangiti akong nagbayad bago tumalikod at naglakad papasok sa kumpanya. ''Magandang Umaga, Sam,'' bati sa akin ni Manong Guard. ''Magandang Umaga rin po, Manong.'' ''Wow naman. Ano iyan?'' sabay turo nito sa dala ko. ''Dynamite po, Kuya. Ipapatikim ko kay Boss.'' ''Mukhang masarap iyan, Sam.'' Sabi nito at napatawa ako. ''Sus, gusto niyo lang makahingi.” Napakamot naman ito sa kaniyang batok dahil sa aking sinabi. ''Puwede ba?'' tanong nito at natatawa kong binuksan ang tupperware na dala ko. ''Isa lang, ha!'' sabi ko at natatawa naman siyang tumango bago kumuha. ''Mainit init pa.'' ''Siyempre naman, Manong,” sagot ko. “Para mas masarap'' sabi ko nang mapalingon ako sa dumating na si Boss. ''Good Morning, Boss!'' nakangiting sabi ko pero naka poker face lang ito bago nagtuloy-tuloy sa kaniyang paglalakad. Ano’ng problema niya? Okay naman kami kahapon, ah? Nagkatinginan kami ni Manong dahil mukhang badtrip si Sir Zyne. May problema kaya? ''Sige na, Sam. Baka lalong ma-badtrip si boss kapag hindi ka pa sumunod. Salamat nga pala, ha?'' sabi nito at tumango ako bago nagmadaling ayusin ang dala ko bago tumakbo sa hagdan. Inabot ako nang minuto dahil hanggang ngayon ay ayaw ko pa din sa elevator sumakay. Ewan ko ba pero parang bumabaliktad ang sikmura ko ro’n. Kumatok muna ako sa may pinto bago pinihit ang doorknob bago ako sumilip. ''Sir Zyne?'' tawag ko at inilibot ang paningin ko. Nakita ko naman itong nakaupo sa kaniyang swivel chair at nakahawak sa kaniyang noo. Malaki nga yata ang Problema. Nang tuluyan na akong nakapasok sa loob ay dahan-dahan akong naglakad papunta ka Sir. ''Sir?'' tawag ko nang nasa harap na ako ng lamesa niya pero hindi pa rin ito tumitingin sa akin.''Sir Zyne?" medyo malakas na tawag ko at napatingin naman ito sa akin. ''What?'' tanong niya at awkward naman akong ngumiti at tumawa. ''Sir Zyne,” tawag ko. “Salamat nga po pala kahapon ha. Tsaka heto nga po pala iyong dynamite na sinasabi ko.'' Sabay lapag ng tupperware sa lamesa niya at inalis ang taklob nito. Napakunot naman ang noo ni Sir Zyne nang nakita niya ang dala ko. ''Ano iyan?'' Ang kulit din naman talaga. Kakasabi lang na dynamite nga. ''Dynamite na pagkain, Sir.” Sabi ko at kumuha ng isa bago i ko isinawsaw sa mayonnaise at ketchup na ginawa ko at inilapit ko sa bibig niya pero lumayo ito. ''Ako na.'' Sabi nito bago inilayo niya ang kamay ko sa kaniya. Ang arte naman niya. Malinis naman ang kamay ko. Hindi ko alam kung nagdadalawang isip ba si Sir o ano pero tinitigan muna kasi niya ang gawa ko bago kumuha. ''Isawsaw niyo, Sir.'' Sabi ko at sinunod naman niya. Pinagkatitigan muna ni Sir ang hawak niya bago tumingin sa nakangiting si ako. ''Masarap iyan, Siir'' nakangiting sabi ko at tumango na lamang siya bago kinagatan ang dala ko pero konting kagat lang ang ginawa niya dahilan para wrapper lang mismo ang makain niya. ''Sir,” tawag ko. “Hindi niyo malalasahan ng maayos kung hindi niyo kakagatan nang mas malaki.'' Sabi ko sabay kagat ng malaki sa hawak ko. Nginuya-nguya ko ito sa harapan ni Sir Zyne at nakatitig lang ito sa akin kaya ang ginawa ko ay nagbigay ako ng todong emosyon para sabihin sa kaniya na sobrang sarap.Habang busy ako sa pagnguya ay napansin ko si Sir Zyne na kumagat na rin sa hawak niya kaya napangiti ako. ''Masarap ba, Sir?'' nakangiting tanong ko pero hindi niya ako sinagot bagkus ay nilahat na ang natitirang pagkain at natabig niya pa ako bago inilapit sa kaniya ang tupperware na naglalaman ng dynamite at saby subo ulit. ''Sir,” nag-aalalang tawag ko. “Dahan dahan lang. Baka hindi niyo kayanin ang--- ''D*mn it!” pagmumura nito. “Tubig!” sigaw nito kaya naman nataranta akong nagpunta sa water dispenser at habang kumukuha ako ng tubig ay panay mura naman ang naririnig ko dito at pinagmamadali ako. Sabi ko naman kasi dahan-dahan lang!Taranta naman akong bumalik kay sir na hindi na mapakali at panay paypay sa kaniyang sarili. Nakita ko rin na medyo lumayo sa akin si Sir kaya naguluhan ako. ''Sir ito--” pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kaagad niyang hinablot sa akin iyng tubig at ininom. May mga natapon pa nga dahil sa kaniyang pagmamadali. Poker face akong nakatingin kay Sir na tuloy-tuloy lang sa pag inom hanggang sa naubos na niya ang lahat ng tubig sa baso. ''Alam naman na maanghang kasi obvious naman ang sili. Hays.'' Sabi ko sabay kuha ng tissue na nasa gilid lang niya at pinunasan ang nabasa niyang polo ngunit umiiwas siya.''Sir, hindi ko matatapos at mapupunasan ng maigi kung aarte pa kayo.'' dagdag ko at lumapit ulit sa kaniya. Habang pinupunasan ko ang polo na suot ni Sir Zyne ay napansin ko naman na nagpalingon-lingon ito sa paligid. Problema nito? ''Ayan, okay na.'' Sabi ko at ngumiti bago ako tumalikod para itapon ang tissue pero nagulat ako sa sinabi nito dahilan para matigilan ako sa paglalakad. ''Sam, can you be my wife for one year?''
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD