Chapter 9

1833 Words

“MELBA!” Mula sa pagkakayukyok ko sa isang sulok ng kulungan ay napatayo ako at bahagyang nabuhayan ng loob nang makita ko sa labas ng rehas ang aking kaibigan. “Gigi!” “Melba, Melba salamat at dumating ka!” Inabot ko ang kamay niya, nanginginig pa rin ako dala ng takot at awa sa aking sarili. “Melba, hindi ko iyon ginawa! Ako lang ang itinuturo nila pero, hindi ko ‘yon magagawa kay Mr. Javier!” “Oo, Gigi, oo, alam ko!” sagot niya at inabot ang aking buhok. “Hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin dahil ni katiting, hinding-hindi kita pagdududahan.” “Salamat, Melba…” “Ano bang sabi sa’yo? May abogado ka na ba? Kung may maitutulong sana ako para sa makapagpiyansa ka man lang…” Puno ng pag-aalala ang boses ni Melba. Hindi ko alam pero, mas lalo akong natakot dahil tuwina ay siya lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD