HINAWAKAN ko sa balikat si Stephanie at saka inilayo. Awtomatikong naghiwalay ang mga labi namin. “What’s wrong?” May himig protesta sa tanong niya. Kararating ko lang sa villa at umuwi lang ako para kausapin si Tita Sam. Papunta na sana ako sa home office nito nang harangin ako ni Stephanie at hilahin palabas. Akala ko ay may mahalaga siyang sasabihin pero, mukhang iba ang pakay niya. Binitiwan ko siya. “I need to go. Umuwi lang ako para kausapin si Tita Sam. Babalik din ako mamaya sa Irosin.” “Come on, Matt! Ipagpabukas mo na ang pagbiyahe. Mamaya mo na rin kausapin si Tita Mommy dahil siguradong busy pa siya. Stay here and let’s enjoy each other’s company.” Kinuha niya ulit ang mga kamay ko. “Ibang pag-eenjoy ang gusto mo. Baka may makakita sa atin at kung ano ang isipin.” “So? W