Kabanata 1
"ATE JENINA, umiiyak ka na naman ba?" tanong ni Yuri sa kanyang hipag nang makita ito sa may kusina na nagpapahid ng luha sa mga mata.
"Yuri..."
Masama niya itong tinignan. "Ang sabi ko naman sa iyo, Ate Jenina. Hiwalayan mo na ang magaling kong kapatid tutal may mga anak na kayong dalawa. Huwag mong sirain ang buhay mo dahil lang sa babaero kong kapatid, ate. Ilang beses mo na ba siyang nahuli? Ilang beses na rin siyang humingi ng tawad sa iyo at ilang beses na rin kayong pabalik-balik sa Barangay!" nakataas ang boses na sabi ni Yuri dito.
Humihikbing tumingin ito sa kanya."Yuri, alam mo naman na mahal na mahal ko ang kapatid mo. Kahit na ilang beses pa niya akong lokohin, patatawarin ko pa rin siya."
Gusto niyang murahin ang kanyang hipag ngunit pinigil niya ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung pagmamahal ba ang tawag doon o katangahan. O mas tamang tawagin na kamartyr-an.
Bumuga siya nang malalim at tinalikuran ito. "Kung ganoon huwag mong ipakita sa mga pamangkin ko na mahina ka, ate. Kailangan nilang makita na matapang ang kanilang Ina dahil may asawang hindi makuntento sa isa." Napailing na lamang si Yuri habang inaayos ang kanyang mga pinamili. "Kaya ako simula noong maging GRO ako hindi pa ako sumeryoso sa mga lalaki. At wala akong balak na sumeryoso dahil wala pa akong nakikitang matino sa mga naging costumers ko. Alam ko naman kasing lahat sila may mga asawa na, at gusto lamang maglabas ng init sa katawan."
"Yuri, nag-aalala ako para sa iyo."
"Wala kang dapat na ipag-alala sa akin ate, dahil kaya ko ang sarili ko. Ang alalahanin mo iyang sarili mo dahil baka mabaliw ka sa kunsumisyon sa kapatid ko." Inilagay niya ang mga binili niyang groceries sa cabinet.
"Salamat dahil palagi kang bumibili ng mga grocery namin at kailangan dito sa bahay," naiiyak na sabi ni Ate Jenina.
"Gusto kong bumawi man lang sa pagiging mabuti mo sa akin. At kung p'wede lang na pag-isipan mo ang sinasabi ko sa iyo Ate. Alam kong pinatawad mo na si Kuya Kairo pero sana naman magawa mong iwan ang babaero kong kapatid kapag alam mong wala na talagang pag-asa ang pagsasama ninyo. Ayokong lumaki ang mga pamangkin ko na may iresponsable silang ama."
Hindi nagsalita si Ate Jenina. Alam naman ni Yuri na mahirap talagang kumbinsihin ang kanyang hipag. Kunsabagay, guwapo, at makisig ang kanyang kapatid. Nagmana sa kanilang Hapon na ama, na iniwan din sila matapos malaman na buntis na naman noon sa kanya ang kanilang Ina.
Ang akala siguro anak siya ng kanyang Ina sa ibang lalaki kaya hiniwalayan. Tsk!
Nagtimpla muna si Yuri ng kape bago magtungo sa labas ng bahay ng kanyang kapatid. Nakatira sila sa isang tahimik na probinsya. Malayo sa polusyon ng Maynila, kung saan siya nagtratrabaho bilang isang GRO.
Habang humihigop ng kape ay nagiging payapa ang isipan ni Yuri. Anim na taon na rin siyang GRO at may malaki na ring ipon na p'wedeng gawing panimula dito sa probinsya.
Ipinusod ni Yuri ang kanyang pulang buhok na hanggang balikat lamang niya ang haba at saka siya sumandal sa inuupuan niyang silya. Nasa Maynila din ngayon ang kanyang kapatid at may bago na namang babae.
Habang humihigop siya ng kape ay tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ang tawag ng kanyang boss sa Gaia Cub kung saan siya nagtratrabaho.
"Yuri, hindi ka ba papasok mamayang gabi? May reservation ka na kasi kaagad, e. May isang lalaki na nagbayad ng triple para lang sa iyo," natutuwang sabi ni Madam Gai sa kanya.
Napakunot naman ang kanyang noo. "Sino naman?"
"Isa sa mga VIP na sinayawan ninyo kagabi. And take note... hindi lang siya simpleng VIP Yuri, kun'di isang businesman," dagdag pa nito na hindi maikubli ang labis na kasiyahan dahil alam nito na kikita na naman ito ng malaki dahil sa kanya.
"Malinis ba, Madam Gai? Alam mo naman na mapili ako sa mga lalaki na sinasamahan ko. Ayoko ng may putøk, amoy imburnal ang hininga at mas maliit pa sa akin. Hanggang sa pagsasayaw lamang ang serbisyo na kaya kong ibigay kung hindi sila pasado sa standard ko," diretsong sabi niya rito. Nasa isip na niya ang mga bagay na iyon dahil kung biglaan man siyang mabuntis, sigurado siya na mabibigyan siya ng magandang lahi.
Mindset!
"Since day one, alam ko na ang standard mo, Yuri. Umuwi ka na rito at may ipapakita ako sa iyo na bago mong outfit."
Malapad siyang ngumiti habang nakatingin sa malayo. Tinapos na niya ang pakikipag-usap dito dahil alam na nito na uuwi siya.
Tumayo si Yuri at inilagay sa ibabaw ng lamesa ang tasang ginamit niya. Naabutan niya ang kanyang hipag na nagluluto ng pananghalian nila.
"Ate, aalis na rin ako dahil kailangan ko pang pumasok sa trabaho." Kinuha niya ang kanyang mahabang wallet at kumuha ng sampung libong piso upang iabot dito. "Para sa emergency expenses ninyo, Ate. Alam ko na hindi pa nagpapadala si Kuya Kairo sa inyo kaya iyan na muna ang gamitin ninyo, ate."
"Pero, Yuri..."
Ipinilit niyang ibigay dito ang pera na hawak niya. "Para sa mga pamangkin ko, ate. Hayaan mo kapag nakita ko si Kuya Kairo ako na mismo ang magsasabi na umuwi na siya at dito na ulit magtrabaho. Aalis na ako, ate." Niyakap niya ito nang mahigpit. Naaawa siya rito ngunit wala naman siyang magagawa kun'di tanggapin ang desisyon nito na manatili sa piling ng kanyang kapatid.
BAGO siya sumakay sa bus ay bumili na muna ng bubble gum si Yuri sa tindahan sa may terminal.
Napapalingon sa kanya ang mga lalaki na nakatambay sa may waiting area. Lahat napatingin sa kanya ng dalawang beses at higit pa. Naaakit ang mga ito sa kanyang taglang na karisma at ganda. Five seven ang kanyang height, malalabanos ang kanyang makinis na balat. Kurbada ang hugis ng katawan, at humahalimuyak ang kanyang bango. Nabibighani ang mga ito sa kanyang inosenteng mukha kahit na wala siyang make up at naka-lipstick lang.
Nakasuot siya ng halter black top at denim mini short. Nakasuot ng simpleng sandals at may itim na sunglass na nakapatong sa kanyang pulang buhok. Malalaki ang suot niyang bilog na hikaw at mahahaba ang kanyang mga kuko. Malalam ang kanyang mga mata, may kaunting tangos ang kanyang ilong, mahahaba ang kanyang mga natural na pilkmata at katamtaman lamang ang kapal ng kanyang mga kilay.
Kawangis niya ang kanyang Ina na tulad niya isa ring GRO noong araw.
Alam ni Yuri na pinagnanasah@n siya ng mga ito dahil natitiyak niya na nakarating na dito sa probinsya ang kanyang trabaho sa Maynila. At alam niyang inihahalintulad siya sa kanyang namayapang Ina.