86.36K
VISITORS
7.076K

ABOUT ME

BLESSED. THANKFUL. GRATEFUL Hello, I'm Jelay Estrel isang ilokanang manunulat. Lahat po ng story ko ay nakasulat sa TAGALOG.

ABOUT ME

BLESSED. THANKFUL. GRATEFUL Hello, I'm Jelay Estrel isang ilokanang manunulat. Lahat po ng story ko ay nakasulat sa TAGALOG.
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Jelay Estrel

About Last Night( R18 Tagalog)

About Last Night( R18 Tagalog)

17.499K Reads

Babaeng bitter o ampalaya iyan ang tawag ng mga kaibigan ni Marigold Granadoso o mas kilala sa pangalang Mari ng mga kaibigan niya. Bente nuebe anyos na dalaga at nagtratrabaho bilang isang wedding planner ng Sassy Wedding and Events sa Pangasinan. Isa siyang single na hindi naniniwala sa pag-ibig dahil palagi na lamang siyang niloloko ng mga lalaking minamahal niya. Hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat ng paniniwala niya nang makilala niya si Sid sa Isla Margarita, isang lalaking malakas ang sex appeal at sense of humor. Naging magkaibigan sila nito dahil sa magkaibang paniniwala nila pagdating sa pag-ibig. Hindi inakala ni Mari na ang lalaking nakasama niya sa Isla Margarita ng isang buwan at pinag-alayan niya ng sarili ay ang tao pa lang magiging kliyente niya na nakatakda nang ikasal. Pipigilin ba ni Mari ang sakit na kaniyang nararamdaman sa paghaharap nila ni Simoun Idefonso? O itutuloy na lamang niya ang planong pag-alis sa kaniyang trabaho upang makaiwas sa binatang nagturo sa kaniya kung paano magmahal muli?

Updated at

Read
My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

170.461K Reads

“Wala akong kasalanan!” Iyan ang hiyaw ni Penelope Gamboa nang ipakulong siya ng kaniyang asawang si Ram Salazar dahil sa pagpatay sa kapatid nitong si Jana. Pagkatapos siya nitong ipakulong ay nakipaghiwalay pa ito sa kaniya. Inilayo ni Ram ang kanilang anak. At sa tulong ni Attorney Daniel Escueta ay muli siyang makakalaya. At mapapatunayan na wala siyang kasalanan. Sa kaniyang paglaya ay babawiin niya ang anak sa dating asawa. At ipapatikim kay Ram ang sakit na ipinaranas nito sa kaniya.

Updated at

Read
Hiram na Mukha (R18 Tagalog)

Hiram na Mukha (R18 Tagalog)

75 Reads

"Kung kasalanan ang ibigin ka, pipiliin kong magkasala.” Pumayag si Andrea na magpanggap bilang si Roxanne upang maipagamot ang kapatid niyang may malubhang sakit. Kapalit ng kaniyang pagpapanggap bilang si Roxanne ay kinailangan ni Andrea na magpaopera ng mukha at para maging makatotohanan ang kaniyang pagpapanggap. Hindi inakala ni Andrea na ang lalaking asawa ni Roxanne ay isang milyonaryo, at ubod ng guwapo. Upang mabayaraan ang lahat ng perang gagastusin ng kaniyang kapatid sa pagpapagamot nito ay pumayag si Andrea sa isang kasunduan. Kailangan niyang makagawa ng paraan para ilipat ni Gareth sa pangalan ni Roxanne ang mga ari-arian nito. Magagawa ba ni Andrea ang kasunduan nila ni Roxanne o makakagawa siya ng isang kasalanan?

Updated at

Read
Knight Series 2: Storm Dela Vega (R18 Tagalog)

Knight Series 2: Storm Dela Vega (R18 Tagalog)

1.366K Reads

Nangako si Storm Dela Vega kay Jeni Ramos na pakakasalan niya ito ngunit hindi iyon ginawa ng binata pagkatapos niyang makuha ang gusto niya rito. Sa paglipas ng limang taon ay muling babalik si Jeni kasama ang kaniyang anak sa Hacienda Victoria para maghiganti sa lalaking nanloko at nanakit sa kaniya. Mapapatawad pa kaya siya ni Jeni o tuluyan na siyang kamumuhian ng dalagang matagal na niyang hinihintay na bumalik?

Updated at

Read
The CEO and His Secretary

The CEO and His Secretary

113 Reads

Matalik na magkaibigan hanggang sa naging magkasintahan. Ganiyan sina Axel Bryant Mondragon at Akisha Jade Santos noon. Ngunit makalipas ang limang taon ay nagbago ang lahat simula nang iwan ni Akisha si Axel para sundin ang desisyon ng kaniyang mga magulang. Bababalik si Akisha sa buhay ni Axel para muling ibangon ang nalugi nilang kumpanya. Ngunit magiging matigas ang puso ni Axel na tulungan ang dalaga na minsan niyang minahal. Pinahirapan niya ito at kinuha pang personal niya ito at kinuha pang personal niyang secretary upang maging kapalit sa pagtulong niya sa dalaga. Mananaig ba ang galit sa puso nilang dalawa? O magiging dahilan lamang ito para muling tumibok ang puso nila para sa isa't isa?

Updated at

Read
Knight Series 1: Cold Santillan (R18 Tagalog)

Knight Series 1: Cold Santillan (R18 Tagalog)

23.282K Reads

Inakala ni Cold Santillan na si Rita Garcia na ang babaeng itinadhana para sa kaniya pero nagkamali siya. Nang matapos ang kanilang kasal at iwan siya ng babaeng dinala niya sa dambana. Naiwan si Cold sa Victoria na iniisip ang dahilan kung bakit siya biglang iniwan ni Rita. Sa paglipas ng taon ay piniling kalimutan ni Cold si Rita at nanatili sa kaniyang hacienda kasama ang mga kaibigan. Pinatay ni Cold ang puso niya at hindi na muling umibig pa. Ngunit paglipas ng isang taon ay babalik si Rita sa Victoria at sa buhay niya. Hindi bilang ang babaeng kaniyang minahal kun'di si Juvy Pascual, ang kakambal ng babaeng minahal niya. Magagawa nga kaya ng tadhana na pagtagpuin ang kanilang mga puso? O kakamuhian lamang nila ang isa't isa?

Updated at

Read
Knight Series 3: Hatt Mendoza (R18 Taglog)

Knight Series 3: Hatt Mendoza (R18 Taglog)

197 Reads

Isang fairytale para sa mga kababaihan ang magkaroon ng nobyo o asawang katulad niya. Ang hindi alam ng marami ay matagal na niyang isinara ang kaniyang puso para magmahal. Sapagkat niloko siya ng babaeng lubusang niyang minahal, at ipinagpalit siya nito sa matalik niyang kaibigan matapos silang ikasal. Ngunit babaguhin ni Zainab Malik ang kaniyang pananaw pagdating sa mga babae. Ito ang anak ng isang NBI Agent na kaibigan ng kaniyang Tito Eric. Hinuli siya nito at pinahiya sa gitna ng kalsada dahil sa kaniyang violation sa over speeding at pag-inom ng alak. Upang makabawi sa masamang inasal nito sa kaniya ay nakaisip si Hatt ng isang plano lalo na't nalaman niya na kailangan ng pamilya nito ang isang katulad niya para sa nalulugi nilang negosyo. Papayag kaya si Zainab na maging personal assistant niya? O tatanggihan siya ng dalaga at siya ang mahuhulog sa patibong nito para sa kaniya?

Updated at

Read
CLOSER (Tagalog)

CLOSER (Tagalog)

1204.065K Reads

Warning: Rated SPG! Includes sex scenes and strong languages! Read at your own risk! Russel Sebastian isang widowed na may isang makulit na anak. Namatay ang kanyang asawa na si Filomena sa isang car accident isang taon mula nang ipanganak nito si Feya Alice. Naging matamlay ang buhay ni Russel sa pagkamatay ng kaniyang asawa. Dumating sa punto na napapabayaan na niya ang kanyang sarili. At sa panahon na iyon ay makilala niya si Shine Alonzo. Ang dalagang magbibigay ng kulay sa malungkot niyang mundo. Ngunit paano nga ba mapapalambot ng dalaga ang bato niyang puso? Kung matutuklasan niya na si Shine ang dahilan kung bakit sila naaksidente ng kaniyang asawa. Matatanggap at mapapatawad pa kaya niya ito? O maghihiganti siya sa dalaga na unti-unti na niyang minamahal?

Updated at

Read
GUNS AND ROSES (R-18 Tagalog)

GUNS AND ROSES (R-18 Tagalog)

16.127K Reads

Marco Apollo Trinidad aka Travis, isang matinik na Agent ng Luna Crime Operatives ng Tarlac. Wala siyang mission na inuurungan, lahat ay kaya niyang lutasin at sa edad niyang trenta anyos ay siya ang pinakabatang Special Senior Agent sa kanilang departamento. Sa pakiusap ng kanilang nobyang si Vicky ay iniwan niya ang kaniyang sinumpaang tungkulin. Ngunit sadyang tinatawag siya ng kaniyang trabaho. Lalo na't pagkatapos ng labing limang taon ay nahanap na niya ang taong pumatay sa kaniyang mga magulang. Paano tatanggapin ni Travis na ang taong gusto niyang paghigantian at patayin ay ang ama pala ng kaniyang babaeng pinakamamahal. Ano nga ba ang mas matimbang sa isang agent na katulad ni Travis? Ang pagmamahal ba o ang paghihiganti?

Updated at

Read
My Possessive Boss (R18 Tagalog)

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

534.404K Reads

Warning: This story is rated SPG 18! Not for minors! Contains sex scenes and strong languages. Aryanda Luisa "Ekang" Corpuz, isang college working student. Bente kuwatro anyos ang dalaga at kasalukuyang nag-aaral sa West University. Gusto niyang tapusin ang kurso niyang Culinary kahit mag-isa niyang pinag-aaral ang kaniyang sarili. Paraket-raket si Aryanda sa isang club kung saan nagtratrabaho siya bilang isang waitress. Nakilala niya roon si Zachary Damien Nicolas, isang guwapong businessman na palaging naglalasing at humahamon ng away. Kung minsan naman ay naroon lamang ito at kinakausap siya ng mga walang kuwentang bagay. Hanggang sa alukin siya ni Zachary na maging escort nito kapag may out-of-town itong business trip. Kapalit nang pagpayag niya ang pagtulong ni Zachary sa kaniyang pag-aaral hanggang sa makatapos siya. Tinanggap ni Aryanda ang alok ng binata sa isang kundisyon. Hindi niya ito maaring mahalin dahil kapag ginawa niya iyon. Tatapusin na ni Zachary ang kanilang kasunduan. Paano nga kaya pipigilan ni Aryanda ang kaniyang puso sa pagtibok nito para sa binata? Paano nga ba mapipigil ang pagmamahal?

Updated at

Read

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.