bc

The Shattered Wife (SPG 18)

book_age18+
914
FOLLOW
13.8K
READ
forbidden
one-night stand
family
HE
goodgirl
stepfather
drama
tragedy
bxg
office/work place
small town
cheating
like
intro-logo
Blurb

Sa natuklasang bawal na relasyon ng kanyang kapatid na si Katarina at asawang si Lander. Nakagawa si Khara Santos ng isang malaking kasalanan. Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng isang estrangherong band vocalist na si Daimon Suarez.

Upang kalimutan ang kataksilan ng kanyang asawa at kapatid sa kanya. Pinili ni Khara na sumama kay Daimon at itinago dito ang tungkol sa kanyang mapait na kapalaran.

Ngunit mapaglaro ang tadhana dahil si Daimon ay kapatid ni Lander. At si Lander muling magbabalik upang guluhin ang tahimik na buhay niya.

Ano ba ang mas matimbang para kay Khara? Ang lalaking una niyang minahal o ang lalaking labis na nagmamahal sa kanya?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Hoy, sandali nga lang. Ako ang nauna sa pila tapos sisingit ka!" naiinis na sambit ni Khara habang ibinababa niya ang bitbit niyang basket na may laman ng mga pinamili niyang mga ingredients para sa lulutuin niyang afritada na paboritong ulam ng kanyang asawa. Hindi siya pinansin ng lalaking nakasando ng black at black pants. Naka-sumbrero din ito kaya hindi niya napansin na nakasuot pala ito ng earphones kaya hindi siya nito naririnig. Hinila ni Khara ang laylayan ng damit nito. "Hoy, Mister! Ako ang nauna sa pila!" panggigiit niya rito. "Oh? Excuse me, miss? Tatlong items lang naman itong hawak ko. Samantalang iyong basket mo halos mapuno na. Kung mauuna ako sa iyo mabilis lang akong matatapos at kung pauunahin kita baka iwan na ako ng mga kasama kong naghihintay sa akin sa labas." Tinaasan pa siya nito ng kilay na lalong ikinainis niya. Nakasuot ito ng facemask at ang mga mata lamang nito ang nakikita niya. Mapupungay ang mga mata nito at makapal din ang mga kilay. Nahahawig ito sa kanyang asawang si Lander. "Miss, paunahin mo na si Pogi," sambit naman ng isang babae sa kanyang likuran. Natigilan si Khara at hindi na siya nakipagtalo dito dahil pinagtitinginan na sila ng mga kasama nila sa pila. Naiinis na pinatapos niya ang lalaki. "Thank you, miss," sabi nito na kahit naka-facemask ay alam niyang nakangiti ito sa kanya. "Misis na ako!" mataray na sagot naman niya rito. Tumawa ito na mukhang nang-aasar pa sa kanya dahil ipinakita nito sa harapan niya ang resibo na ibinigay ng cashier. "I'm done, misis ko," pang-aasar pa muli nito bago tuluyang umalis sa harapan niya. Siraulo ang lalaking iyon para sabihin na misis siya. Nang makalabas siya ng grocery ay nakita ni Khara ang lalaki na sumakay ng gray na van. "Sandal---" Natigil si Khara sa pagsasalita upang sana sabihin na nalaglag ng lalaki ang wallet nito. Dinampot iyon ni Khara at tumingin sa kanyang paligid. Wala namang nakakita sa kanyang ibang tao. Bumuga siya nang malalim at kinuha ang wallet ng lalaking iyon. Ibibigay na lamang niya sa kapitan nila upang mai-post sa kanilang fecebook page ang tungkol sa wallet na nalaglag ng lalaki. Nagpasyang pumara ng tricycle si Khara at dumiretso sa Barangay Hall nila. Ibinigay alam niya sa secretary ang nangyari at sinabi naman nito sa kapitan nila. Hindi na pumayag si Khara na banggitin pa ang kanyang pangalan sa fecebook page ng barangay nila. Gusto lamang niyang maisauli ang wallet ng lalaking iyon kahit na hindi maganda ang inasal nito sa kanya kanina. Ang mahalaga ay nakatulong siya sa kanyang kapwa. Pagdating niya sa bahay ay ikinuwento kaagad ni Khara ang nangyari sa kanya sa grocery. "Hanggang ngayon mahal naiinis pa rin ako sa lalaking iyon. Mabuti at kahit na paano nagmalasakit pa rin ako sa kanya," pagkukuwento ni Khara habang hinihiwa ang karne na nasa harapan niya. "Mahal, baka may saltik lang sa ulo iyong lalaking nakaaway mo sa grocery kanina. Hayaan mo sa susunod na mag-grocery ka ay tawagin mo ako at ako ang bahala sa lalaking iyon." "Huwag na nating pag-usapan, mahal. Kaya hindi ko na nga rin ibinigay ang pangalan ko kung sakali na makuha na no'ng lalaki iyong wallet niya sa Barangay." "Mas mabuti nga mahal na huwag na lang nating pag-usapan dahil naiinis na rin ako." Nakangiting tinignan ni Khara ang kanyang asawa. "Ikaw talaga, mahal. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habambuhay." Tumayo siya at hinagkan ang mga labi ng kanyang asawa. "MAHAL, halika na muna at mag-almusal na tayo. Nagprito ako ng itlog at tuyo na paborito mo at sinangag na kanin na may carrots," masayang sabi ni Khara habang kinakausap ang kanyang asawa na nasa labas ng kanilang bahay-kubo. Inaayos nito ang mga gagamitin sa pagpunta sa bukid mamaya. Busy na naman ang kanyang asawa sa pagmamaneho ng harvester. Nakatira sila malapit sa bukirin at ang pagha-harvester ang kanilang kabuhayan. Nilingon siya ng kanyang asawa. "Ang sarap naman ng inihanda mong almusal, mahal ko. Kaya naman hindi ko magawang tumingin sa iba, e. Dahil sa iyo pa lang kuntentong-kuntento na ako. Maasikaso ka, malambing, mapagmahal at higit sa lahat..." Niyakap siya nito sa likuran at hinagkan ang kanyang leeg. "Masarap ka... na... magluto." "Ikaw talaga, mahal. Halika na at kumain baka kung saan ka pa dalhin ng kalokohan mo." Inilayo ni Khara ang sarili kay Lander. Magkasunod silang nagtungo sa kusina. Pinagsilbihan ni Khara ang kanyang asawa. "Ako ang bahala na kumuha ng pagkain ko, mahal. Ikaw talaga masyado mo akong inaalagaan baka mamaya hindi na naman tayo makabuo ng anak dahil sa sobrang kasipagan mo," malambing na sabi nito sa kanya. Nalungkot si Khara sa sinabi nito. Dalawang taon na silang kasal ni Lander ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagbubuntis. Ginawa na niya lahat ng mga payo sa kanya ng mga matatanda nilang kamag-anak ngunit hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Nagpasuri naman sila sa doctor ngunit wala naman silang problema na pareho ni Lander. "Naiinip ka na ba, mahal? Sorry, ha," malungkot na sabi niya rito. Hinawakan ni Lander ang kanyang kamay at saka pinisil iyon. "Mahal, hihintayin natin ang magiging anak natin. Hindi ako naiinip, iniisip ko lang ang kapakanan mo. Palagi kang abala rito sa bahay maghapon, naglalaba, naglilinis, nagluluto, nagtatanim sa maliit mong gulayan at pinagsisilbihan mo pa ako. Ayokong napapagod ka, mahal. Gusto ko dapat healthy ka kapag ipinagbubuntis mo na ang magiging junior ko." "Junior? Sigurado ka ba na lalaki ang first baby natin?" Ngumisi si Lander sa kanya. "Kapag ako ang gumawa sigurado na lalaki," anito na sinabayan pa ng pagtawa. Nahawa siya sa pagtawa ng kanyang asawa. Nawala ang lungkot na nararamdaman niya. Masaya silang kumain ng almusal ni Lander. Bago ito umalis ay siniguro nito na puno ang lahat ng sisidlan nila ng tubig. Gusto kasi nito na hindi siya magbuhat ng mabigat dahil excited ito na magbuntis siya. "Mahal na mahal kita, Khara. Baka gagabihin kami ngayon sa pagha-harvester sa palayan. Ngunit sisiguraduhin ko naman na dito ako maghahapunan. Huwag mong kalimutan lahat ng bilin ko sa iyo, mahal." Hinagkan siya nito sa kanyang mga labi at niyakap ng sobrang higpit. Inihatid ni Khara ng tingin ang kanyang papalayong asawa. Dinama niya ang init ng mga labi nito sa kanyang mga labi. Tatlong taon silang magkasintahan ni Lander bago sila nagpasyang magpakasal. Iningatan siya nito ng tatlong taon, hindi siya nito nagawang angkinin habang magkasintahan silang dalawa. Naging sapat na rito ang paghalik at pagyakap sa kanya. Tumigil siya sa pagbebenta online ng iba't ibang mga beauty products dahil ang gusto ni Lander ay ito na ang maghanap-buhay para sa kanilang dalawa. Nagbukas sila ng joint savings account sa bangko para sa inaabangan nilang anak. Mas maigi na may ipon na sila bago pa man siya magbuntis. Inililigpit ni Khara ang kanilang mga pinagkainan nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng TV. Kaagad niya iyong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Katarina, ang kanyang nag-iisang kapatid. Kaka-graduate lamang nito ng kolehiyo last year at nagtratrabaho na ito bilang isang call center agent sa Manila. "Ate!" malakas na sabi nito sa kabilang linya. "Oh, napatawag ka, Kat? Teka, hulaan ko." Umupo si Khara sa silya at nangalumbaba habang kausap ito. "May problema ka na naman?" "Kasi naman ate, ang sungit ng boss ko dito sa call center at sinabihan niya ako na tamad. Nainis na ako ate kaya uuwi na ako ngayon!" mabilis na pagsasalita nito sa kabilang linya. "Ano? Kat, naman. First job mo iyan dapat hindi mo basta-basta pinapairal ang pride mo. Paano na ngayon? Saan ka magtratrabaho? Sinabi mo na ba kay Tatay ang tungkol diyan?" Patay na ang kanilang Ina ni Katarina, at ang kanila ama naman nasa Antipolo at may sarili na ring pamilya. "Ate, ayoko nang mamroblema si Tatay. Buntis na naman iyong bagong asawa ni Tatay at may ikalimang kapatid na tayo." Tumawa pa ito ng malakas. "Ikaw talaga, Kat. Kung wala kang mapupuntahan dito ka na lang muna mag-stay sa bahay. Sasabihin ko na lang kay Kuya Lander mo na dito ka muna tutuloy dahil sinibak ka ng boss mo sa trabaho." "Thank you so much, ate. I love you so much. Huwag kang mag-alala kapag natanggap ako sa ina-apply-an kong trabaho sa Pampanga aalis din kaagad ako. Nakakahiya kay Kuya Lander." "Sus, ikaw pa ba? Nag-iisang kapatid kita. Kung hindi sana ibinenta ni Tatay iyong dati nating bahay diyan sa Manila, e 'di sana may matutuluyan ka pa." "Hay naku, ate. Huwag mo na isipin ang tungkol doon dahil kahit ako hindi pa rin ako makapaniwala na nagawang ibenta iyon ni Tatay pagkatapos ng graduation ko. Ate, ano nga pala gusto mong pasalubong? Baka kasi ayaw mo ng buko pie at custard cake, e." "Okay na iyan, Kat. Sige na mag-iingat ka sa pag-uwi mo. Huwg mong kalimutan na i-text ako o tawagan kapag nasa crossing ka na, okay? Baka kasi mawala ka pa dahil pangalawang beses mo pa lang na pupunta dito sa amin," nag-aalala niyang sabi rito. "Okay na ako, ate. Ako na bahala sa sarili ko dahil malaki na ako. Bye, ate. I love you!" Nag-kiss pa ito sa kanya bago pinutol ang phone call. Anim na taon ang tanda niya kay Katarina. Noong nag-asawa muli ang kanilang Tatay ay siya na ang nagsilbing magulang ni Katarina. Tumigil siya sa pag-aaral ng third year sa kursong Education at sinuportahan na lamang niya ang pag-aaral sa college ng kanyang kapatid. Doon niya nakilala sa Manila si Lander na tubong Tarlac. Nang maka-graduate na si Katarina ay nagpakasal naman na sila ni Lander at bumuo ng kanilang sariling pamilya. INAYOS ni Khara ang kabilang kuwarto na siyang magiging pansalamtalang silid ngayon ng kanyang kapatid. Masyadong independent si Katarina, seksi ito kung manamit at palagi rin itong naka-make up. Hindi katulad niya na conservative sa katawan. Inilabas ni Khara ang mga regalo nila noon sa kasal mga punda ng unan, bedsheet at kumot. Inayos niya iyon upang maging komportable ang kanyang kapatid. Dalawang kuwarto lang naman ang maliit na bahay-kubo nila ni Lander. Gawa sa purong kawayan at ang dingding ay sawali. Sementado ang sahig nila na nilatagan niya ng carpet mula sala hanggang kusina. May bamboo sala set, maliit na TV at radio na minana pa niya sa magulang ni Lander. Masasabi niyang simple ang bahay nila ngunit maaliwalas sa mga mata. Malinis kasi si Khara sa sa bahay at sa kanyang paligid. Alas tres na ng hapon nang makarating si Katarina sa bahay niya. Inihatid ito ng tricycle driver na kakilala nila ni Lander. Masayang-masaya si Katarina nang makita siya nito. Halos anim na buwan niya rin itong hindi nakita dahil naging busy ito sa trabaho. "Finally, nakita kita ulit ate. Grabe ang sariwa ng hangin dito at sobrang presko." Napailing si Khara nang makita ang kapatid na seksing-seksi sa suot nitong maikling short at croptop na t-shirt. "Teka, ganyan ka ba bumiyahe?" nagkasalubong ang kilay niya. "Ate, ito ang uso ngayon sa aming mga kabataan. 'Tsaka wala namang mawawala, e." Kinurot niya ito sa tagiliran. "Katarina! Walang mawawala? Mababastos ka lang sa ganyang pananamit mo! Alam mo hindi iyan p'wede rito! Kaya pala ganoon na lang ang tingin sa iyo ni Manong Ador dahil kitang-kita na ang kaluluwa mo!" sermon niya rito. "Aray ko, ate! Okay sige, magbibihis na ako mamaya. Halika na muna rito at kakainin natin itong mga binili ko, nagugutom na kasi ako." "Sandali lang at kukuha ako ng malamig na tubig. May ulam dito na adobong pusit baka gusto mong kumain ng pananghalian? Hindi na kita hinintay dahil ang tagal mo namang dumating," aniya habang nasa kusina at kumukuha ng malamig na tubig sa refrigerator. "Ayoko, ate. No rice ako ngayon, e." "Kaya pala pumayat ka dahil sa kaka-diet mo. Kat, alam mo mas maganda ka kung medyo magkalaman ka naman ng kahit konti," aniya nang makalapit na rito. "Okay na ako sa ganitong katawan, ate. Ikaw ate, hanggang ngayon ba wala pa rin kayong anak ni Kuya Lander?" Malungkot na huminga ng malalim si Khara. "Hindi pa siguro napapanahon. Naghihintay na lamang kami na dumating ang araw na iyon. Ikaw, nasaan na iyong boyfriend mo?" Inikutan siya ng mga mata nito. "Ayon, wala na kami ate, e. Pagkatapos ng three years ipinagpalit niya ako sa isang med-tech student... sa mas bata sa akin. Sayang nga ate kasi... naisuko ko na lahat." Sinabunutan ni Khara ng mahina ang kanyang kapatid. "Ate, naman! Hanggang ngayon ba mapanakit ka pa rin?" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Paanong hindi ako magagalit? Isinuko mo ang sarili mo sa lalaking iyon tapos iniwan ka rin, Katarina!" "Ate, gumamit naman kami ng contraceptives ni Jayson, e. Huwag mo ako alalahanin, okay na okay lang talaga ako. At ready na ako. To fall in love again," makahulugang sabi nito sa kanya. Nakaramdam ng kaba si Khara. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnat ng kanyang kapatid at ang magiging kinabukasan nito dahil sa mga pinaggagagawa nito sa buhay. ALAS UNA NA NANG MADALING ARAW nakauwi si Lander. Marami kasi siyang hinarvester at napainom din siya ng alak dahil tumama ang palayan ni Mang Lucas. Bukod sa porsyento niya sa palay ay binigyan pa siya nito ng dalawang libong piso. Masaya si Lander habang tinatanggal ang kanyang maruming mga damit. Inilagay niya iyon sa may poso bago siya pumasok sa nakabukas na pintuan sa may kusina. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo at naisip niya na naroon ang kanyang asawa. Gising pa pala ito. Tinatanggal niya ang suot niyang pantalon at inilagay iyon sa likod ng pinto at saka isinara. Tanging boxer shorts na lamang ang kanyang suot. Nasa lamesa ang kaldero at kaserola. Maingat niya iyong binuksan at nakita ang adobong manok na kanilang ulam. "Mahal, sorry ngayon lang ako nakauwi. Nagpainom kasi si Mang Lucas. E, hindi naman ako pinayagan na hindi tumagay. Doon na rin ako kumain dahil kakatapos lang namin kaninang alas diyes. Alam mo ba nagbigay ng dalawang libo si Mang Lucas. Bukas ibibilad ko iyong mga palay para maibenta din natin at may maipagiling na bagong ani." Hindi pa rin sumasagot ito sa kanya. Nagpasya si Lander na silipin ito sa banyo. Hubo't hubad ito na nakatalikod sa kanya. Medyo madilim sa kinatatayuan nito. Pumasok si Lander sa loob ng banyo at niyakap ang kanyang asawa na alam niyang nagtatampo. Mabilis siyang itinulak nito at nang humarap ito sa kanya hindi si Khara ang kanyang nakita kun'di si Katarina na hubo't hubad sa harapan niya. Ilang segundo na napatigil si Lander bago nagmadaling lumabas ng banyo. Pinagpawisan ang noo niya at napainom ng malamig na tubig para mahimasmasan. Nagmadali siyang kumuha ng shorts at t-shirt sa labas ng bahay nila ni Khara. Muli siyang pumasok ng kusina at nakita niya na nakatayo si Khara sa may pintuan ng sala at bagong gising ito. "Mahal, kakauwi mo lang ba?" Nilapitan siya nito. Hindi halos makatingin si Lander kay Khara. Matapos niyang makita sa ganoong sitwasyon si Katarina. Nakaramdam siya ng pag-iinit sa kanyang katawan na pinilit niyang labanan. "Ma-Mahal..." Lumabas mula sa banyo si Katarina at ngumiti sa kanya na parang walang nangyari. Nakabihis na iyo ng ternong pantulog at may tuwalya ito na nakabalot sa buhok. "Mahal, dito nga muna pala titira si Kat ng ilang araw. Pasensiya ka na mahal, a. Wala naman kasing mapuntahan itong kapatid ko dahil inalis sa trabaho ng boss nila. Tapos alam mo naman ang sitwasyon ni Tatay." Niyakap siya sa bewang ng kanyang asawa. "O-Okay... sige... wa-walang problema," nauutal na sabi ni Lander at hindi halos makatingin ng diretso kay Katarina. Pumasok ito sa kabilang kuwarto. At inasikaso naman siya ng kanyang asawa. Bumuga nang malalim si Lander at iwinaksi ang nasa isip niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
23.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
162.6K
bc

His Obsession

read
99.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook