bc

Desiring My Bestie's Dad (SSPG)

book_age18+
26
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
HE
age gap
drama
tragedy
sweet
bxg
office/work place
small town
disappearance
multiple personality
actor
wild
like
intro-logo
Blurb

"Scarlet... scream my name... baby girl. I'll make you suffer for loving me this much."

Bigo sa pag-ibig si Scarlet Reyes, 19 years old sa kanyang unang boyfriend na si Max. Nahuli niya ito sa akto na may bagong karelasyon at paulit-ulit lang pala siya nitong niloloko. Akala niya katapusan na ng mundo kaya naman binalak niyang tapusin ang kanyang buhay.

Sa gitna nang malakas na buhos ng ulan binalak ni Scarlet na magpasagasa. Hanggang sa may humintong isang kulay itim na Porsche sa kanyang harapan. Bumaba ang isang estranghero at guwapong lalaki na nasa middle forties ang edad. Imbes na pagalitan siya nito dinala siya ng lalaki sa gilid ng daan, binigyan ng malaking payong at sampung libong piso. At sinabing tigilan ang modus niya para magkapera.

Akala ni Scarlet hindi niya na makikita pa muli ang lalaking nagpataas ng kanyang dugo at nagpauwang sa kanyang mga labi ngunit nagkamali siya.

Sa birthday party ng kanyang best friend na si Anya, muling makikita ni Scarlet ang lalaking hindi niya nagawang kalimutan. Ang lalaki si Archer Fierro, daddy ng kanyang best friend na si Anya.

Paano niya magagawang iwasan si Archer kung si Anya na mismo ang gumagawa ng paraan para palagi silang magkasama ng daddy nito? Kaya ba ni Scarlet na pigilan ang kanyang nararamdaman alang-alang sa pagkakaibigan nila ni Anya o isasakripisyo niya iyon para sa lalaking nilalaman ng kanyang puso ?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Scarlet's PoV "KAILAN MO PA ako niloloko, Vic?!" nanginginig sa galit na tanong ko sa aking boyfriend. Kumalas ang babaeng kahalikan nito at yumakap pa sa bewang ng boyfriend ko. Nginisihan niya ako at tinignan mula ulo hanggang paa. "Who is she, babe?" malanding tanong ng babae kay Vic habang nakatingin sa akin. "She's my old friend babe," sagot ni Vic na nginisihan pa ako. "Walang hiya ka!" umiiyak na sigaw ko at saka sinugod na ito. Itinulak ako ni Vic nang malakas at napaupo ako sa gilid ng pader. Malakas ang akong pagkakabagsak. "Scarlet, matagal na tayong tapos. Sinabi ko naman sa iyo kung hindi ka ready na ibigay ang gusto ko hindi na kita mahihintay. Hindi na uso ngayon ang pagiging Maria Clara! Tapos na tayo, Scarlet!" Tinalikuran ako ni Vic. "Please." Hinabol ko pa siya at lumuhod sa kanyang harapan. "Mahal na mahal kita, alam mo iyan." Sinipa naman ako ng babaeng kasama nito. "Poor girl!" singhal nito sa akin. "Scarlet, humanap ka na lang ng ibang lalaki na babagay para sa iyo. Kalimutan mo na lang ako at mag-focus ka sa buhay mo. Pagod na akong unawain ka at pagod na rin akong maghintay." Tuluyan na akong tinalikuran ni Vic kasama ang seksing babae na nakayakap dito. Umiiyak na nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na patungo sa kinaroroonan ng kotse ni Vic. Minahal ko ng tapat si Vic, ginagawa ko ang lahat para maging mabuti akong girlfriend. Hindi ko nga lang maibigay ang hinihiling nito sa akin dahil gusto kong ibigay iyon kapag kasal na kami dahil iyon lang ang isang bagay na p'wede kong maipagmalaki. Suot ko pa ang kulay brown kong apron, itim na cap at hairnet habang nakaupo sa gilid ng pader. Nagtratrabaho ako sa isang coffee shop at isa rin akong working student. Maaga akong naulila sa aking mga magulang. Costumer ko si Vic at matagal niya rin akong niligawan. Noong sinagot ko siya gusto na niya akong angkinin kaso sinabi ko na hindi pa ako handa. Lumipas ang dalawang buwan nahuli ko siya na may ka-text na ibang babae. Napatawad ko siya at nagkabalikan kami. Hanggang sa naulit iyon at mas lumala pa. Palagi niyang isinusumbat sa akin ang kakulangan ko bilang girlfriend niya. Hanggang sa tuluyan na ngang magbago si Vic. Tuluyan na niya akong tinalikuran at iniwan. Inalis ko ang apron na suot ko at ang cap pati na rin ang hairnet ko. Ihinagis ko iyon sa daan habang umiiyak. Pakiramdam ko nawasak ang buong puso ko. Si Vic ang first love ko. Marami kaming mga plano at marami siyang ipinangako sa akin. Hindi ko namalayan na nakarating ako sa gitna ng kalsada. Bumuhos pa ang malakas na ulan. Panay ang pagtulo ng aking mga luha sa mga mata. Pakiramdam ko wala na akong dahilan para mabuhay pa. Hanggang sa biglang may tumigil na itim na Porsche sa aking harapan. Nasilaw ako sa matinding liwanang na dala ng ilaw no'n. Napapitlag ako sa malakas nitong pagbusina. Bumaba ang isang lalaki sa sasakyan tansiya ko nasa middle forties ang edad. Nakasuot ng puting sando, may mga tattoos sa katawan, mahaba ang buhok, may bigote at mahabang balbas. Marami itong peklat sa braso at may peklat din ito sa balikat. May hawak na payong ang lalaki at hinila niya ako sa gilid ng daan. "Here! Tama na ang modus na ito, Miss. Hindi ako matutuwa kung sasagasaan kita at baka matuluyan ka pa!" malamig ang boses ng lalaki. Hinawakan nito ang kamay ko at ibinigay sa akin ang payong na hawak nito. Sa pagdantay ng palad nito sa kamay ko kakaibang init ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako napalunok nang mapatingin dito. Nakakunot ang noo ng lalaki sa aking harapan. Binuklat nito ang matabang wallet at binigyan ako ng pera. "Ten thousand pesos iyan! Itigil mo ang modus na ginagawa mo! Bigyan mo na rin ang mga kasamahan mo dahil sa susunod na makita ulit kita rito, tutuluyan na kitang sagasaan!" malamig na sabi pa niya sa akin. Seryoso ang mukha ng lalaki at mukhang hindi ito nagbibiro. Hindi ko tinanggap ang pera ngunit hinayaan nitong mahulog iyon sa harapan ko. Magsasalita pa sana ako pero mabilis niya akong tinalikuran. Sumakay na ito sa sasakyan at matulin na pinaandar iyon. Napatingin ako sa mga perang nagkalat sa daan. Pinulot ko iyon isa-isa at kapag nagkita kaming muli ay ibabalik ko sa hambog na lalaking iyon ang perang ibinigay nito sa akin. Bigla akong natauhan sa nangyari. Bakit ko ba sasayangin ang buhay ko kay Vic? Muling bumuhos ang luha sa aking mga mata at kusa akong bumalik sa coffee shop na pinagtrabahuan ko. Pabalik na ako nang makita ko si Anya. Nagulat pa siya nang makita niya ako na basang-basa sa ulan at may hawak na malaking itim na payong. Ibinulsa ko ang perang basa na nasa kamay ko at tumingin sa aking matalik na kaibigan. "Bestie! Ano'ng nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Binitawan ko ang hawak kong payong at pinahid ang luha sa aking mga mata. Humagulhol ako sa harapan ni Anya. Niyakap naman ako ng aking matalik na kaibigan. "Hayop talaga ang Vic na iyon! Sinabi ko na kasi sa iyo noon na hiwalayan mo na siya kaso hindi ka nakikinig sa akin!" umiiyak na sermon sa akin ni Anya. Mayaman si Anya, lahat ng nais nito nabibili nito at walang ginusto na hindi nakukuha. Naging matalik na magkaibigan silang dalawa simula noong fourth year highschool hanggang ngayon na pareho na silang kolehiyo. At iisang kurso pa ang kinuha nila, Bachelor of Science in Tourism Management. "Sorry, bestie!" umiiyak na sabi ko rito habang yakap-yakap ito nang napakahigpit. Ipinagpaalam ako ni Anya sa manager ng coffee shop na pinagtrabahuan ko at dinala niya ako sa condo unit nito. Kahit na nahihiya ako ay sumama na ako rito dahil alam ko na magtatampo siya sa akin kapag hindi ko iyon ginawa. "Magbihis ka muna, bestie." Magkasukat lang kami ni Anya kaya naman kapag may mga damit ito na hindi nito gusto ay ibinibigay nito sa akin. "Magpapa-deliver lang ako ng foods natin." Hinawakan ko ang kamay ni Anya. Nangingilid na naman ang luha sa aking mga mata. "Maraming salamat, bestie. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka." "Maliit na bagay lang ito, Bestie. Kumpara sa mga ginagawa mo para sa akin, no. Magbihis ka na at ikuwento mo ang lahat ng ginawa sa iyo ng Vic na iyon!" galit na galit na sabi nito sa akin. Bumuga ako nang malalim bago nagtungo sa malaking banyo nito. Isinandal ko ang aking likod sa pader at mariing pumikit. Hindi ko alam kung bakit ang estrangherong lalaki na iyon ang sumasagi sa isip ko sa halip na si Vic at ang ginawa nitong panloloko sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
753.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.8M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
986.0K
bc

A Warrior's Second Chance

read
363.6K
bc

Not just, the Beta

read
350.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook