Archer‘s PoV
“SABIHIN mo sa akin kung may dahilan pa ba akong buh@yin ka!” malakas na sigaw ko sa harapan ng aking nakaluhod na tauhan. Duguan na ito at bugbog sarado. Nasa likuran nito ang dalawang tauhan ko na nakadiskubre sa kalokohan na pinaggagawa nito sa aking mga negosyo.
“Boss, parang aw@ na ninyo. Kailangan ako ng mga anak ko. Hindi ko ginusto na tr@ydurin kayo, boss. Nagipit lang talaga ako.” Gumapang si Boyet patungo sa may paanan ko at halos halikan nito ang sapatos kong suot. “Boss, ayoko pang mam@tay, maliliit pa ang mga anak ko,” tila umiiyak na pakiusap sa akin ni Boyet.
“Halos kalahating milyon ang nin@kaw mo sa mga negosyo ko, Boyet. At sa tingin mo ba papalampasin ko na lang ng ganoon ang ginawa mo sa akin?” Sinipa ko siya sa may d*bdib at hindi pa ako nakuntento, tinapakan ko pa ang balikat nito. Nakalapat ang pisngi ni Boyet sa sahig at lumalabas ang dugo mula sa kanyang bibig.
“Boss, parang awa mo na. Babayaran ko na lang ang---”
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi no Boyet. Kinalabit ko ang g@tilyo at itinutok iyon sa may bumbunan nito. Umagos ang dugo mula roon.
Tinalikuran ko ang aking mga tauhan na nagulat sa ginawa ko. “Linisin ninyo ito at magsilbing aral sa inyong lahat ang nangyari. Hindi ako nagbibigay ng ikalawang pagkakataon kaya sana huwag ninyong tangkain na traydurin ako dahil alam na ninyo ang mangyayari.”
“Yes, boss!” malakas at sabay-sabay na sagot ng mga ito.
Lumabas ako sa aking opisina at nagtungo sa aking kuwarto. Nag-ring ang isang cellphone ko sa suot kong coat at sinagot ko iyon.
Umupo ako sa couch at sinalinan ng whiskey ang aking baso.
“Daddy!” boses ng aking anak na si Anya. Mukhang may problema na naman ito. Napahawak ako sa aking sintido at hinintay ang iba pang sasabihin nito sa akin.
“Dad, hindi na muna ako uuwinsa bahay this week. Kailangan ako ng best friend ko, muntik na siyang mam@tay. And I can’t loose her. I love her so much, dad.”
Tinutukoy na naman nito ang matalik nitong kaibigan na ni minsan hindi ko pa nakikilala dahil abala ako sa aking mga negosyo. May private body guard ang anak ko si Bleed, siya ang nagkukuwento sa akin tungkol sa matalik nitong kaibigan na hindi ko na matandaan ang pangalan.
“Okay, sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan mo. Nag-send na ako sa bank account mo ng one hundred thousand na allowance mo this week. At iyong birthday party mo naayos na ng Mommy mo.”
“Yes. Thank you, Daddy. I love you! See you soon.” Tinapos na kaagad ni Anya ang pakikipag-usap sa akin.
Bumuga ako nang malalim at napailing. Hindi ko nasubaybayan ang paglaki ni Anya, ang namayapa kong Ina ang nag-alaga dito simula nang maghiwalay kami ni Eliza. Nagpa-annuled kami ng kasal ni Eliza noong ten years old pa lamang si Anya. Walang alam si Anya sa tunay na dahilan kung bakit ko tinapos ang aming relasyon ni Eliza. Gusto kong lumaki pa rin ang anak ko na may normal na pamilya.
Magkaibigan naman kami ni Eliza ngayon at maayos din ang relasyon ng aming mga pamilya.
Habang umiinom ako ng whiskey naaalala ko ang dalagang muntik ko nang mabangga kagabi. Kung hindi siguro ako naging maagap baka tumilapon sa malayo ang dalagang iyon na kasing edad lang ng aking anak.
Napailing ako habang iwinawaksi sa aking isip ang mukha ng dalagang iyon. Maganda, inosente at may mapupungay na mga mata. Ang mga labi nito, perpekto ang hugis at mamula-mula.
“F*ck mind!” sermon ko sa aking sarili.
Habang umiinom ay may kumatok sa aking kuwarto. Alam ko na kung sino at kung ano.
Gabi-gabi may iba’t ibang mga babae nagpupunta sa kuwarto ko pampalipas ng aking oras. At pampawala ng stress at pagod ko sa pag-iisip sa aking mga negosyo.
Nakasuot ng s3xy lace br@ at panty ang dalawang babae. May malulusog na d*bdib at bakat na bakat ang mat@mbok na hinaharap.
Hinayaan ko na tumabi sila sa akin. Halikan ako sa leeg, hub@ran ako at palig@yahin.
Pareho ko silang in@ngkin, naging marahas ako sa kanilang dalawa at halos isigaw nila ang aking pangalan nang paulit-ulit.
Nang mapagsawaan ko sila ay kusa na silang lumabas sa aking kuwarto dala ang sobre na nasa lamesita. Limampung libong piso ang kabayaran sa kanilang dalawa para sa kanilang serbisyo.
KINABUKASAN nagtungo ako sa condo unit ni Anya. Ngunit wala roon ang anak ko. Nakausap na lamang ng assistant ko ang matalik na kaibigan ni Anya na naroon sa loob ng condo unit ng anak ko.
Hindi na ako nakipag-usap dito dahil hindi naman ako interesado na malaman kung sino ang best friend ng anak ko.
Bago ang birthday party ni Anya, dumating sa bahay ko si Eliza. Katulad ng dati, punong-puno na naman ito ng kaartehan sa katawan. May suot na mamahaling diamond necklace, mga bracelets at earings. Bitbit pa nito ang Himalayan limited bag collection nito na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso. Nakasuot ng designers clothes na galing pa sa Paris at high heels na nasa dalawang pulgada.
Nakipagbeso sa akin si Eliza. “Hindi ka pa rin nagbabago, Archer. Seryoso ka pa rin, mainitin ang ulo at blanko ang mukha. Tatanda kang malungkot at mam@matay na malungkot.” Umupo si Eliza sa couch at tinawag ang mga katulong ko sa bahay para pagsilbihan ito.
Inayos ko ang black suit ko at umupo sa couch na kaharap ito. Sumandal ako sa couch, nag-cross legs at tumingin sa smart watch ko.
“Wala pa rito si Anya, ang sabi niya sa akin sa condo muna siya magi-stay kasama ng matalik niyang kaibigan.”
“Kaibigan? Isang babae ba na ka-level natin ang pamumuhay o isang babae na mas mahirap pa sa daga.”
Nagsalubong ang aking mga kilay sa sinabi nito. “Hindi ko pinapakialaman kung sino ang mga kaibigan ni Anya dahil buhay niya iyon. Kung saan siya masaya, sinusuportahan ko siya. Unlike you na busy palagi sa career at ngayon mo lang naasikaso ang birthday party ng anak natin.”
Pinanlakihan ng mga mata si Eliza dahil sa sinabi ko.
“Archer…”
Tumayo ako at inayos muli ang aking suit. “Marami pa akong dapat na gawin. Mag-stay ka rito kung gusto mo, at hintayin mo si Anya na dumating. Huwag na huwag mo lang siyang pagbabawalan kung ano ang gusto niyang gawin, naiintindihan mo ba ako, Eliza?” matiim na tanong ko sa kanya.
Napalunok naman ito at napantango. Tuluyan na akong umalis kahit na tinawag pa ni Eliza ang pangalan ko. Hindi na ako interesado pa sa kanya dahil tapos na ang anumang uganayan namin. Alam ko kung bakit gustong ilapit ni Eliza ang loob nito sa anak namin para sa akin… umaasa siya na makikipagbalikan ako sa kanya.
Kung noon baliw na baliw ako kay Eliza dahil sa taglay nitong alindog at ganda. Ngayon wala na akong nararamdaman kun’di galit at pagkamuhi sa kanya.