bc

He Divorced His Precious Wife Now He Regrets It (R18 Tagalog)

book_age18+
644
FOLLOW
5.9K
READ
billionaire
dark
contract marriage
HE
escape while being pregnant
opposites attract
dominant
single mother
heir/heiress
drama
sweet
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Minahal ni Sloane si Trev Blaire at pinakasalan ng walang pag-aalinlangan. Binigay niya ang kanyang mundo para sa mahal niyang asawa.

At si Trev, ginawa ang lahat upang protektahan ang babaeng tunay niyang minamahal ang best friend niya na si Windy na stepsister ni Sloane. At pinaniwala niya si Sloane na mahal na mahal niya ito dahil iyon ang kasunduan nila ng kanyang Lola Orlie nang ikasal silang dalawa.

Sa loob ng tatlong taon naging perpektong asawa si Sloane. Hanggang sa dumating ang araw na nalaman niyang buntis siya. Susurpresahin dapat niya ang kanyang asawa ngunit isang lihim ang kanyang natuklasan sa pagitan ng kanyang stepsister at ng kanyang asawa. Idagdag pa ang katotohanan na ginamit lang siya ni Trev upang pagtakpan ang pakikipagrelasyon nito kay Windy.

Upang hindi na tuluyan pa na masaktan, tinanggap ni Sloane ang pakikipag-divorce sa kanya ni Trev at piniling lumayo nang hindi nito nalalaman na nagdadalang-tao siya.

Sa paglipas ng anim na taon, magkikita silang muli.

Si Sloane, single mother na maligaya sa piling ng kanyang anak.

At si Trev, nagdusa ng limang taon dahil pinakawalan niya si Sloane.

Sa kanilang muling paghaharap… malaman kaya ni Trev na may anak sila ni Sloane? O huli na ang lahat upang maitama pa ni Trev ang kanyang pagkakamali?

chap-preview
Free preview
K1: Best friend
Sloane's PoV NAKATINGIN ako kay Trev habang isinasayaw nito ang aking stepsister na si Windy. Ipinagdiriwang namin ngayon ang ika-twenty eight birthday ng kapatid ko. Best friend siya ng asawa ko simula pa noong highschool. At naghiwalay lang nang mapunta sa Amerika ang kapatid ko para doon mag-aral ng Fine Arts. Sa California USA naman kami tumira ni Trev ng tatlong taon. At doon na rin kami ikinasal. Umuwi lang kami dito sa Pilipinas dahil sa pakiusap ni Lola Orlie. Mahina na ang katawan nito at gusto na niya kaming makasama sa huling sandali ng kanyang buhay. Nandito ako ngayon sa tabi niya at magkasama naming pinapanood sina Trev at Windy. “Hindi ka ba nagagalit sa asawa mo, iha? Simula pa kanina si Windy na ang kasama niya,” mahinang sabi niya sa akin. Nginitian ko lamang siya. “Lola, mahal na mahal namin ni Trev ang isa't isa. At may tiwala naman ako sa kanya lalo na kay Ate Windy. Naiintindihan ko kung bakit sila close sa isa't isa dahil mag-bestfriend sila. Wala pa ako noon sa buhay ni Trev magkaibigan na sila.” Malungkot na tumingin sa akin si Lola Orlie. Malalim din ang paghugot niya ng hininga. “Pero, apo… ikaw ang asawa ni Trev.” Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Lola, huwag po kayong mag-isip ng kung ano-ano, okay? May tiwala po ako sa asawa ko at alam kong wala siyang gagawin na ikakagalit ko.” Natuwa sa akin si Lola Orlie. Sa loob ng dalawang taon wala kaming naging problema ni Trev. Ginagampanan ko ang papel ko bilang kanyang asawa. Pinagsisilbihan ko siya at inaalagaan. Wala akong ginagawang masama upang masira ang kanyang pangalan. Hindi ako nakikipag-away sa mga babaeng nakikipaglapit sa asawa ko sa negosyo, at sa trabaho. Noon pa man lapitin na ng mga babae si Trev dahil sa taglay niyang kaguwapuhan. Maganda ang pangangatawan ni Trev, may sixteen packs na abs, six feet ang taas, may magandang tabas ng panga, may mapupungay na mga grayish na mga mata at kissable lips. Matangos ang ilong at may katamtaman kapal ang kilay. Under cut ang gupit niya at may magandang tindig. Hindi ko na mabilang sa mga daliri ang mga babaeng nagpapansin kay Trev hanggang ngayon. Imbes na patulan ko sila ini-ignore ko na lang. Ako naman ang asawa ni Trev at may tiwala naman ako sa kanya. Trabaho lang at bahay si Trev kaya naging kampante ako na wala siyang gagawin na ikakasira ng pagsasama naming dalawa. “Lola, ipapasok ko na muna kayo sa loob para makapagpahinga na kayo,” nakangiting sabi ko kay Lola Orlie. “Hu-Huwag mong iiwan dito ang asawa mo.” “Lola… hindi naman mawawala si Trev. Nandito lang tayo sa bahay namin, e,”, nakangiting sabi ko pa rito. Hindi na tumutol pa si Lola Orlie nang itulak ko ang wheelchair patungo sa kuwarto na tutuluyan nito na kasama ako. Nandito kami ngayon sa bahay ng aming ama ni Windy. Sa guestroom ko na pinatuloy si Lola Orlie. Nakasunod sa amin ang dalawang private nurse. “Sloane, puntahan mo si Trev. Sabihin mo sa kanya na uuwi din tayo. Ayokong mag-stay dito ng matagal.” Naiintindihan ko naman ang gustong sabihin ni Lola Orlie. Nahihiya ito sa stepmother ko. Hindi kasi kami magkasundo nito. “Sige po, Lola. Pupuntahan ko na si Trev.” Lumabas ako ng pinto ng guestroom. Nakasalubong ko pa sa may sala si Tita Amanda. Nakataas ang kilay nito at mukhang nasira ang araw nang makita ako. “Sloane, umuwi na lang sana kayo ng Lola mo. Alam mo naman na maraming bisita ngayon baka gamitin nila ang guestroom.” “Pu-Pupuntahan ko lang si Trev, tita.” “Bakit?” nakataas ang boses na tanong nito sa akin. Napakunot naman ako ng noo. “I mean… bakit pa? May sarili naman kayong driver na maghahatid sa inyo, ‘di ba? Isa pa, nag-i-enjoy pa sila ni Windy. Bigyan mo naman sila ng oras na magkasama ni Trev. Ngayon lang ulit sila nagkita.” Bumuga ako nang malalim at saka tumango. “Magpapaalam lang ako kay Trev, tita. Ayokong umalis na hindi ko siya nakakausap.” Tumalikod na ako para puntahan si Trev ngunit nakita ko siya na parating, nakahawak siya sa may bewang ni Windy at nagtatawanan pa habang palapit sa kinaroroonan namin ni Tita Amanda. “Honey,” tawag ko rito. Nakita ko na inilayo ni Trev ang sarili kay Windy. Nilapitan naman niya ako. “Honey,” masuyong sambit nito. “Si Lola Orlie, gusto na niyang umuwi kami. Magpapahatid na kami sa driver na—” “No, honey. Ihahatid ko na kayo ni Lola Orlie. Wait here. Magpapaalam lang muna ako sa mga dati kong kaibigan.” Nagmamadaling tumalikod si Trev sa amin. “Masuwerte ka talaga kay Trev, Sloane. Hindi lang siya guwapo, mabait din at napakaresponsable,” ani Ate Windy na nakatingin pa rin kay Trev na naglalakad palayo sa amin. “Hindi naman sa ganoon, Ate Windy.” Binalingan niya ako at tinignan mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng red tube long dress na may mahabang slit sa left side. May suot din akong diamond necklace na iniregalo sa akin ni Lola Orlie noong mag-twenty three ako last year. Samantalang si Ate Windy, nakasuot ng hapit na hapit na red mini dress. Litaw na litaw ang mapuputing cleavage at bakat na bakat ang malapad nitong balakang. Nakasuot ng beige na high heels na sa tingin ko nasa four inches ang taas. Katulad ko nakasuot siya ng diamond necklace ngunit maliliit lang ang diamond stone no'n. “Bakit nga pala hanggang ngayon wala pa kayong anak ni Trev? Wala naman siguro tayong lahi na baog, Sloane.” “Wala pa kasi iyon sa mga plano namin ni Trev, Ate Windy. Busy pa siya sa kanyang mga negosyo at ako naman inaalagaan ko si Lola Orlie.” “Sloane, baka naman sa sobrang pagiging busy mo sa pagiging caregiver makalimutan mo na ang iyong sarili,” sabi pa ni Tita Amanda. Nanatili lang akong nakangiti. “Hindi naman po may private nurses naman si Lola Orlie.” Linapitan ako ni Trev nang bumalik na ito sa may sala. “Let's go?” nakangiting tanong niya sa akin. Matipid naman akong tumango. “Ate Windy, Tita Amanda, aalis na kami. Happy birthday ulit, Ate Windy. Sana magustuhan mo ang simple gilft ko para sa iyo.” Niyakap ko pa ang aking kapatid. “Thank you, Sloane. Bibisitahin ko na lang kayo ni Trev. Magdadala ako ng paborito niyang mango pie.” Tumango naman ang asawa ko. “Welcome ka sa bahay, Windy. Happy birthday.” Niyakap nito si Ate Windy nang mahigpit… nakikita ko na miss na miss talaga nito ang matalik na kaibigan. Hinawakan ni Trev ang kamay ko at tumalikod na kami kina Tita Amanda at Ate Windy. “Honey, okay lang naman sa iyo na pumunta sa bahay si Windy, ‘di ba?” malambing na tanong sa akin ni Trev. “O-Oo naman.” Hindi ko alam kung bakit pumayag pa rin ako kahit na medyo naiinis ako rito. Simula pa kahapon si Ate Windy na ang bukambibig nito. At hanggang ngayon siya pa rin ang topic namin. Tinapunan ko ng tingin si Lola Orlie na nasa backseat. Narinig nito ang sinabi ni Trev sa akin at mukhang hindi nito iyon nagustuhan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
13.0K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.1K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

In Bed With Kuya Red

read
47.9K
bc

DESIRING THE BADBOY (SSPG/ Dark Romance)

read
157.1K
bc

Kuya Andrew

read
74.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook