Mabilis na bumangon si Kan nang masiguro niyang nasa kama na nga siya at wala na sa sahig gaya ng pagkakatanda niya. Unti-unting kumunot ang noo niya nang makitang comforter nila sa hotel ang gamit niya at hindi ang comforter sa cabin na inilatag niya sa sahig kagabi. Kahit ang kama ay sa hotel din iyon. At nang ilibot niya ang tingin sa buong paligid ay napag-alaman ni Kan na totoo ngang nasa hotel na siya at wala na sa cabin sa wilderness. Ibig sabihin ay iniuwi siya roon ni Nicolas habang wala siyang malay? Sa namumugtong mga mata ay nilingon niya ang asawa— Teka, namumugto nga ba ang mga mata niya? Saglit na natigilan si Kan nang wala naman siyang maramdaman na kakaiba sa mga mata niya. Nang kapain niya iyon ay totoong umiiyak nga siya pero hindi naman namamaga. Wala siyang nakapa

