CHAPTER 75—NORTHERN LIGHTS

2617 Words

Hindi mapigilan ni Kan ang pamamasa ng kaniyang mga mata nang sa wakas ay tunay na niyang nasilayan ang aurora borealis sa Lapland, Finland. At hindi sa panaginip lang. Minsan naman na siyang nakakita niyon sa Las Vegas noon. Kaso masiyado siyang busy para panoorin iyon nang matagal kaya hindi niya gaanong na-a-appreciate. Hindi katulad ngayon na mas lalo pa iyong gumanda sa kaniyang paningin dahil kasama pa niyang nanonood niyon ang kaniyang mahal na asawa. "There is no better feeling than watching northern lights while holding your beautiful wife," puno ng sinseridad na wika ni Nicolas bago hinapit ang kaniyang baywang at agad naman siyang yumakap dito. Nakatayo sa labas ng sasakyan at parehong balot na balot ang mga katawan dahil sa malamig na paligid. Pero kahit napapalibutan sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD