"Bakla ka talaga." Kinurot ni Kan sa tagiliran si Ogie nang puntahan niya ito. Sina Nicolas at kaibigan naman nito ay nagpaalam sandali na may pupuntahan. Nagmamadali ang mga ito kaya hindi muna sila naipakilala sa isa't isa. "Witness ka pala pero wala ka man lang sinabi sa'kin." "Ikaw nga itong hindi nagsasabi na pumayag ka na palang magpakasal sa Boss ko. Kaloka ka." Gumanti ito ng kurot sa kaniya. "Buti pa si Sir Nicolas, kinuha pa akong witness." Nahihiya na napakamot siya sa sentido. "Biglaan lang talaga. Pinadampot na kasi ni Simon si Tatay, eh. Buti na lang, nagpadala agad ng tulong si Nicolas kahit hindi pa ako pumapayag. Kaya pumayag na rin ako." "I told you mabait ang boss kong iyon," anito sa tonong nagmamalaki. "Papayag ka lang din naman pala, in-stress mo pa nang ilang araw