Ininat ni Kan ang mga braso at magaan ang pakiramdam na dahan-dahan niyang iminulat niya ang mga mata. Nang masilaw siya sa liwanag na sumisilip sa bahagyang nakababa na blinds ay bumangon na siya. At saka siya napatitig sa bulto na nakatayo sa paanan ng kama. Kumurap-kurap ang dalaga bago niya kinusot ang mga mata para maging malinaw ang paningin niya. Pagkatapos ay saka niya tiningala ang mukha ng may-ari ng bulto ng katawan na nakatayo roon. It took her a couple of seconds to realize that it was Nicolas. And he was looking down at her with a smile and admiration in his eyes. "Good morning," lumapad pa ang ngiti nang batiin siya nito. "G-good morning." Naiilang na nag-iwas siya ng tingin at bumaba mula sa kama. Mabuti na lang talaga at maayos naman ang sarili niya. Nakalimutan niya