KAHIT ilang oras lang ang naging tulog ni Kan ay maaga pa rin siyang nagising at naggayak. Una niyang inilagay sa kaniyang bag ang identification card niya. Tinawagan din niya ang kaniyang pamilya na huwag nang mag-alala kung sakali mang bumalik si Simon dahil nakahanap na siya ng pambayad sa utang ng ama at maisasalba na nila ang mga ari-arian nila. Dahil wala ng oras kaya sandwich na lang ang kinain ni Kan para makaligo na siya. Papunta na siya sa banyo nang tumunog ang cellphone niya. Bahagyang kumunot ang noo niya nang lumabas sa screen ang text message mula kay Nicolas. From Nicolas: Good morning. Otw na ako. See you! Binasa lang niya ang mensahe ng binata at hindi na nag-abalang mag-reply pa. Kailangan na niyang maligo agad dahil mamimili pa siya kung anong damit ang susuotin ma