"KUNG ayaw mong makitulog sa penthouse ko, ihahatid na na lang kita sa apartment mo. Hindi na safe para mag-commute ka pa," suhestiyon ni Nicolas pagkatapos niyang pumayag sa deal nito. "No need na. Magta-taxi na lang ako," tanggi ng dalaga. "Umuwi ka na rin at mag-uumaga na. Magkita na lang tayo bukas sa Clark County." "Paano natin mapag-uusapan ang advance payment na ipinangako ko sa'yo kung maghihiwalay agad tayo? Akala ko ba, kailangang kailangan mo na?" Napabuntong-hininga si Kan. "Bukas na lang siguro bago tayo ikasal. Anong oras na. Baka wala na rin akong makuhang abogado para mag-asikaso sa paglaya ni Tatay. Hindi ko na rin matawagan si Simon kanina pa. Pinagtataguan na ako ng demonyo na iyon dahil excited na siyang mapasakamay ang mga properties namin." Tatawagan na lang niya