CHAPTER 8- FINALLY

1010 Words
WALA raw si Nicolas sa penthouse nito ayon sa guwardiyang nakausap ni Kan. Pero nagbilin siya na kapag dumating ang binata ay sabihin na pumunta siya roon para sa inaalok nito. Pati ang condo unit at bahay nito na nakuha niya ang address kay Ogie ay wala rin ang lalaki. Ibinigay naman sa kaniya ni Ogie ang cellphone number ng binata. Pero nang tawagan niya ito kanina ay babae ang nakasagot. Natutulog daw si Nicolas sa tabi nito. Doon pa lang ay alam na ni Kan na isa ito sa mga babae ng binata. Gayon pa man ay hindi siya nag-atubili na sabihin na tinatanggap na niya ang offer nito. Ngunit ang sabi ng babae ay hindi na raw kailangan. Dahil ito na ang napili ni Nicolas na papakasalan. Pakipot ka pa kasi noon, eh! Kung tinanggap mo sana agad, hindi ka sana mamroroblema nang ganito ngayon. sermon ng kaniyang isipan. Hindi na alam ng dalaga kung saan siya papunta ngayon. Pero hinding-hindi siya lalapit sa Simon na iyon kahit ito na lang ang natitirang choice niya. Pinatay na lang muna ni Kan ang cellphone. Natatakot siyang kausapin ang kaniyang pamilya hangga't wala pa siyang masasabing magandang balita. Mula sa labas ng building ng Happy Life ay nanlulumo na naglakad na lang si Kan papunta kung saan. Bahala na kung saan siya makarating. Basta maghahanap siya ng paraan para matulungan ang pamilya niya. Sa kung ano mang paraan ay hindi pa niya alam. Hindi na niya alintana ang malamig na hangin na tumatagos pa rin sa suot niyang jacket. Tumutulo ang kaniyang mga luha habang humahakbang patungo sa kawalan. Kapagkuwan ay napahinto sa paglalakad si Kan nang may humawak sa kaniyang braso. “Where do you think you’re going?” anang baritonong tinig na mabilis nagpalingon sa dalaga. Natigilan siya nang makita si Nicolas. Hindi siya namamalik-mata lang. He was handsomely standing right behind her while holding her arm. At bago pa man siya makahuma ay hinubad na nito ang suot na jacket at ipinatong iyon sa kaniyang mga balikat nang makitang yakap-yakap niya ang kaniyang sarili dahil sa sobrang lamig. Saka lang siya nakaramdam ng init. Naginhawaan ang pakiramdam ni Kan. Pati ang dibdib niya na kanina pa naninikip ay parang lumuwag din. Nagbaba siya ng tingin nang maramdaman niyang nagbabadya na namang tumulo ang kaniyang mga luha. “Saan ka pupunta? Hindi ‘yan ang daan pauwi sa apartment mo." Napabuntong-hininga ito nang hindi siya magsalita. “Pumunta ka raw sa Happy Life sabi ng mga guwardiya." Bahagya siyang nag-angat ng ulo para tumingin dito. "Never mind mo na lang iyon. Hindi naman importante iyon," pagsisinungaling ni Kan. Hindi na nito dapat malaman na kung kailan nakahanap na ito ng iba ay saka siya naghabol. Ayaw niyang lalong maging kaawa-awa sa mga oras na iyon. "Bakit nga pumunta ka roon? May kailangan ka ba sa'kin?" "Wala nga." Nag-iwas siya ng tingin. "Umuwi ka na lang at hayaan mo na lang ako na maglakad-lakad dito. I need peace." “Hahayaan kita na maglakad dito nang ganitong oras? Sa banda pa roon ay madilim na ang kalsada, Kan. Hindi mo man lang ba naisip na delikado ang mag-isa? Lalo na sa katulad mo. Come on, ihahatid na kita sa bahay mo." Muli nitong hinawakan ang braso niya. "Sa penthouse ka na lang muna kung ayaw mong umuwi pa. Pag-usapan natin ang dahilan ng pagpunta mo roon kanina." "Wala na nga iyon." Binawi niya ang braso mula rito. "Ayoko na pala." Bumuntong-hininga ito. “Huwag mo nang ipilit na pabayaan kita o iwan kita ngayon. Kung ayaw mo pa ring tanggapin ang offer ko, fine. Hindi na kita pipilitin pa. Maghahanap na lang ako ng iba. Pero hayaan mo na samahan kita ngayong gabi. Let me help you with your problem." Nagtatakang tumingin siya rito. "Tama ba ang narinig ko? Maghahanap ka pa lang ng mapapangasawa mo?" Tumango ito. "Oo. Ayaw mo naman kasi sa'kin." "Pero ang sabi ng babaeng kausap ko kanina sa cellphone mo, siya na raw ang pakakasalan mo." "What?" Mukhang nagulat ito. "Sinong babae?" "I don't know." She shrugged her shoulders. "Baka isa sa mga babae mo. Siya kasi ang sumagot sa cellphone mo nang tumawag ako." Saglit na nag-isip si Nicolas habang nakakunot pa rin ang noo. "Dammit!" kapagkuwan ay wika nito nang tila may naalala. Pagkatapos ay saka lang tumingin uli sa kaniya. "Don't believe her. That's not true." Bigla na lang naramdaman ni Kan na parang nabuhayan siya ng pag-asa. Nakakatawa na ilang araw niya itong iniiwasan. Tapos heto ang magiging ending niya sa gabing iyon, mukhang magpapakasal siya sa isa sa mga lalaking inaayawan niya. "So tell me, bakit ka tumawag? At bakit mo ako hinahanap? Sabi kasi ng guwardiya sa condo at sa bahay ko, hinahanap mo rin daw ako. Gano'n din ang sabi sa'kin ni Ogie." Sa wakas ay ngumiti rin ito. Kapagkuwan ay hinawakan naman nito ang kamay niya nang mahigpit. "Did you miss me this much para hanapin ako sa ganitong oras?" panunudyo nito. "Ano? Papakasal na ba tayo? Ilang oras na lang ay mag-uumaga na. Magbubukas na ang Clark County." Nag-iwas siya nang tingin nang hindi matagalan ang mga titig nito. Pambihira talaga itong si Nicolas. Wala pa nga siyang sinasabi na "oo" pero heto at gusto na agad siyang dalhin sa Clark County. Ganoon na ba ito kadesperado na mapangasawa siya? "Kan, I'm waiting..." untag nito sa kaniya na nangingislap ang mga mata. "Will you marry me?" Sinubukan niyang bawiin ang isa niyang kamay na hawak nito ngunit ayaw naman nito iyong bitiwan. Sa kabila ng pagiging helpless ay nahihiya pa rin siyang aminin sa kaniyang sarili na kahit abot-langit ang galit niya sa mga kagaya ng binata ay sa mga kamay din pala nito siya babagsak. Napabuntong-hininga na lamang si Kan bago tumitig kay Nicolas. "Yes, I will marry you," pikit-mata na sagot ni Kan. Napakagat-labi rin ang dalaga. Dahil ang mga salita na pangarap niyang sabihin lang sa tamang lalaki para sa kaniya ay naibigay na niya sa isa pang playboy dahil lang sa pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD