Two years later... Hindi magkandaugaga si Kan sa pag-estima sa mga bisita na walang tigil sa pagdagsa para samahan sila na i-celebrate ang fourth birthday ni Baby Nicole na ginanap sa bakuran lang ng mansion nila sa Japan. Mas gusto pa rin niya ang traditional na handaan ng mga Pinoy kaya iyon na ang pinili niyang venue kaysa ang kumuha pa sila ng mamahalin. Sa loob ng mahigit dalawang taon na pagsasama nila ni Nicolas, kahit mas natuklasan pa niya na hindi talaga biro ang yaman nito, naging masinop pa rin si Kan pagdating sa pera. Hindi siya nagwawaldas o gumagastos ng hindi kailangan. Ayaw niyang makalakhan ng kaniyang mga anak na porke't nakahiga sa pera ang mga ito ay okay lang na maging waldas. Kaya nga lumaki si Baby Nicole na marunong din magpahalaga sa pera. Hindi ito katulad ng

