Mula sa labas ng kaniyang sasakyan na may tinted glass ay tanaw ni Reese ang isang modernong mansion. Tahimik at parang walang katao-tao. Ngunit ilang sandali pa ay nakita niya ang pagsilip ng isang matandang babae sa salamin mula sa second floor. Ngunit hindi ito ang inaasahan niyang makita kaya nakaramdam siya ng pagkadismaya. Palinga-linga sa paligid ang babae habang nakasilip sa bintana na para bang may hinahanap o hinihintay. Bakas sa mukha nito ang takot at pag-aalala. Nakita rin niya ito na may tinatawagan sa cellphone. Pero mukhang bigo itong makontak ito at panay ang dial. Kapagkuwan ay tumunog ang cellphone ni Reese. Senyales na may nag-text sa kaniya. Ilang saglit na nag-isip muna si Reese bago siya nag-type ng reply nang mabasa iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


