"Good night, Ammy Danda! Good night Daddy! I wab you... I mit you!" Kapwa napangiti sina Kan at Nicolas pagkatapos nilang makausap ang anak. Kahit mag-alala una na ng madaling araw sa Pinas at mag-aalas otso ng gabi naman dito sa Finland ay talagang tumawag pa ito nang magising daw at naalalang hindi pa pala nakatawag sa kanila. Ginising pa raw talaga nito si Mama Jeany para tawagan sila. Katulad nga ng kanilang inaasahan ay hindi naubusan ng kuwento si Baby Nicole. Halos isang oras din silang nagkukuwentuhan. Inawat na nga lang nila ito para makabalik na sa pagtulog. "Good night din, Baby." Nginitian ni Kan ang anak at gumanti ng pag-flying kiss dito. "We love you, too. Mag-ingat kayo diyan, ha? Miss na miss ka na namin ni Daddy. Huwag po makulit diyan, okay?" "Good night and we lov

