Bago nagusap-usap ang pamilya nila, tinawag siya ng Daddy niya para kausapin daw muna siya nito. Sa library sila nagtungo ng Daddy niya at sumunod ang Mommy niya. Nakita nga niyang nakasunod ng tingin sa kanya si Gideon, tila nais pa nitong sumama sa loob ng library at makisama sa usapan nila ng parents niya. "What is this Via?" Kunot noong tanong ng Daddy niya. Nahimigan niya ang galit sa tinig nito. Alam niyang mula noon hanggang ngayon wala na siyang binigay sa mga magulang kundi sakit ng ulo. Problema at kahihiyan iyan lang ang naibigay niya sa mga magulang niya, mula sa eskandalo hanggang ngayon sa pagpapakasal niya kay Gideon Saavedra. Wala naman siyang nakitang ilangan kanina sa mga magulang niya at magulang ni Gideon, baka wala naman talagang issue ang mga ito or baka naka move