Inakala niyang nagbibiro lang si Gideon nang sabibin nitong ikakasal na sila nito next week. Seryoso pala ito at hindi na niya napigilan pa ito na magtungo sa bahay nila sa San Rafael, kasama ang mga magulang nito at si Mr. Gabriel Saavedra at misis nito. Kasama rin nila ang lolo at lola niya na susugod sa Hacienda Sebastian. Nakatawag naman siya sa Mommy niya kanina at sinabing papunta na sila sa Hacienda at may mga kasama sila. Tinanong ng Mommy niya kung sino kaya naman sinabi na niya ang totoo, nagulat pa ito at halos hindi makapaniwala. Tiyak na mas magugulat ito pag nalaman nito ang sadya nila sa asyenda. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi niya napigilan. Hindi nga niya alam kung paano nangyaring ikakasal na sila ni Gideon next week. Tiyak na nakarating na kay Basty ang ba